Bata pa lamang ako ay paborito ko ng kainin ang paksiw lalo’t na pag luto ito ng aking Inay. Kahit anong uri ng paksiw, mapa isda man o karne tiyak gigisingin nito ang natutulog kong isip at siyempre ng kumakalam kong sikmura. Paksiw, kung tutuusin hindi ito espesyal sa karamihan ngunit para sa akin ito ang ulam na swak sa aking panlasa. Anu nga ba ang meron sa paksiw at ganito na lang ang pag pupuri ko dito?
Ang paksiw lang naman ang ulam na tipong niluluto pa lang nakatatakam na. Yung tipong niluluto pa lang ito nalalanghap na ng mga tao sa bahay ang kakaibang aroma kaya di ko maiwasang matakam sa siglang hatid nito sa aking sensory organs. Kapag ito’y nakahain na sa mesa diet ko’y nasisira bigla. Naalala ko dati nung nagkaroon ako ng problema. Ang dami ko ng kinausap at ginawa subalit hindi maalis sa aking isipan ang problemang bumabagabag sa akin. Napadaan ako sa karenderiya ng Tiyahin ng kaibigan ko. Dahil alam nila na paksiw ang paborito ko, inalok niya akong kumain. Para itong bato ni Darna na nag bibigay sakin ng kalakasan. Biglang gumaan ang aking pakiramdam at para bang wala akong hinaharap na problema. “Comfort food” ika nga.
Sa katunayan, ang pagluluto ng putaheng paksiw ay madali lamang, konting lagay lang ng mga pampalasa, ayos na. Ngunit ang nais ko ay kung paano ako makakalikha ng isaw paksiw na kakaiba ang lasa. Yung tipong mapapakain ka ng todo kapag iyong natikman.
Ah basta! Sobrang ganda talaga ng naidudulot sa akin ang pagkain ng Paksiw. Tila ba lahat ng problema ko nawawala. Pakiramdam ko’y gumagaan. May hatid ding sustansya at sapat na nutrisyon ang tyak mong makukuha sa pagkain ng Paksiw.
Para sa akin, kung pagsasama-samahin man ang iba’t-ibang putahe, espesyal man o pangkaraniwan, natatangi man o hindi, Paksiw pa din ang syang higit na mangingibabaw.
-Diane Mae L. Jamero, 1t5