Sunday, November 21, 2010

"PUTAHE NG BUHAY"


“You are a Bicol express and I like you.” Masasabi ko na hindi ako purong Pinoy sa dugo pero masasabi ko na ang puso at diwa ko ay purong Pilipino lalo na sa aking paboritong putahe. Marahil nakahiligan kong kumain ng maaanghang na pagkain gaya ng” kimchi” na hindi mawawala sa aming hapag kainan ngunit kahit ganoon ang nag-iisang pagkain na pinakagusto ko ay ang “bicol express” Ang Bicol Express ay nilikha ni Cely Kalaw na nagmula sa Laguna at may restawrant sa Malate, Manila. Ang pangalan na Bicol Express ay kinuha sa tren na nag lalakbay mula Paco, Manila hanggang Bicol. Maraming mga Bicolano ang nagsasabing ang resipi nang kanilang pangunahing putahe ay nagmula din sa Bicol, gulay na Lada. Ang Bikol Express ay binubuo ng apat na mahahalagang sangkap: gata ng niyog, bagoong, karne ng baboy o manok, at maraming pulang siling labuyo. Maaaring timplahin ang anghang nito sa pamamagitan ng paglalagay ng sili ng paunti-unti hanggang sa makuha ang ninanais na anghang.  

    Ang “bicol express” ay maraming pampalasa. Ang paghahanda para sa pagluluto nito ay hindi biro. Ang pagkudkod ng niyog para gawing gata at yung paghahalo ng mga sangkap kaya kung nagkamali ng timpla’y hindi masarap. Maaari kong ikonekta ang paborito kong putahe na Bicol Express sa buhay. Lahat ng mga sangkap niya ay maaring kumatawan sa buhay ng tao. Ang anghang ng putahe ay nagpapakita na ang buhay ay hindi lamang puro tamis. Maari rin ito ay sumisimbolo sa mga problema at mga pagsubok na ating pinagdadaanan. Gaano man kaanghang ang nadudulot ng mga problema, ito’y nagpapatibay at ito’y nagbibigay ng inspirasyon upang maharap natin ang mga dagok ng buhay. Ang alat naman nito ang nagpapaalala sa atin na tayo ang asin ng mundo.Dapat tayong maging magandang ehemplo. Ang gata naman ay ang mga nakamit mong tagumpay kasi iyon ang sangkap na nagpapasarap sa bicol express. Ang gata rin ay sumasagisag ng masasayang sandali nang ating buhay lalo na pagkasama natin ang mga taong malapit sa ating puso.Mahirap lutuin dahil maraming paghahanda gaya din ng hirap maging totoo sa sarili mo. Mahirap buuin ang pagiging mas mabuting tao. Hindi madali ang pagkain nito kasi maanghang, ibig sabihin mahirap tanggapin ang iba sa buhay lalo na kung nasasaktan ka sa ginagawa niya sayo.

 
    Tulad ng bicol express ang buhay ay hindi basta basta lamang. Minsan mahirap timplahin ang sarili. Mahirap makamtan ang mas magandang buhay. Sabi nga nila “hardship first before success”. Kailangan mo munang dumaan sa maraming proseso na huhubog sa iyong pagkatao. At kung marami ka ng nakamit at maraming humanga sa buhay mo masasabi kong “ GANAP/SAKDAL NA BICOL EXPRESS KA”

-Hosanna B. Baek IT5 

23 comments:

  1. minsan ko pa lamang nalasan ito at tila di ko na rin matandaan ang lasa nito.. haha! sa tingin ko nama'y magugustuhan ko ito dahil mahihilig ako sa mga maaanghang na pagkain :)

    ReplyDelete
  2. Hindi ako masyadong mahilig sa mga maanghang na pagkain, pero siguradong mamahalin ito ng mga mahihilig na kumain ng mga maanghang na pagkain.

    ReplyDelete
  3. ay! WINNER ang bicol express nung unang natikman ko palamang to! bicolana ang tita ko na laging nahahanda ng baon ko sa eskwela nung bata pa ako kaya naman nung hinain nya ito SUPER NAGUSTUHAN KO. bagay na bagay yung gata sa pagkaanghang ng mga sili :D

    nakakatuwa rin ang history nito dahil nagawa pa nilang maihalintulad ang tren sa init na nararamdaman ng tao pagka kumakain nito :D
    LOVE IT!

