Saturday, November 20, 2010

Ayoko ng mawalay, sayo ako nasanay. Ang asim mo'y walang kapantay.



         "Ma, anong ulam natin?", "Sinigang na Hipon, Anak.." Napawi lahat ng problema, ang puso ko'y biglang nakiliti.
        Sinigang na Hipon. Marahil marami na ang nakatikim at nakalasa ng pagkaing ito. Ano nga ba ang ipinagkaiba nito sa ibang Sinigang tulad ng Sinigang na baboy, bangus at kung ano pa mang ibang pagkain? Hindi ko din alam. Basta ang masasabi ko lang ay ibang ligaya ang nabibigay sa aking ng Sinigang na Hipon tuwing ito'y muli't-muli kong natitikman. Hayy.. Lalo na't luto ito ng aking minamahal na nanay.

          Ako'y napapabungisngis sa tuwing nasisilayan ko pa lamang ang Sinigang na Hipon, nananabik kapag tumambay na sa ilong ko ang nakakaakit na amoy nito at kinikilig sa asim at sarap na dulot nito. Hindi ko lubos na ma-isplika ang lasa ng Sinigang na Hipon ngunit tinitiyak kong garantisadong masarap at walang katulad ang hipon nito na nakatasan sa sabaw ng Sinigang, isama pa ang mga gulay na inihalo dito na nagpapadagdag gigil sa akin sa tuwing kinakain ko ito. Taglay nito ang mga nutrisyong Vitamin A, B-12, B-6, C, D, E, Calcium, Iron, Zinc at napakarami pang iba na tiyak na magbibigay sigla sa aking pangangatawan para sa pagbuo ng araw ko at ng araw ng iba. Isama pa ang espesyal na nutrisyong "pagmamahal" na inihahalo ng aking nanay habang iniluluto niya ito. Sa hindi kamahalan at hindi rin naman mura ngunit saktong halaga lamang ay abot kamay na ang lubos na kinasasabikan kong Sinigang na Hipon. Mabibili lahat ng kasangkapan nito sa kahit saan mang palengke o kahit sa inyong suking sari-sari store. Tiyak na walang pagsisisihan sapagkat sulit naman ang sarap na maibibigay nito. At siyempre kung nanay ko pa ang magluluto nito, siguradong abot langit na ang galak ng aking puso.

            Ang Sinigang na Hipon ang siyang tinitibok ng puso ko. Ang laging hinahanap-hanap ng isip ko, at ang ikinagagana ng buong katawan ko. Kaya naman siyang paborito ko. Ito ang tanging hiling ko, ito ang tanging ligaya ko. Ito ang pagkaing muling nagpaikot sa aking mundo. Ayoko ng mawalay, sa pagkaing ito ako nasanay. Ang asim nito'y walang kapantay.

             Walang ibang paraan para lalo niyong madama ang lahat ng sinasabi ko kundi ang tikman ito. Kaya ano pang hinihintay niyo? Masarap kaya, try niyo!

- Regina C. Sasis

25 comments:

  1. Hmm. Sarap. Napakaswerte naman ng Sinigang na Hipon at isa ka sa mga nagmamahal sa kanya. Sana ako rin mahal at tinitibok ng puso mo. Maasim din naman ako paminsan-minsan.(HAHA.JOKE)
    BTW, Napakahusay ng iyong sanaysay. magandang simula iyan. Ipagpatuloy!

    ReplyDelete
  2. Ayos sa blog ah, ginutom mo lang ako :):) Do you have culinary na??

    -Dee Seno

    ReplyDelete
  3. Sinigang, hmmm. Malinamnam! Lalo na't pag si Ina ang nagluto. Talaga namang masarap ang kahit anong pagkain pag si Inay ang naghanda, tama? :)

    -Marielle Basa

    ReplyDelete
  4. Nakakatakam naman ang pagsasalaysay mo, Sis. Bigla tuloy akong natakam. :) Magandang sanaysay ito. Widely expressed. Astig.

    Keep up the good work!!! :))

    ReplyDelete
  5. Aking mapapatutunayan na ang sinigang na hipon ang paborito ng mahal kong anak sapagkat ako ang kanyang ama na kanyang laging kasalo sa pagkain, ang pagmamahal na nilalakip ng kanyang ina sa lahat ng kanyang pagluluto ay di matutumbasan sapagkat iisa lang ang pagmamahal ng magulang...

