Saturday, November 27, 2010

My Grilled Love


My Grilled Love

     Naranasan mo na ba ang pakainin ka ng isang putaheng ayaw mo, pero nung matikman mo ay parang ayaw mo na kumain ng iba pa? Malamang sa malamang ay hindi pa sa iba, ngunit alam niyo ba ako naranasan ko na ito? Ganyan ang nangyari sa aking mahal na Steak. 

     Noong bata pa ako, sa edad na 5 ay natikman ko na ang steak ng tito ko. Hindi ko pa nun alam ang halaga ng isang steak. Basta kain lang ng kain. Noon ko rin natikman ang una kong sparkling champagne. Swak na swak ang dalawa! Kasabay pa nito ang kernel corn na side dish, at may crunchy garlic. Nasanay na ako simula nun na kada espesyal na okasyon ay kakain kami ng steak. Nang magtagal ay nalaman ko ang halaga ng isang steak sa isang restaurant. Aba'y laking gulat ko ng malaman kong umaabot sa Php 500 pataas ang isang steak. Pero ganun pa man, ay paminsan minsan, lumalabas pa din kami para makakain ng steak. Haha. The best sa lahat ang timpla ng aking tito. Simpleng toyo, kalamansi, 7-up (oo eto nga yung softdrink), asin, paminta at betsin. Kahit sa simpleng porkchop ay pwedeng pwede ito! Pero siyempre mas masarap pa din kung sa steak iyon. :p 

     At yan nga ang aking paboritong pagkain, ang inihaw na steak. :) Kayo ba? Ano ang inyong paboritong pagkain? Panigurado ay masarap din iyan! :)

8 comments:

  1. sarap!!!!! napakasarap niang inihaw na iyan. nkakamiss 2loy yan. msrap din dyan ang iba't ibang klaseng sawsawan :)

    ReplyDelete
  2. Minsan lang kmi kumain ng steak dahil mahal nga ito. Nagulat naman ako sa 7-up, minsan ay susubukan namin ang timplang iyan.

    ReplyDelete
  3. Masarap talaga ang mga pagkaing grilled! (: YUMYUM!

    ReplyDelete
  4. naks naman steak, sosyal ka teh haha. mahilig din ako diyan! :D
    -kimberlyn

    ReplyDelete
  5. MASARAP NGA!!!! Pahingi naman =)))) Gusto ko din matikman ang home made steak grilled!

    ReplyDelete
  6. srap nmn... steak... rare ung pgkaluto dpat pra ms masarap... :)

    ReplyDelete
  7. Mukang masarap ang luto ni tito! pahingi naman ako! :)
    -jel^^

    ReplyDelete
  8. Steak... kakaiba nga na may kasamang 7-Up sa panglasa ng steak na ito.. masubukan nga.. Para sa akin, masarap ang steak kapag may kasamang gravy.. :-bd

    "How do you like your steak?... Delicious.."

    ReplyDelete