Sunday, November 21, 2010

Tara Na't Tikman Ang Lasang Di Malilimutan.

Kare-kare <3

          Minsan lang kung maghanda at magluto ang aking ina ng mga bongga at masasarap na putahe. Dahil ito sa kadahilanan na madalang lang din kami mabuo na pamilya – isang beses lang sa isang linggo. Tatatlo na nga lang kaming mag-anak, hindi pa kami pwedeng mapirmi lang sa bahay. Kaya’t bawat minuto na magkakasama kami, sinisiguro ng aking ina na magkakaron kami ng masayang salu-salo sa hapag-kainan. Nang minsang dumalaw ang aking tiyahin at pinsan sa aming bahay, naisipang magluto muli ng aking ina ng kanyang specialty na kare-kare. Isa lamang ang kare kare sa mga putaheng magaling at masarap siya kung magluto. Di makakailang gugutumin ka talaga sa pagtingin pa lang dito kahit na hindi ka gutom. At kung talagang, duling ka na sa sobrang gutom, isang tikim mo lang nito’y maaari mo ng malimutan ang iyong pangalan. Mas sumasarap ang luto nyang kare kare kapag sinasamahan ang pagkain nito ng bagoong na kadalasang siya rin ang nagluluto’t gumagawa. Nilalagyan niya ito ng liver spread para naman kahit papano’y magkaroon ito ng simple touch mula sa kanya.




          Ang Kare-Kare ay ginawa mula sa sarsa ng mani na may iba't ibang mga gulay – nilagang oxtail, karne ng baka, at paminsan-minsan offal o triplet. Madalas Ito ay kinakain na may bagoong, kung minsan ay hinahaluan ng sili, at winiwisikan ng calamansi juice. Ayon sa kaugalian, ang anumang mga Filipino fiesta ay hindi kumpleto nang walang Kare-Kare.






          Hindi ganun karami ang mga kailangan sa pagluluto ng isa sa mga paborito kong putahe. Medyo may kamahalan lang siguro ang pagbili ng sa karne ngunit sulit naman ito dahil para ito sa ikasasarap ng Kare-kare. Meron itong mga halo na piling mga gulay na nagtataglay ng iba’t ibang bitamina na kailangan natin sa ating araw araw na pamumuhay. Sa aking palagay, mas maraming mga gulay ang nakahalo sa nasabing putahe dahil ito mismo ang nagpapasarap dito. Kailangan lang talaga ng tiyaga at pagpupursigi upang mahuli ang saktong sarap na swak sa panlasang Pilipino :)





Minsan ay maganda ring paglutuan at paghandaan ang ating pamilya ng isang ulam na alam na bagama’t may kamahalan, alam naman nating ikasisiya ng bawat kasapi ng mag-anak. At para na rin maiba naman ang pang araw araw na pagkain nila bago pumasok sa eskwela o sa trabaho. Likas kasi sa ating mga Pilipino ang hanap hanapin ang lasa ng mga lutung bahay. Sa ganitong paraan, kahit paano’y magiging espesyal naman ang salu-salo ng isang pamilya sa hapag kainan.

  
- Yna Kasandra Salamat

36 comments:

  1. Kare-Kare, isa sa mga masarap na ihapunan.. Lalo na pag-kasama ng bagoong. Masarap din ang sabaw at laman nito.

    ReplyDelete
  2. Isa ito sa mga paborito kong ulam. Napakasustansya ng pagkaing ito, dahil sa mga sangkap nito. Masustansya na, masarap pa. :)

    ReplyDelete
  3. Hindi pa ako nakatitikim ng Kare-kare..pero sabi ng mama ko masarap raw ito lalo na kung may bagoong..
    comment back dn Yna,Salamat:))
    http://cthm1t5.blogspot.com/2010/11/kwekkwek-swak-na-swak-sa-panlasang.html

    ReplyDelete
  4. Pasensya na. Ngunit hindi ako kumakain ng Kare karem kaya't hindi ako masyadong natakam. HAHAHAH! :))))

    ReplyDelete
  5. hindi ako masyadong mhilig sa kare2.. dahil dun sa tinatawag na "twalya" tama ba? hehe.. pero nasasarapan ako sa sabaw at mga gulay dito.. lalo na kasabay ng bagoong.. :D

    ReplyDelete
  6. Ito ang favorite kong ulam. Ang sarap kasi talaga kaso ayoko nung labot ang gusto ko laman :) Dala ka nyan sa christmas party! hehe

    ReplyDelete
  7. napakasarap nito! ang nagpapasarap pa dito ay ang mani na kasama sa sangkap nito..

    ReplyDelete
  8. Isa ang Kare-Kare sa mga kilalang Filipino food! My favorite too! :> Gusto ko tuloy ng kare-kare sa Max's! :D Nakakatakam yung pictures na ginamit. Haha.

