"Kare - Kare", you can't resist it ;)
Paboritong pagkain? Eto ba ung tipo ng pagkain na pag nakikita o naaamoy mo pa lang ay napapa-“wow” ka na? ung mae-engganyo ka nang kumain? Na swak na swak sa iyong panlasa kahiy hindi ito gusto ng iba? Oo! Tama! Para sa akin, yoon ang mga bagay na unang sumasagi sa aking isipan pag naririnig ko ang mga salitang iyon, at ang unang pagkain na aking naiisip ay ang pinaka-mamahal kong “Kare-Kare".
Nang ako ay nanaliksik ng konti tungkol sa kare-kare, aking natuklasan na ito pala ay nagmula sa isang probinsya sa ating bansa, at ito ay ang Pampanga. Ito ay isa sa mga tinatawag na “comfort food” nating mga Pilipino, hindi rin ito nawawala sa mga piyesta sa iba’t ibang lugar.
Nang ako ay nanaliksik ng konti tungkol sa kare-kare, aking natuklasan na ito pala ay nagmula sa isang probinsya sa ating bansa, at ito ay ang Pampanga. Ito ay isa sa mga tinatawag na “comfort food” nating mga Pilipino, hindi rin ito nawawala sa mga piyesta sa iba’t ibang lugar.
Ang kare-kare ang pagkain kung saan pinagsama-sama ang ilan sa pangunahing mga sakngkap sa mga pagkain ng Pinoy, tulad ng talong, sitaw, puso ng saging, petchay, astuete at ang nagpapakulay at nagbibigay ng matinding amoy na naghahatak sa atin para kumain, ang mga ito ay nangangahulugan din na ang putaheng ito ay hindi lang puro sarap ang hatid, kundi sustansya rin.
Hindi pa yan kumpleto, andyan pa ang malaman na sangkap na maaaring mong ihalo, mamili ka lamang, puwedeng seafoods o karne ng baboy o di kaya naman ay karne ng baka. Ngunit, subalit, datapwat, hinding hindi makukumpleto ang kare – kare kung wala itong kasamang bagoong alamang, hindi man natin magustuhan ang amoy nito, pero aminin natin na ito ay ang nagpapalasa at lalong nagpapasarap sa ating kare- kare.
Ang putaheng ito ay maaari nating matikman mula sa mga simpleng karinderya hanggang sa mga bigating restawran, ngunit para sa akin, ang sarap at linamnam nito ay matatagpuan sa sariling tahanan, kung san ang paborito nating tao ang magluluto, si inay, si lola o si ate, maaari din ang ating mahal na kasam-bahay, dahil masramdam din natin ang pagmamahal na idinagdag sa mga sakngkap nito at kuhang kuha nila ang timpla na swak na swak sa ating panlasa.
nice!!!!!!!!! napakasarap naman nito! iba;t iang klase din ang naipakita mong kare-kare. kya mas natakam ako lalo sa iyong knwento :)
ReplyDeleteWow! Ano ba yan nakakagutom! Hindi pa naman ako nagdidinner. :) Masarap ang seafood kare-kare ngunit lahat naman ng uri nito ay masarap! Gusto ko din matuto magluto ng kare-kare balang araw. :)
ReplyDeletehindi pa ko nakakatikim nga Kare-kare..pero sa larawan na pinakita mo pa lang parang naeengganyo na akong subukan :)))
ReplyDeleteWOW! Nakakatakam naman ang Kare-kare. Lalo na pag peanut butter ang ginamit at ito pa ay Seafood Kare-kare. Patikim pag marunong ka na! :)
ReplyDeleteAng sarap naman nyan! ;)
ReplyDelete"favorite kong ulam yannnn! kahit yan ang araw araw kong ulam alam kong hinding hindi ako magsasawa. sirangs sira diet ko kung ganun di ko ata kay magresist sa ulam na yan;) ganda ng description:) kakatapos ko lang kumain pero.... dahil dyan parang gusto kong kumain ulit:("
ReplyDelete- Aeriel Necesito
Paborito ko talaga itong putahe lalo na kung gawa ito ng aking ina :)
ReplyDeleteGrabe iba talaga ang Kare-kare. Sa section natin ay napakaraming tao na ang paborito ito(isa na ako doon)at hindi na ito nakakapagduda.Napakasarap naman kasi talaga nito. Sinong tao ang aayaw sa pagkaing ito?:)
ReplyDeleteSARAP! =P~ Daming makukuhang nitrients dito kaya healthy kainin. YUM! :)
ReplyDeleteWOWW! kare kare ang sarap namn nyan..
ReplyDeleteNakakatakam ang picture..:))
Sa totoo lang, ang kare-kare ang pinaka-paborito kong pagkaing mapa-lutong Pilipino man o galing ibang basa.. pero nagsulat ako ng tungkol sa Tinola para maiba naman.. ang dami palang mahilig sa Kare-Kare sa block natin..
ReplyDeleteSiguro magpapaturo na din ako na makaluto ng Kare-Kare.. :D :-bd
"Kare-Kare? NAKO! THE BEST yan! isa sa mga paborito ko din yan! :> Sa totoo lang dito ko lang nalaman na may iba ibang luto ng Kare-Kare, HAHAHA! Lalo tuloy ako natatakam at gusto ko matikman yung mga ibang luto nyan! Tulad ng sabi ni Redg, PATIKIM PAG MARUNONG KA NA! :D"
ReplyDelete- Juni Benitez
huwaw! kare-kare na ata ang pinaka masarap na ulam na natikman ko! lalo na kung bagoong na kasama..
ReplyDeletenapakasarap ng kare kare. magaling magluto ang aking tita niyan!
ReplyDeletehttp://luxuryrecipes.blogspot.com
ReplyDelete