Saturday, November 20, 2010

“Ang Masarap na bahagi ng Buhay”


Isinulat Ni: Jeanie C. Tan 
Lahat  ng tao lalo na ang mga Pilipino ay mahilig sa pagkain. Dahil sa dami ng impluwensya natin sa kultura at pagkain, naging napakalawak ng ating panlasa. Minsan nga’y itinuring na “the country that eats everything”. Mapa-pritong palaka o salagubang, kakainin ng Pinoy. Pero, kahit gaano pa tayo kahilig sa iba’t-ibang pagkain, meron paring bukod tangi sa mga ito. Lahat tayo ay mayroong paboritong pagkain. May iba’t-ibang dahilan kung bakit ito nagustuhan. Pero isa lang  ang nais ipahiwatig; ito ay ang isang bahagi ng ating pagkatao. At, dahil dito tayo ay higit na nakikilala ng iba at ang magiging daan upang maipahatid ang ating saloobin.
Para sa akin, ang namumukod tangi sa lahat ay ang kare-kare. Ang kare-kare ay isang putaheng talagang Pinoy. Ito ay may sangkap na pinaghaluhalong gulay, mga pampalasa at karne. Ang tipikal na kare-kare ay hinahaluan ng karne, pero, ang kare-kareng paborito ko ay gawa ng aking ina na ang halo ay hipon at pusit. Hindi rin ito mabibili kung saan-saan, sapagkat, makakita man kayo ng parehas na putahe, iba parin ang lutong bahay na niluto lang para sa iyo. Malamang ay bago palang sa paningin ang kare-kareng hinaluan ng hipon at pusit, pero para sa akin, ito ang pinakamasarap sa lahat ng pagkaing natikman ko.. Ang paborito kong kare-kare ay may mga sangkap na: hipon, pusit, sitaw, talong, petchay, puso ng saging, bawang, sibuyas, luya, mani, atsuete at bagoong. Dahil sa dami ng sangkap nito, siguradong maguumapaw sa sarap ang putaheng ito. At, syempre, naguumapaw din ito sa  mga benepisyong pangkalusugan. Ang hipon ay mayaman sa selenium na nagpapababa ng lebel ng free radicals sa katawan, isa rin itong low-calorie protein food,mayroon din itong Vitamin D,B12 at Omega 3 na nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol. Ang sitaw naman ay may protina, folic acid,phosphorus at antioxidants. Ang puso ng saging ay nagtataglay ng carbohydrates, B Vitamins, Vit. C at tumutulong din sa pagpapababa ng gastric juices sa ating katawan. Ang bawang naman ay nakakagamot ng sipon at lagnat, at isa ring mosquito repellent. Ang mani ay ang tagapagbigay ng monosaturated fats at niacin. Ang sibuyas naman ay may fructo-digosaccharides na pumipigil sa kanser at tumor. Ang pusit ay nagtataglay ng copper para sa pagbuo ng RBC at iron. Ang talong ay may mga bitaminang A, B(thiamine), riboflavin at niacin. Talagang napakadami ng benepisyo nito sa ating kalusugan, pero hindi ito makukumpleto kapag hindi natin nilalasap ng buong buo ang pagkain. Habang kumakain ako ng kare-kare ay naiisip ko ang aking ina na siyang nagisip ng espesyal na bersyon ng putaheng ito, at habang tinitingnan ko ang napakadaming halo nito, ay maihahalintulad ko ito sa buhay. Dahil, katulad ng kare-kare, napakadami ding sangkap ng buhay; maraming masasayang sandali, maraming problema, maraming karanasan at marami ding dapat pang matuklasan. Kaya naman,dahil sa sobrang daming sangkap ng buhay, dapat nating matutuhan na pahalagahan ang lahat ng ito. Dahil, kapag binalewala ang kahit isa dito ay hindi na magiging kumpleto ang lasa. Pero, kapag mas nilinang at pinayabong ito, siguradong mas sasarap pa ang timpla ng buhay.
Talaga namang napakadami ng ating pagpipilian, pero siyempre isa lang ang ating pinakapaboritong pagkain. Mapa-ulam man iyan o panghimagas, isa parin ito sa ,mga bagay na kasama mo sa pagtahak sa buhay. Ito ay parte na ng ating pagkatao na magiging kaagapay sa patuloy na paglago. Kaya naman, tanungin na rin ang sarili kung ano ba ang paboritong pagkain, baka dito niyo pa mahanap ang kasagutan sa napakaraming tanong sa buhay at maging daan upang lubusang makilala ang sarili.

