Saturday, November 20, 2010

GUTOM KA NA BA?? :D TARA KAIN TAYO..

          
             HAAY! BAKIT NGA BA ANG SARAP NG RELLENONG BANGUS? TAMA BA? :) Iyan rin ang lagi kong naitatanong sa aking sarili sa tuwing makakain ng pagkaing ito. Ang pagkaing ito ay isang klase ng isdang iniihaw ngunit may palaman sa loob. Kung titignan sa pangkaraniwan, ay kadalasan lamang itong nilalagyan ng pinagsama-samang kamatis, sibuyas at toyo. Ngunit ang iba naman ginagawa rin itong parang imbutido, depende na lamang sa panlasa na isang tao. Pero kahit pa anung palaman nito ay siguradong magugustuhan ito ng kahit sino. Samahan pa ito ng sawsawan na  pinagsama-samang toyo, sibuyas, kalamansi at kung sa mga taong hilig ay maaanghang kagaya ko ay maaari din itong lagyang ng siling labuyo para mas madagdagan ito ng sarap. Mapabata man o matanda ay siguradong babalik-balikan ang pagkaing ito.


             SAAN NGA BA MATATAGPUAN O MABIBILI ANG RELLENONG BANGUS? :) Kung ako'y inyong tatanungin ay makikita naman ito kahit saan. Karaniwan na nga rin itong kasama sa mga itinitinda sa mga karinderia. Sa katunayan nga, kahit sa ating mga sariling tahanan ay magagawa na rin natin ito dahil sa kadalian ng paggawa nito. Madalas din itong makita sa hapag-kainan ng mga pamilya sa probinsya sa tuwing magkakaroon ng salo-salo ang mga magkakaanak. ANO NAMAN KAYA ANG NAIBIBIGAY NG RELLENONG BANGUS? :) Ang pagkain na ito ay nagbibigay ng mataas na protina at "carbohydrates". Akin ding mairerekomenda ang pagkain na ito sa mga taong nasa estado ng pagddiyeta. Sa pagkakataong ito ay may isang kumpletong masustansyang pagkain na sila dahil hindi ito kabigatan sa tiyan at kahit hindi na ito samahan pa ng kanin para sa kanila. 


             BAKIT NGA BA NAGING MAKAHULUGAN ANG RELLENONG BANGUS SA AKIN? :) Ang sa totoo niyan, nakikita ko kasi ang aking sarili sa pagkaing ito, dahil sumasalamin ito sa isang bahagi ng pagkatao ko. Kung titignan ang pagkain na ito sa labas o sa unang tingin ay maiisip nating wala itong sarap at parang walang takam o nam-nam lang man, ngunit kung matitikman na ito, lalo na ang loob na parte nito ay talaga namang masasarapan kayo dito. Parang kung bibigyan ng kahulugan ang aking buhay. Sa unang tingin pa lamang ay parang tatahi-tahimik lamang  at hindi marunong makisakay ngunit kung ako'y makikilala ng mabuti ay matutuklasan ninyo na may tinatago rin akong ugali na tiyak na makakasundo ninyo. 




    A.K.A: LAK
<3 LAKRIZZA MARA P. VILLANUEVA <3

32 comments:

  1. paano ba gumawa ng rellenong bangus? paano ba nila nalalagyan ng sangkap sa loob?

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. WOW! Ang sarap naman! HAHA. Picture pa lang. Healthy nito kasi madaming protein. Nakakapayat ang protein di ba? :) Yum!

    ReplyDelete
  4. Rellenong Bangus, hindi lamang nasa labas ang tunay na sarap, nasa loob ang sarap. Thumbs up dahil sa dami ng protein sa pagkain na ito.

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Hindi ako mahilig sa bangus pero parang nalalasahan ko na to ngayon, sa masarap na paraan! HAHA :)
    Sarap o. Parang ikaw. Masarap maging kaibigan. Hihi :D

    ReplyDelete
  8. wow. ang sarap ng pagkain na to. sana mas madaming ganyan ang ipakita. hahaha. [katakawan] :))))

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. rellyenong bangus.
    isa rin yan sa mga gusto kong pagkain..=)
    napaka gandang blog entry. =)

    ReplyDelete
  11. Gusto mo din nyan! Kaso pag may okasyon lang ako nakakakain ng ganyan :( tas sawsawan ketchup! saraaap!

