Sunday, November 21, 2010

KWEK–KWEK, swak na swak sa panlasang Pinoy!

                            
                   KWEK–KWEK,
  swak na swak sa panlasang Pinoy!

           
            Ang bawat tao ay may maituturing na “comfort food”. Ang “comfort food” ay tumutukoy sa pagkaing tuwing natitikman ng isang tao ay nakapagbibigay sa kanya ng saya o ginhawa. Ito ay maaaring maging minatamis, lutong-bahay na ulam o kahit ang pinakasimpleng uri ng pagkain pa. Sa dinami-dami ng pagkaing akin nang natikman,mapasimpleng putaheng luto ng aking ina o magarbong pagkain galing sa restawran, tila ba ako ay nahihirapang sumagot sa tuwing maitatanong kung ano ang aking “comfort food”. Pero natagpuan ko ang aking “comfort food” sa pagkaing Kwek-kwek.

                Ang kwek - kwek ay gawa sa pinakuluang quail egg na isinawsaw sa kulay kahel na batter at saka ipinrito hanggang maging kulay golden brown. Ito ay pinaliit na bersyon ng Tokneneng kung saan itlog ng manok naman ang sangkap. Masarap itong kainin lalo pa kung isasawsaw sa suka. Ito ay isa sa uri ng pagkain na makikitang ibinebenta sa kalye kasama ng isaw, fishballs at marami pang iba. Ngunit hindi na lang makikita ang kwek–kwek sa kalye, dahil mayroon na ring mga stalls o food carts sa loob ng mall na nagbebenta ng kwek–kwek, tokneneng at iba pang street foods. Ang kwek–kwek ay hindi lamang masarap na pagkain pero ito rin ay may sustansyang hatid. Ang quail egg na pangunahing sangkap sa kwek–kwek ay sinasabing nakapagpapalakas ng ating immune system, nakatutulong upang  makaiwas sa mga sakit at allergy, at pwede ring makatulong sa ating digestive system. Mayroon pa ngang nagsasabi na mas masustansya pa na kainin ang quail egg kaysa sa itlog ng manok. Ayon sa pag-aaral, ang quail egg ay mayroong mas mataas na sangkap ng mga bitamina tulad ng potassium, protein, vitamin B1 at iron kumpara sa itlog ng manok.

                Ang kwek-kwek ay tunay nga namang masarap, masustansya, madaling bilhin, madaling lutuin at higit sa lahat mura pa. Para sa akin ang paboritong pagkain ng isang tao ay hindi nababatay sa presyo nito, kundi sa ligayang naidudulot nito kapag natitikman ng isang tao. May pagkakaiba man sa bawat panlasa ng tao, di maikakailang ang Kwek–kwek ay swak na swak sa panlasang Pinoy.

                                                       -- Trixia Nichole Alda :))

29 comments:

  1. masarap talaga ang kwek-kwek.Isa ito sa mga gusto kong street foods.masarap na may sustansya pang makukuha:)

    ReplyDelete
  2. baho ng pangalan. ngunit tlga nmang npakasarap nito. 2 thumbs up para seo! s su2nod ay sbay n rn taung kakaen ng kwek kwek!!!! yan ang lgng tntawg seo ni roms :))))

    ReplyDelete
  3. Kwek-kwek, isa sa mga kakaibang putahe ng mga Pilipino. Hindi makukumpleto ang masayang usapang Pinoy kapag walang handang kwek-kwek.

