Sunday, November 21, 2010

TIKMAN MO, NAIIBA ITO!! :)

TIKMAN MO, NAIIBA ITO!
Michelle M. Guo
Hmmm... Naririnig ko na ang tunog ng kumukulong mantika sa mainit na kawali. Nararamdaman ko na rin ang init ng apoy habang niluluto ito sa oven. Ang bango! Nalalanghap ko na ang sarap ng bawat sangkap na ginamit. Ang amoy na pumapaloob sa buong kusina. Grabe, nakakagutom! Hindi na ako makapaghintay! Parang gusto ko ng tikman ang linamnam ng paborito kong pagkain.
Simula pagkabata pa lang, nakahiligan ko na ang mga pagkaing ma-keso at creamy, kaya hindi ako nagsasawang kainin ng paulit-ulit ang dalwang pagkaing nagbibigay saya sa akin, ang baked macaroni at chicken scalloped. Itinuturing kong kanin at ulam ang mga ito, kaya hindi pwedeng mawala ang isa kapag niluluto ito ng aking ina. Habang kinakain ko ang baked macaroni, nararamdaman ko ang tamang timpla ng tomato sauce na may kahalong giniling na karne ng baka, diced carrots at sliced mushroom na naaayon sa pinong tekstura ng macaroni. Sa ibabaw naman nito ay nalalasap ko ang linamnam ng white sauce na gawa sa cream at gatas, at ang bango ng red bell pepper na nababalot ng napakasarap na keso. Ang creaminess ng white sauce ay nanunuot sa kabuuan ng pagkain. Sa bawat kagat naman sa chicken scalloped na nababalot ng malutong na bread crumbs, nalalasahan ko ang asim ng kalamansing inilalagay sa malambot na pitso ng manok na may kasamang anghang na nagmumula sa bawang at paminta. Syempre, hindi rin mawawala ang paborito kong keso na nakapalaman sa manok.
Talagang nag-uumapaw sa sarap ang dalwang putaheng ito na tiyak na maaaring pagkuhanan ng sustansya. Kapag kumakain ako nito ay nararamdamaan ko ang kakaibang saya na tila ba nawawala ang aking pagod at binibigyan ako ng panibagong enerhiya at lakas. At sa tuwing ito ang kinakain ko, madalas kong masambit na “Ma, kahit araw-arawin. J
Ibat-ibang uri ng mga pagkain ang umaayon sa panlasa ng bawat isa sa atin. Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam lalo na kung  ito’y ating paborito. Kung minsan pa ay naipapahiwatig kung ano ang tunay na nararamdaman ng isang tao base sa pagkaing kanyang kinakain. Kaya anu man ang ating kainin sa araw-araw, lasapin natin ang sarap at saya na naidudulot nito.
Kaibigan, ano? Nagugutom ka na ba? HALIKA, TIKMAN NA NATIN ‘TO! J



30 comments:

  1. Michelle wag ka manggutom please.... nakakagutom naman yan. :(
    Pahingi!

    ReplyDelete
  2. Dalawang putahe.. Nakakgutom talaga.. mukhang masarap yan.. :D

    ReplyDelete
  3. ang cute naman nung girl na nasa picture!nakakaengganyo kumain :))

    ReplyDelete
  4. hahaha! nkakagutom nman yan :)) dpat minsan mkakain kme nian s inyo :)

    ReplyDelete
  5. nakakagutom naman. :)) namimiss ko na ang luto ng mama mo. :D siguradong healthy at masarap yan. :)

    ReplyDelete
  6. grabe picture pa lang mukha ng masarap pano pa kaya kapag kinain na?!YUM!:)

    ReplyDelete
  7. baked macaroni at chicken scalloped!paborito ko rin yan..kahit na matgal ang pagluluto nito at mahal ang mga sangkap, worth it naman ang paghihintay at gastos dahil sa sobrang sarap nito...hindi mapipigilang kumain ng marami...kahit na nagdidiet ka,mapapakain ka...lalo na kung iyong mahal mo sa buhay ang gumawa nito...dahil sa halong pagmamahal..na mas nagpapasarap nito...

