Friday, November 26, 2010

Without ice cream, there would be darkness and chaos. :)


Kilala ang Pilipinas bilang isang lugar na pinagmumulan nang mga masasarap na pagkain sa buong mundo. Sa bawat rehiyon, may isang kinatawang pagkain na magrerepresenta sa lugar pati na rin sa ugaling meron ang mga nakatira dito. Katulad na lamang sa Bicol kung saan kilalang kilala ang maanghang na pagkain tulad nang Bicol Express. Ang nasabing Bicol Express daw ang nagrerepresenta kung gaano kaanghang ito ay ganun din katapang ang mga Bicolaños. Gayun din sa Pampanga kung saan nagmula at mabili sa panlasa ang Sisig. Sabi nang ibang bansa, ang Pilipinas daw ay kilala sa mga pagkaing matatamis at masasarap tulad nang Halo-Halo na sikat na sikat tuwing tag-araw at ang Balot na sinasabing pag hindi ka daw kumakain nito ay di ka Pilipino. Kaya naman nang nagkaroon kami ng takdang aralin o pagsusulit sa kurso kong Filipino ay naguluhan ako sa kadahilanang ako ay isang matakaw na tao kaya halos lahat ng pagkain ay kinakain ko. Kaya naman ang napili ko na lang ay iyong pagkain na lagi akong napapasaya at kailangan ko para masabi na ang buhay ay maganda.

Maituturing nga na ako’y isang Pilipino sapagkat mahilig ako sa matatamis na pagkain. Mapa-anong uri man ng matamis na pagkain; candy, lollipop, chocolates at syempre ang pinakapaborito ko sa lahat nang matatamis na pagkaing nalikha, ang ice cream. Ang pinakapaborito kong gawin ay tumambay sa Ministop España, magmukmok doon habang nilalasap ang matamis na dulot ng tig-kinse pesos na sorbetes. O di kaya naman sa Mcdo na maari kang mamili sa pagitan ng sampumpiso o kinse pesos na ice cream. Parehong masarap. Nagtatalo lamang sa apang may hawak sa ice cream dahil kung sa Ministop ay isang kulay krema na matamis at malutong ang ginagamit nila. Di tulad nang sa Mcdo na kulay kahel at malambot ang matitikman kapag dito ka kumain. Kung di ka naman makapili, maari ding pumasok sa loob ng UST dahil ito mismo ay may sariling ice cream na pinagbibili na maaari mong ipalagay sa baso o kaya naman sa tinapay na magsisilbing merienda na rin. ”Viva Santo Tomas” ang pangalan ng di-tulak na karitela na ito na may iba’t ibang flavor na mapapagpilian nang sinuman. Matatagpuan mo ito sa tapat ng Engineering Building sa España, sa Quadricentennial Park sa Dapitan at sa Plaza Mayor sa tapat ng Main Building.
 
Ito nga talaga ang nagpapagaan sa aking loob sa tuwing may problema o may mga bagay na bumabagabag sa akin. Tila ang ice cream na ito ang nagsasabi sa aking okay lang at magiging maayos din ang lahat. Ang masarap na lasa nito ang nagbabalik sa aking ngiti at sigla pagkatapos nang isang nakakapagod na araw. Kapag naman ako ay depress, tanging ito lang ang kakainin ko magdamag. Ang resulta? Ubo o di kaya naman tonsilitis. Pero okay lang naman kasi maaari mong magamot ang ubo o tonsilitis at ilang araw ang makalipas ay wala na ito pero ang saya na naidudulot nang pagkaing ito ay walang katumbas at mahirap makuha.


Ngunit ang lahat ng bagay ay magiging makabuluhan kapag ikaw ay may kadamay sa pagtawa, pagluha at maging sa pagkain ng ice cream. Kaya naman kung ako sainyo, ayain ninyo ang inyong mga kaibigan o kaya naman ang isang taong napakahalaga sainyo sa isang ice cream shop sa mga oras na kayo’y may pinagdadaanan at panigurado bago pa man maubos ang apa ng ice cream na ito ay mapapawi na kaagad ang lungkot. Ang ice cream na ito ang nagpapaalala sa ating lahat na ang buhay ay kasing tamis at kasing kulay nang ice cream. Ang kelangan mo lang gawin ay ienjoy ito para sumaya.




Abigael B. Ferrer

17 comments:

  1. Wow. Nang dahil sa iyong blog, ako'y napaibig kumain ng Ice cream. I love it :>

    ReplyDelete
  2. Without ice cream, there would be darkness and chaos. :)

    Titulo pa lang ay katakam-takam na. Ang sorbetes ay tunay na masarap. Ito ay paborito ng mga bata ngunit ang lahat ng sobra ay nakakasama.