    ReplyDelete
  4. ahahahahahha. :D kwek kwek napakasarp tlga. :d lalo na pag may ssuka. :))

    ReplyDelete
  5. On the positive note, kwek kwek tastes really nice and it can make busy people in a way full or satisfied. But it has also some negative effects. The quail egg or even "penoy" contains lots of cholesterol. The vinegar used is commonly not genuine. Nevertheless, kwek kwek is a Filipino mark and we all love it! :)

    ReplyDelete
  6. kung mura at masarap na pagkaing pinoy ang hanap...
    kwek kwek ang sagot sa iyong katanungan..
    hindi nga masyadong sosyal,pero, huling huli naman nito ang lasa ng tunay na pilipino....:)

    ReplyDelete
  7. Tama ka nga sa sinulat mo diyan. Masarap nga talaga ang kwek-kwek. Di lang yun, mura pa. Sa kalye lang, may makikita ka ng kwek-kwek. Di mo na kailangang gumastos pa ng mahal. :)

    ReplyDelete
  8. Kwek-kwek! Kwek-kwek ka talaga. :)) Kaya pala lagi mo akong inaaya kmain ng kwek-kwek bago tayo umuwi. Hehehehe. Masarap na, mura pa! Kwek-kwek na ult tayo bukas :))

    ReplyDelete
  9. hindi lamang masarap,magaan pa sa bulsa :)
    Isa sa mga pagkain na maipagmamalaki ng mga pinoy

    ReplyDelete
  10. kwek kwek!hahahha.. sa totoo lang, di pa ko nakakatikim nyan:))) matry pala minsan:))

    ReplyDelete
  11. pinoy na pinoy at affordable!haha pero wag sosobra sa pagkain kasi nakakataas ng dugo :))

    ReplyDelete
  12. Weh! Ang sarap nito. :)) May protein sa egg di ba? Yummy. :P

    ReplyDelete
  13. wweee. sarap. kakaen ko lang nyan khapon. :))

    ReplyDelete
  14. kwek kwek. all time favorite. meryenda? almusal? hahaha.. sinasabaw ko ang sauce na matamis jan. napakasarap. paborito ko yan.. =)

    ReplyDelete
  15. wow!!! masarap naman talaga ang kwek-kwek :)

    ReplyDelete
  16. kwek kwek :)) basta dadaan ako at nakakita ako nun siguradong mapapabili ako damay pa pati mga kasama ko :))

    ReplyDelete
  17. Talagang masarap ang kwek- kwek. Tama ka, swak na swak talaga ito sa panlasa ng mga Pilipino. :)

    ReplyDelete
  18. Sarap ng kwek kwek oh. mura na, busog ka pa! di tulad ng fishball nakakaumay pag sobrang dami :P

    ReplyDelete
  19. Hindi ako madalas kumain ng street foods. Pero natikman ko na iyan dati noong ako ay nasa elementarya, at masarap nga ito. Tama ka rin na hindi nababatay sa presyo ang ating paboritong pagkain kundi kung anu ang saya at karanasan binibigay sa atin nito.

    ReplyDelete
  20. pinagbabawal skin ang mga street foods.. pero natikman ko na ito.. masarap nga! :)

    ReplyDelete
  21. SARRRRRRRRAP! Gusto ko na tuloy kumain ng streetfoods. :)

    ReplyDelete
  22. Namimiss ko na ang kwek kwek! At ang iba pang streetfoods. Matagal tagal na rin akong hindi nakakain niyan. Maari mo ba akong samahan? XD

    ReplyDelete
  23. pinaka.paborito kong streetfood 'to :) sarap ;))

    ReplyDelete
  24. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  25. SARAP!! Tagal ko nang hindi natikman itong pagkaing Pinoy! Tara NICHOLE, food trip!

    ReplyDelete
  26. Masarap ang kwek kwek at talaga namang ipinapakita nito ang kultura ng mga pilipino (:
    Makulay at masaya :D

    ReplyDelete
  27. Ang kwek kwek ay si Triksia. Haha. Joke :)) Sarao to grabe, lalo na kung sasawsaw sa sawsawan na matamis na para lamang sa kwekwek. Isa rin ito sa mga paboroto kong street foods :)

    ReplyDelete
  28. KWE KWEK :)) Masarap to pag may suka, pipino, sibuyas at asin! Ako ay lubos na natatakam ngayon. Magaling :)

    ReplyDelete
  29. Ay, Kwek-kwek, SARAP! :D lalo na pag nakababad sa sukang maanghang na may halong asin. YUM! :)

    ReplyDelete