    ReplyDelete
  8. WEH Michelle?! Kailangan kasama ka? :P HAHA! Ang sarap naman. :(( Gawa mo din kami? :D

    ReplyDelete
  9. ang sarap naman niyan..
    picture palang natatakam na ko.. :))
    iba talaga pag ang nanay ang gumawa ng paborito mong pagkain..masrap na may kasma pang pagmamahal na galing sa kanya :))

    ReplyDelete
  10. interesting. ngayon lang ako nakakita nga ganyan. galing :)

    ~comment back on my post. Thanks!
    http://cthm1t3.blogspot.com/2010/11/lutong-bahay-paborito-kong-tunay.html

    ReplyDelete
  11. ngayon lang ako nakakita ng baked macaroni na may bell pepper sa ibabaw!intense!

    ReplyDelete
  12. Larawan pa lang,talagang nakakaenngganyo na..!

    ReplyDelete
  13. Hansarap naman niyan. :)))))) enge ako. :(

    ReplyDelete
  14. waaaah! favorite ko rin ang baked mac! sooobraaa! :)) ang sarap naman nyan michelle! gabing gabi na eh ginugutom mo pa ko. haha. :P healthy pa kainin dhl ng mga bell pepper at mga chorva. haha. makapunta pala sa inyo. haha. dadayuhin pa tlga. manila?! haha. :P grbe nagugutom tlga ko. haha! favorite ko pa naman yan. :P

    ReplyDelete
  15. sarap naman..ang sarap ng baked mac!!!woooohhhh!!!

    ReplyDelete
  16. Masarap talaga ang “Baked Macaroni”, punong- puno ito na lasa. At kahit hindi pa ako nakakatikim ng "chicken scalloped", ay sigurado akong masarap yan, dahil kahit anong luto man ang gawin sa manok ay masarap. :)

    ReplyDelete
  17. Nakakagutom! gusto ko tuloy bumili ng pasta. hehe :) Pagluto mo kami nyan ha? <3

    ReplyDelete
  18. Napakasarap nga naman ng baked mac. Katulad ng lasagna yan din ang cheesy na pagkain na gusto ko. Lalo pa ako natakam sa iyong paglalarawan.

    ReplyDelete
  19. GRABE! MUKHANG MASARAP! OH MY GOSH! ♥

    ReplyDelete
  20. Ang sosyal naman ng favorite food. Pero dahil nga sosyal, sigurado, masarap yan. Minsan patikim mo samin para maging paboritong putahe na rin namin :>

    ReplyDelete
  21. Yummeh! Pag nagkita tayo sa serenata, ipapatikim mo sakin iyan. <3

    ReplyDelete
  22. baked mac!! ;)) paboito ko din 'to :) sobrang sarap ;))

    ReplyDelete
  23. Katakam-takam! Patikim naman Guo. Hehe. Maari mo ba akong igawa nito? Hehe.

    ReplyDelete
  24. michelle! magbaon ka niyan!! tapos kakanin NATIN. :) HAHA.

    ReplyDelete
  25. woah. nakakagutom talaga. masarap nga yang baked mac. bagamat hindi ko pa nsusubukan kumain ng baked mac na may bell pepper sa ibabaw, ay parang nalalasap ko na ang sarap nito base sa iyong larawan. btw, nice blog. :)

    ReplyDelete
  26. Yum, masarap talaga ang baked mac. Kahit yun nga lang eh, busog kana. Mabigat na sa tyan pano pa kaya pag sinamahan mo pa ng chicken scalloped. Siguradong the best yun at parang wala ng bukas :)

    ReplyDelete
  27. Nakakagutom ang mga larawan at masarap din ang pagkaing ito. :)

    ReplyDelete
  28. hindi ako pamilyar sa pagkain na ito pero ayon sa mga nakita kong litrato at sa mga nabasa ko ay mukha naman itong masarap.. :)))

    ReplyDelete