Ang paborito kong pagkain ay ang ice cream. Dahil sa maraming lasang mayroon ito hindi ko na kailangan pang hanap hanapin ang iba tulad ng chocolate, strawberry, vanilla, at iba pa. Kapag mainit ang panahon, ice cream ang hinahanap ko kaagad, kapag malungkot ice cream pa din, kapag masaya, ice cream ulit para lalong sumaya. Ang ice cream rin ay masarap na padagdag sa mga tipikal na lutuin tulad ng pancakes, crepes, at iba pa.
Sa dami ng ice cream na makikita, iisa lang ang pinaka pinagbibilhan ko, ito ay ang El Fav Ice Creamery na matatagpuan sa BF Homes, Paranaque mayroon rin itong branch sa tapat ng Robinsons Galleria Supermarket. Ito ay simpleng tindahan ng ice cream na nagbebenta ng samu’t saring flavors mayroon itong strawberry, bubblegum, chocolate, vanilla, coffee, cheese, ube, at marami pa. Syempre, kailangan kapag may negosyo kailangan mayroon ka na wala ang iba, at sa El Fav meron nga, sila rin ay nag aalok ng mga kakaibang flavor ng ice cream mayroon silang bacon and cheese, malunggay, wasabi, yakult, bailey’s, beer, tequila rose, turones de casuy, at iba pa. Ang bailey’s, beer, at tequila rose ay totoong may halong alak kaya hinihingan muna ng ID na may patunay na ang customer ay edad 18 pataas. Sa swerteng palad, nakatikim ako ng bailey’s flavor dito. Hindi mo malalasahan ang pait ng alak ngunit ito ay malamig at may katamisan sa panlasa, mararamdaman din ang konting init sa lalamunan. Natikman ko din ang yakult ice cream, kuhang kuha ang lasa nito kaso nakaka-umay kapag sobrang dami. Ito ay may halagang PHP60 bawat isang scoop, samantalang ang regular na flavors ay nasa PHP40.
Maganda rin ang pakiramdam sa lugar nito dahil mayroon din silang mga board games tulad ng chess, sungka, dominoes at marami pa. Kaya bata man o matanda, ang ice cream ay para sa lahat upang namnamin ang sarap na dulot nito. Sa El Fav Ice Creamery mararanasan ang sarap ng ice cream na hindi mo mahahanap sa iba.
Wow! Sana mag tayo pa sila ng branch sa malapit samin.Para matikman ko din yan. Gusto kong matikman ang mga kakaibang flavors ng ice cream nila. Mukhang masasarap.:)
ReplyDeleteWala sigurong tao ang hindi paborito ang ice cream. Ice cream ang paborito kong dessert. Gusto ko tuloy subukan yung ice cream na ang flavor ay turones de casuy, ngayon ko lang nalaman na may ganong flavor na pala.
ReplyDeleteKakaiba nga ang flavors ng Ice Cream nila. Sana mag- open pa sila ng maraming Branch. Masarap talaga ang ice Cream, hindi ito nawawala sa kahit anong okasyon, ito ang "best dessert ever" sa mga selebrasyon. :)
ReplyDeleteIsa ang ice cream sa mga masasarap na pampagana. Iba't iba ang mga flavor nito. Sinong tao ang hindi mahilig sa ice cream? Siguradong ito ay isa sa mga masasarap na ice cream parlor sa Pilipinas.
ReplyDeleteDiba ito yung sa Pergola?
San sa BF yan? Parang gusto ko yung mga flavors ng ice cream ah! :D
ReplyDeleteOH MY GOSH, ANG SARAP. :O
ReplyDeleteNAPAKAGALING. BRAVO! :))) Paborito ko rin ang Ice cream. Lal0 na kung ito ay libre. Yung Vanilla flavor ha? :D
ReplyDeleteGusto ko rin ang ice cream. Masarap ang kahit na anong flavor nito :) Agree ako kay Klodin, mas sumasarap talaga ang ice cream, pag libre :)
ReplyDeletemahilig din ako sa ice cream. it always make me happy. :)) saraaapppp.
ReplyDeleteice cream! :> anti-depressant ko 'to ;))
ReplyDeleteMAGALING!laat naman ata tayo patay na patay jan. hahaha
ReplyDeleteGrabe naman! Ngayon lang ako nakakita at nakarinig ng ganyang mga flavors ng ice cream. Masarap ba yan? Nais ko na yang matikman. Nakakacurious kasi eh. Astigin talaga yung ideya ng ice cream na yan.
ReplyDeleteMahusay! Hehe. I'm screaming for ice cream na!
ReplyDeleteTitle palang nakakaengganyo ng basahin. :)) Natuwa nga si Prici eh, haha :)) Wala paring tatalo sa icecream. Yan ang pwede mong pagbalingan ng sama ng loob at siguradong macocomfort ka nito ng walang hinihinging kapalit. Gusto ko itry at matikaman ang mga icecream sa iyong blog. Dalhin o igala mo nga kami diyan minsan, nang matikman naming lahat ang natatanging sarap nito. Haha :)) O kaya naman, sana magka branch niyan sa mga mall at supermarkets na malapit sa amin :)
ReplyDeletePaborito ko ang ice cream. Natikman ko na ang ice cream sa El Fav at totoong napakasarap ng kanilang ice cream at may kakaiba itong lasa. :)
ReplyDeleteAng sarap kaya ng ice cream! HAHAHA! At somehow masustansya siya. Grabe, sarap nito kapag mainit. REFRESHING! :)
ReplyDelete