Kilala ako ng pamilya at mga kaibigan ko bilang isang “Sweets Addict” dahil sa sobrang pagkahilig ko sa pagluluto at pagkain ng mga matatamis na pagkain. Hindi lumilipas ang buong isang araw na hindi ako nakakakain ng kahit anong uri ng pagkain na matamis. Bilang parte na ito ng buhay ko mula pagkabata, maaaring masabi kong malawak na ang kaalaman ko sa mga lasa ng karamihan sa mga desserts o pastries. Sa dami rin ng mga desserts,pastries at delicacies ngayon, ang hirap sabihin kung alin sa mga iyon ang paborito ko dahil lahat ay masasarap at lahat ay malapit sa aking taste buds. Pero siguro kung tatanungin ako kung ano ang pinaka hinahanap hanap ko, masasabi kong ito ay ang Chocolate Torta delos Reyes ng Aristocrat.
Para sa akin, hindi ito maituturing ordinaryong cake sapagkat sa disensyo’t lasa pa lamang ay may pagkakaiba na sa karamihan ng cake na makikita sa bakeshops ngayon. Hindi rin ito basta basta matamis lang at hindi lamang isang chocolate cake na matatawag. Makintab na dark chocolate ganache ang bumabalot sa buong cake na ito na may disenyong chef sa ibabaw mula sa tinunaw na puting tsokolate. Kapag nahiwa na ito, sasalubong sa iyo ang mistulang katakam takam na chess board. Ang chess board na ito ay puti at itim na tsokolate na may maninipis na egg wafer sheets. Pwede ring mahalintulad ang chocolate wafers nito sa KitKat na pinalamig sa freezer. Masasabi ko ring parang ice cream cake ang Torta delos reyes dahil pagka nalagay ito sa mainit na temperatura, ang lambot nito ay parang ice cream na nakalabas sa freezer ng sampung minuto. Pagka naman nasa ref ito ay dali daling tumitigas. Gustong gusto ko ang cake na ito dahil nakakapag angat ito ng mood dahil na rin siguro sa serotinin, isang anti depressant dahil sa dark chocolate na sangkap nito. Ito rin ay may antioxidants kaya naman napaka comforting talaga pag aking nilalantakam! Ayon sa pag-aaral, nakakapagpababa rin ito ng blood pressure at kolesterol na masama sa ating puso. Sinasabi nila na nakakataba ito ngunit kahit kumonsumo ka ng dalawang slice nito sa isang araw, may mga fats ito na mabuti para sa ating katawan gaya ng Oleic Acid, Stearic Acid at Palmitic Acid. May 17%-22% din ito ng protina. Mabibili ang Torta delos Reyes sa halagang P85 kada slice. Maaari rin namang itong bilhin ng isang buo na nagkakahalaga ng P400 pataas.
Bilang nangangarap na chef at bilang isang taga hanga ng mga tanyag na pastry chef, sobrang hinahangaan ko ang pagiging matagumpay ng gumawa ng Torta delos Reyes dahil sa ganda at sarap ng kanyang pinaghirapang produkto na hindi basta basta nagagaya ng iba.Pinakikita nito na kahit gaano kahirap gawin ito, isang matamis na tagumpay naman ang maibibigay nito sa mga taong hinahanap hanap ang sarap nito. Maihahalintulad ko rin ito sa bawat personalidad at pagkatao ng bawat isa sa atin na may kanya kanyang uniqueness sa pagharap sa buhay mapa itim o mapa puti.
Mukhang masarap ang dessert na ito. Puno ng iba't-ibang klase ng tsokolate na siguradong nakakatakam sa mga gustong tikman ang dessert na ito.
ReplyDeletewow!sarap,,affordable pa..sulilt na sulit sigurado pag ntikman..:)
ReplyDeleteCHOCOLATES!SWEETS!!..nakakatakam naman talaga..bigla ko tuloy nafeel ung cravings ko sa chocolates. Nakakaengganyong itry!!
ReplyDeletesuper meaningful for a cake...
ReplyDeletepero nakakahikayat...
Gusto ko matikman yang chocolate cake na yan! :))) Mukhang masarap! :D
ReplyDeletebilang isa sa iyong mga malapit na kaibigan alam ko na un ang hilig at pangarap mo.
ReplyDeletehnd ko alam na mahilig ka pala sa dark chocolate akala ko puro matatamis dahil "Sweet" nga ang personality mo. kakaibang cake nga siya...
aristocrat pa! napaka sosyal. =)
@karl, masarap talaga ang cake na ito!wag ka na magdalawang isip na itry to!haha.
ReplyDelete@celine, sulit talaga!
@eeece, TRY MO! :) i assure you masarap!haha (nagpromote?!)
@helloiska, hindi lang mukhang masarap...MASARAP NA MASARAP TALAGA! :))
@mami kyyyyyyyyym thank you :D
ReplyDeletehaha.