    Pagbutihan mo ang iyong pagaaral at nawa ay mamana mo ang galing sa pagluluto ng iyong ina...

    Mahal ka namin anak...

    -Nelson Sasis

    ReplyDelete
  6. Sarrrrrrrap! :) Natakam ako at dahil paborito ko rin ang hipon, sobrang natuwa ako sa pagbabasa at hindi ako kailanmang nabored. :) Good job. Two thumbs up. :)

    - Cae Capiz

    ReplyDelete
  7. Nakakagutom! Simpleng putahe ngunit nakakaigayang kumain parin! Good job!

    ReplyDelete
  8. napakasarap ng iyong ginawang pagpopost. nakakatakam talaga

    ReplyDelete
  9. nakakatuwa naman ang post na to.
    tlgang napakalaki ang pagka gusto mo sa ulam.
    nakakabilib dahil hindi talaga ako kumakain ng ganitong ulam.
    pero nakakaenganyo dahil sa blog post na ito. =)

    ReplyDelete
  10. Ibang klase din ang Sinigang na Hipon. Kakaiba ito sa pangkaraniwang na Sinigang na baboy. Nagkakaiba din sila sa lasa. At tiyak na ito ay isa sa mga masasarap na lutuing Pilipino.

    ReplyDelete
  11. isa rin ako sa nagmamahal sa sinigang na hipon na kahapon lamang ay ulam namin. Paborito ko rin ang hipon, sarap talaga, kahit kahapon ulam namin ito bigla kong namiss dahil sa blog mo. Magandang pag advertise ito sa mga taong hindi masyadong mahilig sa sinigang na hipon =)

    ReplyDelete
  12. Nkakagutom nmn basahin ang iyong pinost na blog, sa pag kkwento at pagbabahagi mo palang sa amin ng iyong karanasan at nararamdan tuwing kinakain mo ang sinigang na hipon ay katakam-takam na. Nakakaengganyong kainin, na para bang nais ko rin itong tikman ngayon dahilan sa nais kong maramdaman ang galak at satisfaction na iyong naipahayag :)

    ReplyDelete
  13. sa totoo lang na-iimagine kitang kumakain niyan at pakiramdam ko ay ako rin mapapabungisngis kasama mo..Paborito ko rin ang ulam na yan lalo na kung ito ay talaga namang maasim. Mas maasim, mas masarap. At dahil dyan, nagutom tuloy ako bigla.

    PS. Ang astig ng post mo. Ang sarap ulit ulitin..

    ReplyDelete
  14. nice! hahaha! npakasarap nman nian! ngg2m 2loy ako :)) dpat pla lutuan mo rin kami minsan nian :)

    ReplyDelete
  15. uuuuurhhh favorite ko din yan!!!
    mula ulo hanggang buntot ng hipon may lasa :D

    ReplyDelete
  16. sarap naman ng nito! gusto ko tuloy ng sinigang.:) Mas gusto ko ito kapag luto ng mommy ko syempre:)

    ReplyDelete
  17. Masaya nga naman ang kumain ng may asim asim pa! (:

    ReplyDelete
  18. sarap naman nyan!basta hipon paborito ko rin :))

    ReplyDelete
  19. Natakam ako lalo sa picture na nilagay mo. Sarap. :)

    ReplyDelete
  20. Favorite ko rin iyan lalo na mag maasim talaga :) Mahusay ang pagkakagawa, nakakaenganyong kumain ng SINIGANG NA HIPON! Namiss ko tuloy ang aking inay :| hehe

    ReplyDelete
  21. nagutom ako dito ah? hehe.
    ang sarap nag pagkakalarawan, at madami pang nutrisyon ito. :D

    ReplyDelete
  22. Ang ganda na iyong paglalarawan sa iyong paboritong pagkain. Nakakatakam ang iyong paglalarawan, isa rin sa mga paborito ko ang hipon. :)

    ReplyDelete
  23. hindi ko pa natikman 'to although mahilig ako sa hipon :) ngunit parang gusto ko nang subukan dahil sa ganda ng pagkakalarawan mo :)

    ReplyDelete
  24. Wow. Gusto ko tikman luto ng nanay mo. Sarap tuloy pumunta sa Antipolo! :)

    ReplyDelete
  25. Paborito ko ang sinigang na hipon. Nasasarapan ako sa luto nito kung maasim asim ito. Masustansya rin ito para sa katawan. :)

    ReplyDelete