    ReplyDelete
  12. Mahusay!napakaganda ng ginawa mong paglalahad dahil naisaad mo ng maayos kung ano para sa iyo ang paborito mong pagkain:)))pero mas mahusay kung patitikimin mo ako ng rellenong bangus na yan!haha...

    ReplyDelete
  13. talaga namang napakasarap nito...
    isa rin yan sa mga paborito ko..;)

    ReplyDelete
  14. Masarap nga naman ang isdang yan!
    At nagpapasarap pa lalo ang toyo dito (:

    ReplyDelete
  15. Grabe namang comparison yan. Masusi mo talagang pinag-isipan ang bawat detalye. Mahusay :)

    ReplyDelete
  16. wow lakrizza!!! hahha,, sarap nyan.. ipagluto mo nmn kami nyan:))

    ReplyDelete
  17. miss ko tuloy relleno sa mesa namin :((
    nakakakain lang ako nyan pag nauuwi akong bulacan

    ReplyDelete
  18. Talagang masustansya ang Rellenong Bangus, dahil sa mga sangkap nito. Mas lalo na ang isdang ginagamit dito, ang Bangus. Napakasarap at napakalinamnam. :)

    ReplyDelete
  19. rellenong bangus ;)) masustansya na, masarap pa :'>

    ReplyDelete
  20. Grabe! Katakam-takam!! Sana'y makatikim na ako nito.

    ReplyDelete
  21. mahilig ako sa rellenong bangus. haha. sarap. nakakagutom namana ito. :">

    ReplyDelete
  22. naks Lak, di ka loyal sa CTHM a. blue and green pa. haha. sa larawan pa lang natatakam na ako, pano pa kaya pag sa totoong buhay na. masarap to kainin pag nakakakamay :>

    ReplyDelete
  23. soo sarap hahaha kahit na bawal na ako ngayon kumain niyan alam ko na masarap yan soobbraa :)))

    ReplyDelete
  24. Hindi ako mahilig sa Bangus ngunit sa larawan pa lang ay katakam-takam na! Masubukan nga..

    ReplyDelete
  25. hindi man ako kumakain ng gulay, basta ba't nasa relyenong bangus e kakainin ko na! ang sarap ng nasa larawan, Lak!

    ReplyDelete
  26. Ay grabe, lagi tong handa tuwing may swimming outing kami. Hahahaha, at sympre, hindi ko mapigilang kumain kasi sobrang sarap nga naman talaga ♥

    ReplyDelete
  27. LAK GRABE ALAM MO BA. Ang sarap ng Rellenong Bangus kapag may kasamag inuman? Isa to sa mga gusto kong sineserve kapag may inuman at mga bbq parties!! Galing :)

    ReplyDelete
  28. nako! litrato pa lang, sobrang nakakabusog na!
    panalo din talaga ang rellenog bangus na yan, lalo na pag kakainin mo ng naka-kamay lang at isasawsaw sa toyo! :> :bd

    ReplyDelete
  29. Parati ko itong nakikita sa mga handaan. Napakasarap ng kain ng mga tao pag ito ang ulam. Nakita ko na din kung pano ginagawa ito. Ngunit hindi ko pa ito tinatry.:( At dahil sa nabasa ko dito parang gusto ko na tuloy tikman. Mukhang may bagong pagkain nanaman akong magugustuhan.

    ReplyDelete
  30. title palang ng iyong gawa ay tila ba gusto ko nang sabihing "oo ba"..ang sarap kasi nung ulam eh..tuwing pasko may inoorderan kami niyan at grabe ang sarap talaga lalona kung may toyo't calamansi na sawsawan..

    ReplyDelete
  31. waaaw :) ang sarap naman nito seatmate :)) naaalala ko tuloy ang mga panahon kung saan kasabay kong kumaen nyan ang aking <3 hohoh... mganda ang iyong ideya,talaga namang napaka sARAp nyan

    ReplyDelete