Monday, November 22, 2010

tamis ng aking buhay





           Sa hilig ko laging kumain, isang pagkain lang ang kailan man ay hindi ko pagsasawaan, ito ang icecream cake sa bake and churn. cookies & cream ang paborito kong ice cream cake. lagi ko ito hinahanap-hanap. Una ko tong natikman nung nasa sang mall kami sa Tagaytay. Isa ito sa mga luho ko sa buhay. Hindi ko ito maipagkakaila na mahal. 500 pesos ang presyo ng isang buong bilog na hugis na cake na ito. Ito ay matatagpuan sa iba't ibang mall. 




                    Ang ice cream cake ay isang uri ng pagkain na sobrang tamis. Ito ay nakakasama sa mga taong diabetic pero sa kabataan na katulad ko ito ay isa sa mga dahilan na ngpapasaya sakin. Kapag ikaw ay malungkot o may problema kumaen ka nito at alam ko gagaan ang loob mo. Kapag ako ay nakakain nito siguradong wla akong kapaguran. Lagi akong masaya pag kumakaen ako nito.  Minsan ko lang din kasi ito nakakain pag ako'y may pera upang bumili ng isang buo kasi wala itong slice. Ito ay hindi katulad ng mga ordinaryong cake o ice cream. Kakaiba talaga ang lasa nito at siguradong mabibighani kayo. Sa loob ng cake nandun ang ice cream. 


Kung kaya pag kayo ay malungkot o may problema subukan niyong kumaen nito at sigurado akong gagaan ang loob niyo. Sa sobrang sarap nito mawawala ang mga hinanakit niyo na nadarama. Ito ay may kamahalan pero sulit naman. Kayo ay mabibighani sa kakaibang lasa nito. 



by: Irish Yoshabel Dumawal

16 comments:

  1. Ang sarap naman ng Ice Cream Cake na yan :)) Masarap yan kainin dahil parang kumakain ka ng pagkain na two in one. May ice cream ka na, may cake ka pa. Sulit na sulit ang pinambili mo matapos makatikim ng isa isa mga ganyang pagkain :)

    ReplyDelete
  2. Talaga namang nakakagaan ng loob ang pagkain ng ice cream cake..

    ReplyDelete
  3. Ayos! :)) Sarap. Ako'y nagutom nanaman dahil sa iyong sanaysay :))

    ReplyDelete
  4. Wow ice cream cake! :) Gusto ko din nyan. Sulit din naman siguro ang 500 pesos kaya pahingi ako nyan! hahaha

    ReplyDelete
  5. Sana iyo pang laliman ang nasabing paksa, sa pmamagitan ng paggamit ng mga angkop na salita o pang-uri upang lalo maenganyong mabasa.. Masaabi kong maayos naman ang pagakakagawa ng paksang ito ngunit kaya pa itong pagbutihin..:)

    o kay sarap naman niyang Ice cream cake na iyan, sana'y balang araw pag napakainit na ng sinag ng araw at wala ng magawa kundi tumingala sa walang hanggang ay biyayaan ng kay sarap na ganyang merienda..:)

    ReplyDelete
  6. Mukha ngang masarap ang ganyang uri ng ice cream, lalo pa't di pa ko nakakatikim nyan (:

    ReplyDelete
  7. Ice cream pinagsama sa cake para makabuo ng ice cream cake, siguradong masarap itong dessert. Hindi lang ito sa tag-init, kundi buong taong ito pwedeng matakam.

    Minsan lang ako kumain ng cake, pero pag-nagkataong bumili, ito ang susubukan ko.

    ReplyDelete
  8. wee. ice cream cake!! paborito ko din 'to ;))

    ReplyDelete
  9. ice cream cake!! paborito ko rin ang cookies & cream.. :))

    ReplyDelete
  10. magkakasundo tayo sa ice cream cake!! >:D<
    yuummmy naman talaga to! SANS RIVAL naman yung favorite ko :D
    pero natry ko na din yang cookies and cream. ANG SARAP din :D

    ReplyDelete
  11. wow!!favorite q dn toh..ssulit nga pag bumili nito kasi ang sarap!!:))

    ReplyDelete
  12. Ice cream at cake, HEAVEN! Litrato pa lang nakakatakam na, samahan pa ng isang magandang dilag. ♥

    ReplyDelete
  13. WTFudge! I love ice cream cakes. :(( Gorgeous work Ish. :>

    ReplyDelete
  14. Kagutom! Sarap talaga ng ice cream cake. Eh ice cream palang nga masarap na, sinamahan pa ng cake na siya ring masarap. At nabuo ang ice cream cake na ubod ng sarap. Wala nang hahanap-hanapin pa :)

    ReplyDelete
  15. Wow! Sarap naman. Mamugay ka namana. Mas masarap yan kainin kung may kasama ka. Good JOb twinx. :) Regaluhan mo ko nyan sa pasko a? :)) Salamat!

    ReplyDelete
  16. grabe!!!!!!!!! sarap niyan! sana makatikim ako muli niyan :))

    ReplyDelete