Sunday, November 21, 2010

Linamnam ng Paborito kong Ulam



Isinulat ni Alyssa Garcia

Sinigang na Hipon
Talaga namang napakasarap kumain, di ba? Saan ka man lumingon, naglipana ang iba’t-ibang kainan. Mayroong pipitsugin na pampalipas gutom lang, at mayroon din namang mamahalin. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa pagkain. May kanya-kanya tayong paboritong pagkain na kapag natikman natin ay tila nasa kalangitan na tayo dahil sa sobrang sarap. Ano ang paborito mong pagkain? Bakit iyon ang naging paborito mo? Anu-ano ang sangkap nito? Masustansya ba ito o hindi?

Mahilig ako kumain ngunit, sa dinamidami ng pagkain, ang pinakapaborito ko ay ang Sinigang na Hipon. Ang sinigang na Hipon ay isa sa mga popular na putahe nating mga Pilipino. Putaheng Pinoy man, ngunit masarap naman, di ba? Paborito ko ito sapagkat napakalasa at napakasarap nito. Di ka lamang may sabaw, may ulam ka rin. Marahil, isa pa sa mga naging dahilan ng pagkahilig ko rito ay dahil na rin sa hipon. Mahilig kasi ako sa kahit na anong putaheng hipon. Kung tutuusin, mistulang magkasama parati ang sabaw at ang hipon kapag kinakain mo ito dahil pareho nilang pinapasarap ang putahe. Tulad ng ibang sinigang, maasim ang Sinigang na Hipon. Di syempre makukumpleto ang isang sinigang kapag wala itong sampalok.  Ito kasi ang pinakasangkap upang maging maasim ang sinigang. Bukod doon, binubuo rin ang putaheng ito ng sibuyas, kamatis, sitaw, labanos, okra, kangkong, sabaw ng ikalawang hugas ng bigas, at syempre, hipon. Paano nga naman ito magiging sinigang na hipon kung wala itong hipon. Para lumasa pa ito lalo, nilalagyan din ito ng asin, vetsin at Maggi Magic Sarap. Syempre, kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng masarap ay masustansya. Ma-cholesterol kasi ang hipon, kung kaya’t dapat hinay-hinay lamang tayo sa pagkain nito. Masustansya naman ang Sinigang na Hipon dahil may gulay ito. Bukod dun, mayaman din ang Sinigang na Hipon sa calories kung saan makakakuha tayo ng maraming enerhiya.

Sinigang na Hipon
            Ang Sinigang na Hipon ay isang napakasarap na putaheng Pinoy. Ito rin ang aking pinakapaboritong pagkain. Katakamtakam ang lasa nito. Amoy pa lamang, siguradong, magugutom ka na. Tulad ng ibang putaheng sinigang, maasim ito. Ang pangunahing pampaasim kasi nito ay sampalok. Bukod dun, syempre hindi ito mabubuo kapag walang hipon at iba pang sangkap. Paborito ko ito kahit alam ko na ma-cholesterol.


30 comments:

  1. ahaha. hindi man ako kumakain ng sinigang na hipon kasi allergic ako. pero sigurado naman na masarap yan. Halos karamihan nmn kasi ng hinahandaan nian, maamoy palang yung maasim na aroma ay nakakapagganyak na sa sikmura.

    ReplyDelete
  2. Sa amoy pa lang, nalalasap mo na ang sarap ng sinigang. At kapag ito ay iyong natikman, siguradong hindi ka magsisisi. Ito din ay isa sa mga masasarap na lutuing Pinoy.

    ReplyDelete
  3. favorite ko din ung sinigang na hipon super!!

    ReplyDelete
  4. sarap. can so relate kasi mahilig din ako kumaen!! :D

    ReplyDelete
  5. HIPON is Love kain katawan tapon ulo hahaha,.... masarap na lamang tyan,.. kung matititkman yan ni dora,... alam kong sasabihin nyang "YUM YUM YUM,.. DELICIOSO!!!"

    ReplyDelete
  6. looks good ung presentation nung food, at mukhang masarap din..mahilig ka talaga sa hipon :))haha.