    ReplyDelete
  4. Ang anghang! Wew. :)) Sarap naman nito Hosanna! Ang dami kong nalaman. nice :>

    ReplyDelete
  5. Talagang masarap ang bicol express! Tunay ngang hindi madali ang buhay at madami tayong napagdadaanan na pagsubok. Pagdarasal sa Diyos ang sagot upang makamtan natin ang tagumpay :)

    ReplyDelete
  6. sarap nito...!! mahilig din ako sa maanghang.. tska ito lng ang pagkaing may gata na kinakain ko:))) maganda ang pag hahahlintulad ng bicol express sa buhay ng tao..:))

    ReplyDelete
  7. "BICOL EXPRESS" one of the best viant i have ever tasted....

    ReplyDelete
  8. isang araw sa isang linggo ang pagkaing ito ay aking inihahanda, ngunit gaano man kadalas ko ito kainin, ang bango nito ay nagaanyaya ng isang libo at isang sarap. ang anghang nito at mainit na kanin ay sadyang magkatugma. isang pagkaing pinoy na talagang nagpapakilala sa pagkamalikhain ng PILIPINO.

    ReplyDelete
  9. Mahilig din ako sa mga maaanghang na ulam, kaya isa rin ito sa mga paborito ko ang “Bicol Express”. Tama ka sa mga paglalarawan mo sa “Bicol Express” sa buhay ng mga tao, hindi laging matamis ang dulot ng buhay, kagaya nga ng sabi mo. :)

    ReplyDelete
  10. Pareho tayong mahilig sa maaanghang na pagkain. Hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataon na matikman ang Bicol Express pero matagal ko na itong gusto. Baka minsan pwede mo ako patikimin.

    ReplyDelete
  11. Ni minsan ay hindi pa ako nakatikim ng Bicol express.Dahil hindi talaga ako mahilig sa maaanghang na pagkain..pero batay sa nilahad mo mukhang naeengganyo yata akong kumain,

    ReplyDelete
  12. ako din,,hindi pa ako nakakatikim ng bicol express kasi hindi ako masyadong mahilig sa maaanghang na pagkain ngunit gusto ko nang subukan ngayon dahil sa sinulat mo :)))

    ReplyDelete
  13. Bicol Express. Masarap daw to. Lalo na pag galing ka ng Bicol at di mo to natikman, magsisisi ka. Haha. Ouch naman un saken :))) Pero gusto ko talaga makatikim neto kahit gano pa sha kaanghang :>

    ReplyDelete
  14. Hindi ako kumakain ng maanghanag pero sa Bicol kami nanggaling. Ang angkan namin. :D Pero alam kong masarap yan, nakakapawis kainin haha!

    ReplyDelete
  15. hmm, nakakatakam nmn iyan. Tunay nga na masrap tlga ang Bicol express, lalo nat may halo itong kiliti ng anhang :)

    ReplyDelete
  16. oh. Haven't tried this so can't really comment anything about the viand itself.
    Pero the way you featured this recipe made it a lot interesting at least for me. Who would have thought na ganon ka-deep yung histo niya, di ba? And it's a good thing that you included that. :) nice!

    ReplyDelete
  17. Mmm!! Sarap naman! Sana makatikim na ako nito.

    ReplyDelete
  18. niluto namin ito ng mga blocmates ko nung first year college ako para sa isang gathering ng mga blocs. each bloc was supposed to bring a viand, and so we chose to cook this. we really didn't know why, siguro kasi mahilig karamihan samin ng maanghang? saka may isa kaming blocmate na taga bicol. we didn't know then na hindi pala sa kanila nag originate to, funny lang. :)

    ReplyDelete
  19. bicol express?! ito yata ang paborito naming magkakaibgan! kapag kumakain kasi kami sa mga restawrant, ay ito ang madalas naming orderin! sabaw palang nito ay solb na solb na! =)

    ReplyDelete
  20. masarap daw talaga yan, kahit di ko pa natitikman. pero muka nga.haha. nice ang lalim mo hosanna. :D

    ReplyDelete
  21. una kong nalaman kung ano ang bicol expres ay sa kainan sa tapat ng school namin. ang sarap noon.sobra. hindi ko na-realize na bicol express na pala yung kinakain ko.

    ReplyDelete
  22. Never thought na pwedeng i-connect ang buhay sa isang putahe na gaya ng bicol express. Nice work, hosanna. ;)

    ReplyDelete
  23. Maanghang, naaalala ko pa, nakakain ako ng sili, simula noon natakot na akong kumain nito.
    Ngunit bago mangyari yun, natikman ko pa ang sarap ng Bicol Express (:

    ReplyDelete