Sunday, November 28, 2010

O paksiw, ika'y nakaka-aliw!


Bata pa lamang ako ay paborito ko ng kainin ang paksiw lalo’t na pag luto ito ng aking Inay. Kahit anong uri ng paksiw, mapa isda man o karne tiyak gigisingin nito ang natutulog kong isip at siyempre ng kumakalam kong sikmura. Paksiw, kung tutuusin hindi ito espesyal sa karamihan ngunit para sa akin ito ang ulam na swak sa aking panlasa. Anu nga ba ang meron sa paksiw at ganito na lang ang pag pupuri ko dito?
Ang paksiw lang naman ang ulam na tipong niluluto pa lang nakatatakam na. Yung tipong niluluto pa lang ito nalalanghap na ng mga tao sa bahay ang kakaibang aroma kaya di ko maiwasang matakam sa siglang hatid nito sa aking sensory organs. Kapag ito’y nakahain na sa mesa diet ko’y nasisira bigla. Naalala ko dati nung nagkaroon ako ng problema. Ang dami ko ng kinausap at ginawa subalit hindi maalis sa aking isipan ang problemang bumabagabag sa akin. Napadaan ako sa karenderiya ng Tiyahin ng kaibigan ko. Dahil alam nila na paksiw ang paborito ko, inalok niya akong kumain. Para itong bato ni Darna na nag bibigay sakin ng kalakasan. Biglang gumaan ang aking pakiramdam at para bang wala akong hinaharap na problema. “Comfort food” ika nga.
       Sa katunayan, ang pagluluto ng putaheng paksiw ay madali lamang, konting lagay lang ng mga pampalasa, ayos na. Ngunit ang nais ko ay kung paano ako makakalikha ng isaw paksiw na kakaiba ang lasa. Yung tipong mapapakain ka ng todo kapag iyong natikman.
         Ah basta! Sobrang ganda talaga ng naidudulot sa akin ang pagkain ng Paksiw. Tila ba lahat ng problema ko nawawala. Pakiramdam ko’y gumagaan. May hatid ding sustansya at sapat na nutrisyon ang tyak mong makukuha sa pagkain ng Paksiw.
         Para sa akin, kung pagsasama-samahin man ang iba’t-ibang putahe, espesyal man o pangkaraniwan, natatangi man o hindi, Paksiw pa din ang syang higit na mangingibabaw.

-Diane Mae L. Jamero, 1t5

7 comments:

  1. Paksiw! Tama ka hahaha! May kakaiba talaga dyan sa ulam na yan eh. Marinig mo pa lang ang pangalan ng ulam na yan eh talagang mapapa kain ka. Paborito nga yan ng tatay ko eh, pero nung una ayaw ko nyan dahil sa isda. Pero dahil na din sa panghihikayat na tulad nito na talaga namang nakapang hihikayat tulad ng paksiw eh sinubukan ko at naging paborito ko na din! Samahan mo pa ng fried rice :D

    sarap kaya! try nyo din! =D

    ReplyDelete
  2. Ang paksiw ay talaga namang masarap na, masustansiya pa.
    Maasim asim at hindi gaanong nakakaumay dahil may gulay na kasama :D

    ReplyDelete
  3. wow paksiw!! nangangasim na tuloy ako habang binabasa ko ito...gusto ko din kasi ito lalo na pagluto ng mama ko.. :))
    nice diane... :))
    nakakatakam naman!!!!

    ReplyDelete
  4. Napakagandang blogspot! :D:D
    Isa rin ako sa mga taong Nahuhumaling sa Pagkain ng paksiw. Ito'y napakasarap na at pinoy na pinoy sa ating panlasa. :):)
    Good Job Diane! :D

    ReplyDelete
  5. waw ang galing :D astig! kakaiba talaga ang nagagawa ng isang peyborit na putahe sa makatang isip ng pilipino :P

    keep it up!

    ReplyDelete
  6. Parang nalalasahan ko ang paksiw habang binabasa ko ito. Matagaltagal na din kasi ako hindi nakakapag ulam ng paksiw, habang binabasa ko ito ay lalo akong natatakam. Parang gusto ko tuloy mag-ulam ng paksiw mamaya.Tuna'y na nakakaingganyo ang iyong mga pahayag. Siguradong ang mga makakabasa nito'y matatakam sa paksiw. :)

    ReplyDelete
  7. Napakagandang blog naman itong gawa mo diane mae jamero, sadyang ako'y natatakam pag ito'y aking nababasa. mamaya nga'y paksiw ang mai-ulam baka sakaling mawala ang aking uyam. Sadyang kay lakas ng dating sayo ng paksiw diane, sakin nama'y potchero at kailngan luto din ito ng nanay ko. Siguro nga't ang mga pagkain ay isa sa mga pantawid natin ng problema, masarap na mura pa. Ako'y galak na galak sa blog na ito, mabuhay ka diane! :)

    ReplyDelete