Wednesday, November 24, 2010

Skittle-licious skittles! : ]


 May mga pagkain na sadyang nakaka-kuha ng ating mga makukulit na panlsa. Matamis, maasim, nais natin ang mapaglarong lasa ng bawat natitikman nating pagkain.
ken_ashford.typepad.com
Isa sa mga naka-pukaw sa aking malikot na panlasa ay ang maliliit ngunit malinamnam na Skittles. Ang Skittles ay isang brand ng candy mula sa Estados Unidos. Ito ay isang brand ng “ fruit-flavoured sweets”  na  ang panlabas ay pinatigas na sugar shells na may tatak ng ‘S’ sa bawat maliliit nitong butil. Ang loob naman ay sugar at Hydronated vegetable oil na sinasamahan ng iba pang panlasa na kadalasan ay mga ibat-ibang uri ng prutas. May anim na klase ang Skittles batay sa grupo ng lasa ng mga piraso;  Crazy Core, Fizzl'd Fruits, Original, Sour , Tropical, at Wild Berry.  Sa bawat maliit na butil ay malalsahan ang manamis-namis at maasim na lasa ng mga prutas at asukal.
Sa bawat pagkain ko ng Skittles ay talaga namang sumasaya ang aking damdamin. Ang mga naglal-larong lasa sa aking dila at labi ay nagbibigay ng sigla sa aking katawan at kalooban. Bawat piraso ay iyong nanamnamin at magigising ang kulit ng iyong panlasa. Ito ang aking pampasaya sa tuwing ako ay malungkot, kasama ko sa aking tabi sa tuwing ako ay naga-aral para sa mga pagsusulit , at pampalibang kapag ako ay nagi-isa. Ang kanilang makukulay na anyo ay nakapupukaw ng mga mata at imahinasyon. Ang mga pinaghalo-halo nilang anyo ay parang bahag-hari sa tingkad.
Ako ay maaring matawag na isang “sweet-tooth” dahil sa hilig ko sa pagkain ng mga    matatmis. Ngunit Skittles lamang ang kayang sumabay sa mga labi at dila kong makulit. 
               
                                                                 by: Fatima Bianca M. Acuña


15 comments:

  1. fatima alam kong masarap yan kaya pahingi ako.:))

    ReplyDelete
  2. Mahilig rin ako sa mga kendi, lalo na dahil ito'y nagpapaalala sa aking pagkabata :)
    Matamis, makulay, at masayang kainin! Lalo na kapag ibinabahagi sa iyong mga kaybigan :D
    Feeling mo bata ka ulit

    ReplyDelete
  3. Hindi ako mahilig sa candies, ngunit, talaga namang nakakalibang tignan ang mga maliliit na butil ng "Skittles", nakakapagpagaan ito ng kalooban, dahil sa sari- saring kulay nito. :)

    ReplyDelete
  4. katulad nung sinbi ko sa unang link, isa to sa mga paborito kong candies!hahahahhaha.. kpag may skittles ako, di ko mapigilan ang pagkain nito.:))))

    ReplyDelete
  5. Napakasarap nga naman nito. Sino ba naman ang aayaw sa Skittles, mga diabetic lang siguro. Masarap at nakakatuwa talaga ang kulay nila.

    ReplyDelete
  6. Skittleeeees!!!! Favorite ko din yaaaan!! Kasama ng Airheads madalas kong kainin ang Skittles! Lalo na kung magpapadala ng Balikbayan Box ang aking ina, hinding hindi niya makakalimutang isama ang Skittles na napaka-asim ngunit napakasarap. I'm a big fan of sour candies! :)

    ReplyDelete
  7. Isa sa mga pinakapaborito kong candies!!
    masarap talaga at nakakaadik

    ReplyDelete
  8. isa sa mga pinakamasarap na candies na natikman ko. kapag nasimulan mo na tong kainin, maghahanap ka pa ng susunod :>

    ReplyDelete
  9. di ako nagsasawa sa kakaibang sarap ng skittles mula pagkabata ako!isa to sa mga candies na hindi ko aayawan!

    ReplyDelete
  10. Masarap nga ang Skittles lalo na yung pula niyan. hehehe.... Matamis siya at masarap kaya't tunay na marami ang naeengganyong kumain niyan. Bukod dun, sa edisyon ng Tokio Hotel Live DVD, noong nag-gogrocery si Bill Kaulitz, kinuha niya iyang candy na yan para sa mga kagrupo niya at yun lamang ang nagustuhan ng mga iyon sa kanyang mga pinamili :))

    ReplyDelete
  11. Skittles... isa din ito sa mga paborito kong candies lalo na yung original version nito. Siguradong solved ang araw ko kapag mayroong Skittles na dala.

    ReplyDelete
  12. Kapag nagpapadala ang aking lola mula sa ibang bansa ng mga pasalubong etc, hindi mawawala ang lima-limang box na may lamang sampung pack kada isa ng Skittles. Paborito ko yung color blue yung pack. :)

    ReplyDelete
  13. Paborito kong Candy ang Skittles..pra bang kapag nasimulan ko nang kumain nito ay hindi ko na matigilan hangga't hindi nauubos.Kaso bawal ako ngayon kumain ng sweets.. :(((

    ReplyDelete
  14. paborito nga yan ni fatima.... HAHAHA!

    ReplyDelete