Lahat tayo’y may kanya kanyang paborito o gusto. Lalo na pagdating sa pagkain. Tulad nga ng sinasabi ng nakakarami, ang mga Pilipino’y mahilig kumain. Minsa’y depende ang ating gusto sa ating kinalakhan o sa mga taong ating nakakasalamuha.
Tulad ko. Ang aking ina ay isang Bicolana. Mahilig siya magluto ng mga putaheng may gata. Kung kaya’t bata pa lamang ako ay nahilig na ako sa mga pagkaing medyo maanghang at may gata. Isa sa mga paborito ko ay ang Bicol Express. Ito’y may halong baboy, sili, bagoong kung minsan, at siyempre, gata.Amoy pa lamang nito ay ulam na. Hindi ka man mahilig sa maanghang o may gata, siguradong magugustuhan mo ang kombinasyon kapag natikaman mo ang ulamna ito.
Naaalala ko pa nung ako’y bata pa lamang, nung una ay ayoko kumain ng Bicol express.
Sapagkat alam kong maanghang iyon. Ngunit isang beses, sa isang handaan, napilitan ako kumain nito. At yun nga, simula noo’y lagi ko na itong pinapaluto sa aking ina. At kapagka ako’y kakain sa labas, ito agad ang una kong hinahanap. Isang bagay na aking natutunan ay huwag matakot sumubok sa isang bagay. Malay naten, ito pala an gating hinahanap hanap. Tulad sa pagkain.
Ingredients:
hmmm !! sarap talaga ean .. mahilig den aco sa maanghang :)
ReplyDeleteMinsan pa lamang ako nakatikim nito at hindi pa gaanong kaanghang. Pero sa tingin ko pa lag ay masarap na ito. Napakasarap kasi ng kain ng mga nakikita kong tao na kumakain dito. Kaya naman hindi na ako nagtatakang marami ang may paborito nito. Masubukan nga ito ulit.!
ReplyDeleteMasarap talaga ang bicol express. Syempre masarap dn ang gumawa neto. Pareho pala tayong Bicolana, Maganda at iniindorso mo ang mga pagkain na galing sa ating bayan na masasabi kong napaka sarap at masustansya. I'm proud of you!
ReplyDelete♥ RODE
Masarap ang maaanghang na pagkain ngunit minsan lang talaga ako makakain ng bicol express! mukhang masarap talaga!
ReplyDeleteYummmy! :) Haha.
ReplyDeletehindi pa ako ni minsan nakakain ng bicol express ngunit sa ganda ng pagkakalarawan at sa mga pictures, gusto kong tikman ito :)
ReplyDeleteHindi ako masyadong mahilig sa mga manghang na pagkain. Pero siguradong nakakatakam ang Bicol Express..
ReplyDelete