    ReplyDelete
  9. SOBRANG.. SARAP.. NG.. KARE.. KARE. Bow. :)

    ReplyDelete
  10. sarap ng kare-kare! lalo na pag sinamhan ng bagoong.. :)) yum!

    ReplyDelete
  11. wow. favorite ko yan. super duper sarap kse. tpos after kumaen nyan kakaen ako ng mangga. haha. sarapp. yummy. nagugutom ako lalo

    ReplyDelete
  12. kare-kare! :'> paborito ko din 'to ;)))

    ReplyDelete
  13. WEH, Kare-kare! :)))))
    Magaling magluto nanay ko niyan. :D Hihi.
    Puro maniiiii tas bagoong wii. Haha

    ReplyDelete
  14. Paborito ko din itong kare-kare. Napakasarap nito! Kaya naman mapa seafood,manok o beef man yan gusto ko.Sarsa pa lang ay masarap na, samahan pa ng mga gulay na gusto ko:))

    ReplyDelete
  15. Napakasarap ng kare-kare! Napakaraming sangkap! Samahan mo pa ng bagoong! Swak na swak talaga sa tyan! :)

    ReplyDelete
  16. weeee super sarap nito lalo pag lutong bahay :D
    kulang to pag walang bagong.PERFECT MATCH! :)

    ReplyDelete
  17. wala kong masabi. bukod sa magagandang litrato, maganda ang pagkakalahad at madaming impormasyon na nalahad. magaling.=)

    ReplyDelete
  18. isa rin to sa mga gusto kong putahe :)) masarap na masustansya pa :))

    ReplyDelete
  19. Masarap talga ang kare-kare. Samahan mo pa ng napakasarap at maanghang-anghang na bagoong. Bongga! :)))

    ReplyDelete
  20. Isa sa mga favorite ko dn ang kare-kare! Love it! Gsto ko kumain tuloy ng kare-kare! :D

    ReplyDelete
  21. Gusto ko rin naman ang kare-kare ngunit ayoko ng gulay dito, at kapag tumagal ay nakakasawa na rin itong nguyain [:

    ReplyDelete
  22. Masarap talaga ang kare-kare. dati di ako kumakain ng putahing iyan. Ngunit nang matikman ko isang beses ay nagustuhan ko nadin :))

    ReplyDelete
  23. Wow! Kare kare! Ang sarap sarap niyan lalo na kung maraming laman ang sahog di puro gulay saka ipares sa matamis na bagoong. Yung barrio fiesta! :)

    ReplyDelete
  24. Wow! Kare-kare! Noong nabubuhay pa yung lola ko, mahilig siya gumawa niyan. Paborito niya kasi yan. Masarap din siya gumawa ng kare-kare. Yun nga lang, di ako mahilig sa gulay kaya di ko siya gaano magustuhan. Pero, kapag may bagoong naman, okay na rin. Basta yung laman lang kasi ang kinakain ko diyan eh.

    ReplyDelete
  25. Isa rin ito sa aking mga paborito! Haha.

    ReplyDelete
  26. mukhang masarap..mukha lang ahh hahaha joke :)))

    ReplyDelete
  27. kare-kare :) hmmm..isa yan sa aking mga paboritong ulam :D

    ang iyong artikulo ukol dito ay talaga namang kahanga-hanga..ipagpayuloy mo lamang ang pagbabahagi sa ibang tao ukol sa pagkaeng pinoy na talagng maipgmamalaki natin:D

    ReplyDelete
  28. Picture pa lng masarap na!
    one of my favorites :)

    ReplyDelete
  29. Masustansya ang kare kare. Masarap ito lalo na kung lalagyan ng bagoong. :)

    ReplyDelete
  30. Mahusay! Paborito ko din ito. Masarap at masustansya. Samahan pa ng bagoong! Boom! Winner 'to! :-bd

    ReplyDelete
  31. magaling!mmahilig ako kumain niyan! :))

    ReplyDelete
  32. Woooow! Ang sarap naman nyan, babe-y! Kare-kare!<33 Hihihi. Parang ikaw, masarap. :>

    ReplyDelete
  33. Ang kare-kare ay tunay na Pilipinong pagkain. Ito rin ay masarap at masustansiya. Samahan mo pa ito ng bagong bagoong para kay bonggang bonggang Boom-Boom!

    ReplyDelete
  34. Sarap naman! Alam mo sa twing kakaing ako ng KAre-kare at mga ulam na masarsa o masabaw lagi lumalangoy sa sabaw ang aking kanin!Samahan mo pa ng bagoong! Naku! Tiyak na iikot ang mundo ko! :)

    ReplyDelete
  35. weh, ano ba yan seatmate, pareho pa tayo ng paboritong pagkaen.

    ReplyDelete
  36. tumpak! gustong gusto ko ang kare-kare! lalo na't my kasama pa itong bagoong. amo'y at itsura pa lang nitong putahe,ang mararamdaman mo na ang sarap nito :)

    ReplyDelete