    ReplyDelete
  3. masarap talga ang ice cream. Mapa mahal man o mumurahin, may tatak o wala nasa apa/cone man o cup. Marami pang flavor na pag pipilan na siguradong magugustuhan ng kahit sino.

    ReplyDelete
  4. FERRERO! ♥ GANDA NAMAN NG MGA LITRATO MOOOO! :) SOBRANG SARAP NG ICE CREAM GRABE ♥

    ReplyDelete
  5. Binibining Ferrer, Totoong napaka sarap ng ice cream lalo na at kasama mo ang mga kaibigan mo kumakain nito. Idagdag mo pa si alfred. Di ba at Ika'y mapupupnta na sa langit kung ganun man. Naakit akong kumain ng napakaraming ice cream dahil sa iyong mga sinabe. Mahusay!

    ♥ RODE DARIO

    ReplyDelete
  6. Magaling ang iyong Blog. Nabigyan ako ng interes na kumain ng ice cream kahit hindi ako mahlig dito. Napaka ganda ng diskripsyon mo!

    - Jyn E.

    ReplyDelete
  7. Wow! Ice cream! Masarap nga talaga ang sorbetes. Ano mang flavor, mapa-apa man o wala, masarap pa rin.

    Napakaganda naman ng dalawang huling pangungusap mo, "Ang ice cream na ito ang nagpapaalala sa ating lahat na ang buhay ay kasing tamis at kasing kulay nang ice cream. Ang kelangan mo lang gawin ay ienjoy ito para sumaya." Tama nga naman, diba? Think positive lang :)

    ReplyDelete
  8. Masarap nga talaga yan, lalo na kapag mainit ang panahon, at kapag ikaw ay depressed :D
    Marami pang uri, iba ibang lasa (:
    AT
    Ang mahal kaya ng sorbetes sa ust! HAHAHHA

    ReplyDelete
  9. wow abigael :) Napakasarap ng sorbetes. kahit anong panahon mabenta padin. kahit mura o mahal. basta gusto ng tiyan. masarap talaga ito dahil isa itong pagkain na nagpapalubag ng loob. :) ayan napabili tuloy ako ng ice cream hihihi

    ReplyDelete
  10. May isa pang ice cream sa Albertus Magnus building, na magpapagaan ng loob mo. :)) Libre mo 'kong ice cream, Taba! 'Yong masarap na ice cream na sinasabi mo, 'yong sa MiniStop! :>

    ReplyDelete
  11. Napakasarap ng ice cream!! Tuwing summer ay hinahanap ko ang mga nagtitinda ng mga ice cream para bumili at makakain nito, madaming flavor at ang aking paborito ay ang mango flavor.

    ReplyDelete
  12. tunay ngang masarap ang sorbetes! lalo n kung mainit. >:)

    ReplyDelete
  13. ang sarap nito. paborito ko ang ice cream. napakagandang title.

    ReplyDelete
  14. mmmm. :))) i'm craving. :DP Ang sarap ng ice cream! lalo na kapag malungkot ang buhay, kumain ka lang nito gagaan na ang loob mo. :bd

    ReplyDelete
  15. Pretty Blog. :) Ice Cream is the best medicine for broken hearts. :> FTW.

    ReplyDelete
  16. "Ngunit ang lahat ng bagay ay magiging makabuluhan kapag ikaw ay may kadamay sa pagtawa, pagluha at maging sa pagkain ng ice cream. Kaya naman kung ako sainyo, ayain ninyo ang inyong mga kaibigan o kaya naman ang isang taong napakahalaga sainyo sa isang ice cream shop sa mga oras na kayo’y may pinagdadaanan at panigurado bago pa man maubos ang apa ng ice cream na ito ay mapapawi na kaagad ang lungkot. Ang ice cream na ito ang nagpapaalala sa ating lahat na ang buhay ay kasing tamis at kasing kulay nang ice cream. Ang kelangan mo lang gawin ay ienjoy ito para sumaya."

    Hahahaha! Ang drama mo naman. Ngunit masarap nga ipalaman, ang ice cream na tunay na nakakatakam.Hindi ka ba nilalanggam, sa dami ng iyong kaalaman? Hahaha. Magaling! Magaling! Kaya't ikaw ay gumiling giling. :D

    ReplyDelete
  17. Napakahusay Bb. Ferrer. Hahahaha :D Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino ang sorbetes. Mainam din itong kainin kapag ikaw ay may problema. Tulad naten na laging bigo sa pag-ibig. hahaha :)) Pangtanggal ito ng stress.

    ReplyDelete