CHOCOLATE MOUSSE
Simula pagkabata, sobrang mahilig na ako sa mga desserts. Hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ako nakakakain ng matamis. Nauubos ko pa nga ang isang container ng ice cream sa isang upuan lang. ;)) Dati din, ginagawa kong “anti-depressant” ang tsokolate. Sa tuwing babagsak ako sa isang pagsusulit o di kaya nama’y mame-mental block sa isang graded recitation, iniisip ko agad na tsokolate lang ang katapat niyan. ;)) Pagkatapos, pakiramdam ko wala na akong problema at balik na ulit sa normal. ;)) Marahil ito ay dahil sa magaan na pakiramdam kapag tayo ay kumakain ng mga matatamis kaya halos lahat ng tao ay paborito ito.
Ang Chocolate Mousse ay nagsimula sa France noong 19th century. Ang salitang mousse ay isang French term na ang ibig sabihin ay “foam”. Sa tuwing isusubo ko ito ay nalalasap ko na agad ang tamis at sarap na hatid ng pangunahing sangkap nito na tsokolate at cream. Idagdag pa natin ang “fluffy” nitong tekstura kaya naman nakakatakam at napapasubo pa ulit..at ulit..at ulit..;)) Dahil hango sa tsokolate ang chocolate mousse, halos pareho lang ang nutritional benefits nito. Ito ay naglalaman ng maraming “antioxidants” (flavinoids) na nakakatulong upang magkaroon ng “healthy heart” at malabanan ang ilang sakit tulad ng stroke at heart attack; “phenylethylamine” na nagsisilbing anti-depressant; at higit sa lahat, “theobromine” na nakakapagpabago ng mood at nagbibigay kasiyahan. :)))
Kaya ano pang hinihintay niyo?
Tikim na! ;))
Hannah Natividad ;))
tunay na nakakawala ng stress ang chocolate..
ReplyDeletelalo na kung nasa ganitong anyo..
napakasarap ng pagkain na ito. :))
SOSYAL! Hahaha. Maya kamahalan to, pero worth it naman sa sobrang sarap.
ReplyDeletewee. mahilig din ako sa cake. isa yan sa mga ngustihan ko. lalo na pag gawa ng red ribbon. hehehe. :)) grabe. i want some! :))
ReplyDeleteChocolate mousse! Ayan ang lagi kong pinapabiling cake pag kaarawan ko o kaya may okasyon. Napakasarap kasi.Parehas tayong mahilig sa matatamis.:))
ReplyDeletegrabe! aus lang masira ang diet, basta makakain lang nito!! :)
ReplyDeleteChocolate mousse, isa sa mga mas binibiling cake ngayon. Perfect sa mga may kaarawan o sa mga naghahanap ng masarap na dessert. :D
ReplyDeletewew!!! ang sarap naman ng iyong napiling pagkain. tiyak na kahit sino ay takam na takam diyan. ngunit minsan n lamang ako nakakatikim ng ganyan :)
ReplyDeleteThis is one of my favorite desserts!!x))
ReplyDeletei love its sweetness and sometimes i buy Chocolate Mousse for my barkadas or family.
i admit may pagkamahalan nga ito pero sulit.x))
tunay akong sumasangayon sa iyong gawain na tsokolate ang katapat ng depressyon o pagkalimot. totoo iyan dahil may mga nirerelease ang utak pag kumakaen ng chocolate..
ReplyDeletenapakagaling ng paglalahat ang daming impormasyon nanalilikom!
weeee magkakasundo tayo jan hannah :D
ReplyDeletemousse lover din ako :D
mahilig din ako sa mga matatamis :)) naaalala ko pa nung mageentrance exam ako lagi akong binabaunan ng mga chocolates para hindi ako gaanong maantok at nakakawala ito ng kaba :))
ReplyDeleteWOW. Sumasang-ayon ako kay Kym. :)
ReplyDeleteAnti-depressant pala yang tsokolateng yan, matry nga ng mawala ang mga problemang kinakaharap ko ngayon. HAHAHA
ReplyDeleteNapakaraming impormasyong naibigay ng iyong essay (:
Isa sa mga pinaka favorite kong dessert!!
ReplyDeleteAng sarap tlga :)
AYOS! Gusto ko rin to.
ReplyDeleteTsokolate! Tsokolate! Tsokolate... Dahil sa sarap nito, kahit ang pusa hahabulin ang Chocolate Mousse na ito, kahit nga ako npapa-"click" nito! Hahaha, Been looking 4ward to my next choco barrage! =D
ReplyDeleteKahit anong klase talagang pagkain, basta may tsokolate ay sadyang masarap, mas lalo na't "Mousse" pa ito, yummy! :)
ReplyDeletepaborito ko din ang cake n yan!
ReplyDelete