Hindi lahat ng dark ay emo, masama, malungkot at nakakatakot. Mayroon ding dark na masarap at mabuti sa ating kalusugan. Ito ay ang dark chocolate.
Ang dark chocolate ay hindi gusto ng maraming tao dahil sa kakaibang lasa nito. Ito, kumpara sa milk at white chocolate na manamisnamis, ay may mapait ngunit matamis na lasa. Ang di ninyo alam, maraming benepisyo ang naibibigay ng bittersweet chocolate na ito.
Una, ito ay nakakapagpababa ng blood pressure. Ikalawa, ayon sa mga pananaliksik, ito ay mayroong mas mababang kolesterol sa ating katawan kumpara sa milk at white chocolate. Ikatlo, ito ay may natural na serotonin na nakakapagpa gaan n gating pakiramdam kapag tayo ay malungkot. At ika-apat, ito ay mayroong anti-oxidants na nakakatulong sa pagbagal ng pagtanda.
Sa kabuoan, hindi lamang masarap ang dark chocolate kundi, mabuti pa sa ating kalusugan.
-DJA patubo :)))
-DJA patubo :)))
paborito ko rin ang mga dark chocolates :))
ReplyDeleteHindi lahat ng dark ay emo. Hahaha! Gandang deskripsyon nito. :) Ang tsokolate ay tunay na masarap. Ito rin ay may magandang naidudulot sa ating katawan.
ReplyDeletekahit na hindi ako masyadong kumakain nito. haha! tama! my mgnda itong idu2lot sa atin. at hnd nman ito masyading matamis. :)
ReplyDeletePaborito ko talaga yang mga matatamis na uri ng pagkain, magkakasundo tayo nyan (:
ReplyDeleteAt tama ka dyan, may sustansiya ring naidudulot ang tsokolate (: Isa rin sa mga gusto ko ang madilim na tsokolate :D
may anti-aging properties pla ang dark choco??, cool fact!!!
ReplyDeletewow.. ngaun ko lang nalaman na nakakatulong sa hindi pagtanda ang dark chocolate? :))
ReplyDeleteDark chocolate.. totoo ngang hindi pang-emo, masarap talaga kumain nito. Sinong tao ang hindi mahilig na kumain nito?!?
ReplyDeletemasarap tlaga ang chocolate...sino ba naman ang di paborito ito...matamis at kaaya aya ng hitsura...paborito ko rin ito eh.,
ReplyDeletenaalala ko nun kada darating si papa chocolate agad una kong hinahanap.iba kasi ang sarap at saya na naidudulot ng chocolate sa tao..nakakataas pa ng energy. Bukod pa riyan, mainam din na nasa iba't ibang korte o hugis ito..mas masarap tignan.
ReplyDeletehindi ako mahilig sa dark chocolate e, dalil sa lasa nito. ngunit, ito raw talaga,ay masnakabubuti sa ating kalusugan sabi ng magulang ko :)
ReplyDeleteTotoong napakasarap ng tsokolate. Kasama ako sa mga gaanong mahilig sa dark chocolate kasi di ko gaanong gusto ang lasa niyan. Tama ka! Mabuti nga ang dark chocolate sa kalusugan ngunit, syempre, mas gusto natin yung mga masarap, kahit ba hindi ito ganung kamasustansya. Kanya-kanya naman tayo ng ibig. Nasa sa atin na kung ano ang paborito natin. :)
ReplyDelete