    ReplyDelete
  7. Totoo nga na mahilig tayong mga Pilipino sa pagkain. Tiyak kong marami kung hindi lahat ng Pilipino ay mahilig sa sinigang.Lahat ay siguradong matatakam sa tingin palang sa sinigang na hipon.

    ReplyDelete
  8. Agree ako sa blog mo. Kaya lang ang mahal ng hipon diba :))

    ReplyDelete
  9. talagang masarp tlga ang sinigang na hipon..
    isa ito sa mga paborito kong putahe..:PP

    ReplyDelete
  10. sinigang na hipon.. *A*
    cool.. ulam namin yun kaninang tanghalian.. ;)
    super asim.. xD
    agree ako sa mga sinabi mo sa blog mo. ;D
    totoo naman kasi un.. at.. isa sa paborito ko
    ang sinigang.. if i'll rate ur blog...
    i'll give it a 10/10.. ;)
    bias eh.. xDD love ko sinigang,.. ;D

    ReplyDelete
  11. Masarap talaga ang Sinigang na Hipon! Talaga nga namang mapapa-SHEMBOT ka sa sarap!

    ReplyDelete
  12. Napakasarap talaga ng Sinigang na Hipon!

    ReplyDelete
  13. Masarap talaga ang sinigang na hipon. Isa ito sa gusto kong ulam sa bahay.:)

    ReplyDelete
  14. Masarap naman talaga ang sinigang na hipon lalo na't sinigang pa. Sa bawat higop mo'y kikiligin ka talaga. Nakakaengganyo ang sanaysay at parang gusto ko na tuloy kumain ngaun ng SINIGANG NA HIPON! Nakakatakam din ang litrato.

    ReplyDelete
  15. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa Sinigang na hipon. pero mukang mapapadami ang kain ko dito. :)

    ReplyDelete
  16. Wow, hindi ko akalaing parehas pala tayo ng paboritong ulam! Katakam-takam nga naman ang sinigang na hipon diba? Sumasang ayon ako sa lahat ng sinabi mo. Sa pagkakasulat mo, para tuloy gusto ko ng kumain ng sinigang na hipon. Oishi!!! ^0^

    ReplyDelete
  17. super sarap ng sinigang na hipon! agree akong amoy pa lang nakakatakam na. :D

    ReplyDelete
  18. Sarap nito Aly! Asim pero sarap talaga. :">

    ReplyDelete
  19. Ha! Nakakatuwa naman na ginagamit mong uri ng pagsusulat ay ang paraan na nakikipag-usap ka sa tao mismo at nakaka-relate ang mga magbabasa... Ha!

    ReplyDelete
  20. Simula pagkabata isa na sa mga gusto kong "Seafood" ay ang hipon. Kaya kahit ano mang klase ng luto ng hipon ay siguradong masarap, mas lalo na kung ito'y sinigang pa. :)

    ReplyDelete
  21. natawa nmn ako dun sa mga comments. HAHA. pero tlga namang masarap ang sinigang na hipon! :))))

    ReplyDelete
  22. napakasarap ng asim nitong sinigang na ito.. khit d ako mdlas n nka2in dhil sa hipon ito.. ngunit paminsan minsan ay tumatakas ako.. para lamang matikman ang sinigang na ito :))

    ReplyDelete
  23. mahilig ako sa hipon lalong-lalo na at napaka-sustansya nito.. larawan pa lang, masarap na ;))

    ReplyDelete
  24. Sinigang na hipoon. Waw! Sarap. Sobrang sarap nyan grabe lalo na pag tamang tama ang timpla ng sabaw. Kasi pwedeng, sabaw pa lang ulam na. Freebie na lang ung hupon :)) :>

    ReplyDelete
  25. Malinamnam ang lasa nito ngunit ayoko ng sobrang asim na pagkain, depende na lang ito sa aking mood (:

    ReplyDelete
  26. Grabe, natakaman ako! Sinigang din ulam namin kanina, pero parang nagutom ako ulit. Ang ganda ng picture!

    ReplyDelete
  27. Wow!paborito ko rin ang Sinigang na hipon..

    ReplyDelete