16 comments:

  1. talaga namang napakasarap kumain:) lalo na kung ang paborito ang nakahain:)

    ReplyDelete
  2. Hindi nga ba mas mahilig ang mga tao sa kakaiba. Ang kare-kare na ang sangkap ay hipon ay kakaiba nga at gawa pa ito ng iyong ina, kaya naman hindi nakapagtataka na maging paborito mo itong ulam. Nakakatawa rin isipin na tama ka, ang pagkain ay maraming nagagawa sa ating buhay minsan pa nga ito ang nagpapabago sa atin.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Sa dami pala ng benepisyong pangkalusugan ng Kare-Kare. Tiyak na magugustuhan ito ng mga tao. At kakaiba din na makita ang Kare-Kare na gumamit ng hipon kaysa sa pangkaraniwang gamit ng baka.

    ReplyDelete
  5. Sa totoo lang, isa rin ang kare-kare sa mga paborito kong pagkain at hindi lamang basta bastang kare-kare. Ang paborito kong kare-kare ay aang niluluto ni mama.Napakasarap talaga nito at napakalinamnam lalo na kapag bagong luto. Samahan mo pa g pampalasang alamang..mmmm..nakakagutom talaga..

    ReplyDelete
  6. sa totoo, hindi tlga ako kumakaen ng karekare. pero parang sa mga sinabi mong impormasyon aynakakapang hikayat. magaling ka gumawa ng sulatin, siksik sa detalye ang mambabasa.

    ReplyDelete
  7. masarap talaga ang kare-kare lalu na ung may pagmamahal ng ina. Gusto ko ay ung may halong tahong at hipon, at dahil walang karne ng baka, tawag ko sa kanya seafood kare-kare, para may distinction pag magpapaluto ako ng kare-kare sa aking ina.

    ReplyDelete
  8. Magaling!napakadami kong natutunan tungkol sa kare-kare dahil dito:))))

    ReplyDelete
  9. napakasustansya ng pagkain na napili mo.. sa dami ng gulay na mayroon ito. haha! ngunit mtgal n rn ako d nkakain ng kare-kare. kya ntatakam n nmana akong muli :))

    ReplyDelete
  10. Last week ito ulam namin,hehehe, masrap na, masustansya pa. :D nice job jen!

    ReplyDelete
  11. talagang masarap ang kare-kare..pero di ko pa nattry na seafood ang sangkap.. siguradong magugustuhan ko yan, dahil mahilig din ako sa hipon at pusit. :)

    ReplyDelete
  12. kulang ang kare kare pag walang bagoong >:D< super sarap lalo pag lutong bahay!

    ReplyDelete
  13. Talagang masustansya ang kare- kare. Iba talaga kapag lutong bahay, mas sumasarap ang pagkain. :)

    ReplyDelete
  14. Masarap talaga yan. Paborito ka din ito lalo na kung sa bahay ako kumakain nito. Mahilig gumawa ng ganitong seafood kare-kare ang aking ina. Mas napapasarap ang kain kapag ganito ang ulam.:)

    ReplyDelete
  15. masarap tlga ang kare-kare, masustansya pa :))

    ReplyDelete
  16. WOOOWW, masustansya pala talaga ang kare-kare no? At agree ako dun sa "the country that eats everything" HAHAHHA (:

    ReplyDelete