Tuesday, November 23, 2010

Sorbetes, Sorbetes!!





Marahil ay araw araw na natin itong nakikita sa mga lansangan o di kayay sa mga eskwelahan. Pagkatunog pa lamang ng ng bell nito ay naghihikayat na ito sa mga taong nasa paligid na bumili. Masisilayan rin ang maamong mukha ni Manong na nagsasabing "Sorbetes, Sorbetes!". Bata pa lamang ako ay nahiligan ko na ang kumain ng sorbetes. Talaga namang napakasarap at malinamnam ang sorbetes.



Ano nga ba  ang sorbetes? Sabi nga ng iba, ito raw ay ang "Pinoy version" ng ice cream. Maraming mga flavor ang sorbetes na pwedeng pagpilian. Ilan sa mga  sikat na flavors ay ang cheese, chocolate, strawberry at mango. Saan ba madalas makikita ang mga nagtitinda ng sorebetes? Makikita ito kahit saang parte ng bansa. Pangkaraniwan itong nakikita sa mga tabi ng lansangan o di kayay sa tapat ng eskwelahan. Ang presyo ng sobertes ay pumapatak sa limang piso hanggang bente. Kaya naman ay sulit na sulit ito sa mga kababayan natin. Isa sa mga nutritional factors nito ay gatas kung saan nagpapatubay ito ng buto at syempre ang asukal kung saan ito ay nakakapagbigay lakas sa katawan.Kung mayroon itong naidudulot nga maganda sa katawan ay mayroon rin itong masamang naiidudulot. Sobra sobrang pagkain ng sorbetes ay pwedeng humantong sa pagkakaroon ng sakit. 


Hindi hadlang sa marami sa atin ang pagkain ng sorbetes mapabata o mapatanda, may ngipin man o wala. Parte na ng buhay natin ang pagkain ng sorbetes. Talagang maipagmamalaki ng mga Pilipino ang sorbetes sa buong mundo. Kaya naman pagkatapos mo itong basahin ay huwag ng magdalawang isip na kumain ng sorbetes at tiyak na babalikbalikan mo ito.



                                           ........END..........
                                           Hazel Sta. Maria
                                                   1T5

15 comments:

  1. Mahal na mahal ko rin ang sorbetes! Isa rin yan sa mga paborito kong pagkain sa mundo, lalo na yung nabibili sa kart na de gulong!
    Makulay, matamis, at malamig! Masarap kainin lalo na kapag nakatirik ang araw (:

    ReplyDelete
  2. nice :) masarap na itong pagkaen na ito lalo kung mainit at tirik na tirik ang araw :D

    ReplyDelete
  3. Kahit na may sosyal pang ice cream na tig bebente, wala pa ring tatalo sa sorbetes na madalas nating nakikita sa may labasan lalo na sa loob ng ating paaralan. Sarap neto lalo na pag palaman sa tinapay :))

    ReplyDelete
  4. MASARAP TO SA PANDESAL! THE BEST. ♥

    ReplyDelete
  5. sorbetes imba pag may cravings! xD

    ReplyDelete
  6. SORBETES! :)
    masarap kainin pag mainit ang ulo, nakakawala ng kabadtripan.. :))

    ReplyDelete
  7. ice creaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaam! kahit anung ice cream masarap lalo na pag gawang pinoy! :)

    ReplyDelete
  8. waaa namiss ko tuloy kumaen ng sorbetes, walang tatalo jan :D

    ReplyDelete
  9. Sorbetes.. murang pampalamig kapag hindi makabili ng ice cream. Bagay din kasama ng pandesal. :D

    ReplyDelete
  10. Masarap talaga itong sorbetes.Minsan nga naiisip ko parang mas masarap siya kaysa sa ibang ice cream na mamahalin.

    ReplyDelete
  11. Talagang masarap ang sorbetes. Mura na masarap pa, may iba't iba pa itong flavors na talagang kagigiliwan ng mga tao. :)

    ReplyDelete
  12. Masarap kumain ng ice cream lalo na kung mainit init ang panahon. :)

    ReplyDelete
  13. Mahilig din ako sa sorbetes na nabibili lamang sa kalye sapagkat napakamura nito at masarap pa. Tamang tama itong kainin lalo na't mainit ang panahon ngayon :)

    Hazel, ilibre mo nga ako ng sorbetes sa ating susunod na pagkikita :)

    ReplyDelete
  14. Ang sorbetes ay tunay na masarap. Ito ay kinagigiliwan lalo na ng mga kabataan. Ngunit mag-ingat sa ibang sorbetes dahil hindi natin alam kung ito ay malinis o hindi.

    ReplyDelete