Imahe pa lang ang tamis na, dagdagan pa ng amethy na matamis din :)
ReplyDeleteMasarap na dessert eto. Tiyak na makukumpleto ang pagkain ko. :)
wow. dahil sa blog na to parang gusto ko tuloy pumunta sa aristocrat at umorder ng cake na ito. magaling :)) nai-endorso pa ang cake ng mabuti :)
ReplyDelete@regina_charm23 me ganon?haha THANK YOU!
ReplyDelete@ponci gooooo naaa!haha. swak na swak naman yung lasa sa babayad mo eh hehe salamat :D
Tamuuhhh, nakatatakam naman yang Chocolate Torta delos Reyes
ReplyDeleteLibre ka naman ng ganyan sexy! (:
hahahaha me ganon.nambola pa para malibre woh :))
ReplyDeleteikaw dapat manlibre SK EYA!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletepicture pa lang ay nakakatakam na. Parehas tayong may sweet tooth. Hindi pwedeng lumagpas ang araw ng wala tayong natitikmang matamis. Lalo na kung ito ay may tsokolate.YUM!:)
ReplyDeletegxto ko ung chocolate cake !! hehe mhilig kc aq s chocolate ee... :))
ReplyDeleteI would say that the dessert is good if you would give me one of it. hahah. It really looks good to eat. Would you give me one??hahahah
ReplyDeletesobrang nakakatakam!!! maliban sa ice cream, gustung-gusto ko rin ng mga cakes. kahit gaano kalala ang mood ko, cake o ice cream lang din ang katapat ko. lalo na pag itsura pa lang, nakakalimot na ng kung anumang negatibong nararamdaman. good job amethy! maganda ang pagkakasulat mo ng food review na to. :)
ReplyDeletenakakataba nman ng iyong paborito.. gayumpaman msrap cia. kya pde n din :))) haha!
ReplyDeletedelicious gusto kong matik man yan ate(amethy) ikaw ba gumawa nyan
ReplyDeletewow!!ang sarap..
ReplyDeletepatikman nmn..hehe:))
tamess! :P penge ako niyan. :))
ReplyDelete@chef brye THANK YOU kuya brye!I know you appreciate it kasi pareho tayo mahilig magluto >:D<
ReplyDeletetry mo minsan ang TORTA DELOS REYES pag napunta ka ng aristocrat
@lak, nakakataba rin naman ng puso ang feeling at nakakadagdag ng energy sa pagngiti :D
ReplyDelete@arnold, hindi pero next time gagawa tayong tatlo ni clint nyan :)
@zeruchan & collegiala, pag napunta o nadaan kayo ng aristocrat wag na kayong magdalawang isip at umorder na ng TORTA DELOS REYES. super sarap!promise! TRY NYO :D
grabe nakakatakam namn yan! :)
ReplyDeletemahilig din ako sa mga "sweets"
ReplyDeletenakakatakam siya habang binabasa ko..kasing sweet siya pagkakakilala ko sayo :))
@michelle haha ganun ba? TRY MO pag nadaan ka sa aristocrat :D yuuuuuuuuum!
ReplyDelete@hosanna NAKAKATATZ naman yan hosanna! kaya lab kita eh hahaha
ReplyDeleteWEH! Ang sarap naman nito. @.@ Sobrang taas ng energy level mo kapag kumain ka nito ng madami. Ehem. Tataba pa. :))
ReplyDeletesarap. :)
ReplyDeleteAng sarap nga siguro ng Torta delos Reyes dahil sa palalarawan mo pa lang ay natatakam na ako. Minsan ay kakain ako niyan.
ReplyDelete@shane SUPER!haha.Hindi naman nakakataba basta nasa tamang laki lang nung kakainin mo at tamang dalas lang haha
ReplyDelete@Kim you shoul asap! haha.GO!
ReplyDeleteMarami akong nakuhang impormasyon tungkol sa Paborito mong Pagkain. Nakakatakam ang paglalarawan mo dito, mas lalo na't punong- puno pa ito ng tsokolate, yummy! :)
ReplyDeleteWOW! ang sarap naman nito! yuuumm!! :))
ReplyDeleteMHILIG DIN AKO RITO! NANINIWALA AKO SA LAHAT NG MGA NAKASAAD DIYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN! Yeheyyyyy! :)))
ReplyDeleteWala, larawan pa lang, talbog na. ♥ MUKHANG MASARAAAP. :(
ReplyDeletelarawan pa lang, masarap na.. ;))) ano pa kaya kung nasa harap ko na? :)))
ReplyDeleteWow, nakakatulo laway nmn yan ;) Larawan plang eh nakakaengganyo ng kainin, pano pa kaya yung mismong lasa lalo nat may naidudulot rin itong maganda sa ating katawan :)
ReplyDeleteyess saraap sarap naman niyan dala ka ng sample sa school hahah :)))
ReplyDelete