Saturday, November 20, 2010

Ang Paglalakbay ng Gutom na Kapitan



Ang pagkain ay isa sa mga pangunahing pangangailang ng isang tao. Ang bawat bansa ay may iba't ibang uri ng pagluto at paggawa ng pagkain. Ang mga pagkain ay may iba't-ibang lasa, may ilang pagkain na matamis, ilan din ang maalat, ilan din ang maanghang, ilan din ang mapait, at may ilan na may kumbinasyon ng iba't-iban'g lasa. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga pagkain. Ito man ay sa isang magarbong restauran o sa isang simpleng karinderia, hindi magpapahuli ang mga Pilipino na kumain.

Ako mismo ay mahilig na kumain, ito man ay lutong bahay o galing sa restauran. Sa aking kamusmusan, malakas na ako kumain. Sa isang pagkakataon, ako ay nakaubos ng isang buong pizza na 14 inch. Marami akong paboritong pagkain tulad ng Kare-Kare, Fried Chicken, Chicken Curry, Lasagna, Pizza, at marami pang ibang pagkain, ito man ay lutong Pinoy o lutong galing sa ibang bansa, ngunit ang pinakapaborito ko na pagkain ay ang Tinolang Manok. Palaging lutong bahay ang tinola na kinakain ko. Ito ay isang sabaw, kung saan pinaghahalo ang manok sa iba't-ibang sangkap at gulay. Ang tinola ay may sangkap na manok kasama ang sabaw nito, luya, dahon ng sili, berdeng papaya o sayote, bawang, sibuyas, patis at oil na pangluto. Ang pagluto nito ay nagsisimula sa pag-gisa ng bawang, sibuyas at luya. Susunod na ilalagay ang manok at tubig at ito ay pakukulan ng dalawangpung minuto o hanggang maluto ang manok. Sa mga panahon na ito, unti-unting lumalabas ang katas ng manok na nagpapalasa sa sabaw. Timplahan ng asin, paminta at patis at sabaw. Lagyan ng papaya o sayote at pakuluan ng limang minuto o hanggang maluto ang papaya. Huling ilagay ang dahon ng sili at patayin ang apoy. Ihain ito sa isang bowl at samahan ito ng kanin. Ito ay isang magandang pagkuhanan ng protein, calcium, vitamin B6, phosporous, magnesium, at zinc. Mayroon din itong konting vitamin A, B1, B2, B3, B12, C, E, at iron. Ito ay mabisang sabaw para sa mga may-lagnat.

Ang tinola para sa akin ay nagpapainit ng aking buhay. Sa sarap ng sabaw at manok, lumuluwag ang aking pakiramdam sa kabila ng mga pinagdadaan kong pagsubok na dala ng buhay. Ginaganahan ako gumawa ng maraming bagay kapag ako'y kumakain nito. Bilang isang dakilang Pilipino, ito ay isa sa mga kakaibang lutuin na pwedeng maipagmalaki sa mga dayuhan. Ang pagkain ay kasama na ng ating buhay. Maraming pagkain ang pwedeng pagpilian. Ngunit kung ako ang tatanungin, ang tinolang manok pa rin ang labis kong binabalikan. Hindi lang ako ang mahilig kumain nito, may mga ibang tao na siguradong mahilig na humigop sa sarap ng tinola. Iba't-iba ang ating pagtingin sa pagkain, Mayroon tayong mga paboritong pagkain, pati na rin ang ating inaayawang pagkain. Kaya naman itanong na ang inyong mga sarili. Ano ang pagkain na magiging malaking bahagi sa iyong paglalakbay sa buhay?

Sa masarap na pagkaing inihain,
Karl Danielle R. Carandang

22 comments:

  1. yuuuuuuuuuum! mas gusto ko ring lutong bahay ang tinola. lalo na pag tita ko ang nagluluto,napaka comforting!samahan mo pa ng sawsawang patis na may sili :D

    ReplyDelete
  2. Hindi talaga ako kumakain ng tinola. Ang gusto ko lang dito yung sabaw nito. Napakahusay ng iyong blog! Magaling! :)

    ReplyDelete
  3. Ang tinola ay isa sa mga specialty ng mama ko. Wala na talagang tatalo pa kapag masarap na pagkain na katulad nito ang nasa harapan mo at niluto pa ng iyong ina.

    ReplyDelete
  4. Kumpletong-kumpleto simula sa kung paano magluto. Sana nga lang makapagluto tayo ng ganyan para kay Karl :)
    Napakasarap na pagkain ang tinola. :D Bukod sa masarap, saksakan pa ng napakaraming nutrisyon!
    Magaling!

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. wow. sino banamang Pilipino ang hindi may gus2 sa tinola? napakasarap. =) magaling na pag susulat karl.

    ReplyDelete
  7. Karl! nakakagutom naman yan.:)
    follow kita , follow mo rin blog ko.;)
    york412.blogspot.com

    -jyra

    ReplyDelete
  8. Masarap talaga ang tinola. Sa bahay lamang ako kumakain nito at talaga namang napakasarap ng luto ng aking mommy:))

    ReplyDelete
  9. Yummy!!sarap tlga ng tinola..
    Nice blog Karl!!!

    ReplyDelete
  10. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa tinola. Pero sa bagay, lahat naman tayo ay may kanya-kanyang ibig eh. Paborito mo ang tinola, samantalang ako, ang paborito ko naman ay ang sinigang na hipon. Nakadepende rin siguro yan sa lasa at sa pagkakagawa. :)

    ReplyDelete
  11. WOW NAMAN KARL! Ang sarap saraaaap! =)) Luto mo 1t5. :) BTW, Good work! :)

    ReplyDelete
  12. Haha masarap talaga ang tinola lalo na ang lutong bahay at kapag niluto ito ng may pagmamahal

    ReplyDelete
  13. ang ganda ng pagkasulat..
    nakaka enganyo naman kumain ng tinola..
    :)

    ReplyDelete
  14. tlga nga nman.. npakasarap ng tinola! tila nami2ss ko 2loy ang luto ng aking ina diyan :)

    ReplyDelete
  15. Masarap talaga ang Tinolang lutong bahay. Mas lalo talagang sumasarap ang isang pagkain kapag sa bahay ito niluto. Iba talaga ang lutong bahay. :)

    ReplyDelete
  16. ganda naman ng pagkakalarawan :) masarap talaga ang tinola lalo na pag lutong bahay, masustansya pa ;))

    ReplyDelete
  17. wow. tinola. paborito ko din yan. basta may patis solve na! :)

    ReplyDelete
  18. Favoritee ko yann!! Ang isa sa mga ulam sa mundo na kinakain ko ang gulay nito! HAHAHHA
    Masarap lalo na kapag salu-salo ang pamilya! :D

    ReplyDelete
  19. Masarap ang tinola. Paborito ko kasi ang manok. :)

    ReplyDelete
  20. Tinolang Manok pala ang paborito mo Karl ah. Hayaan mo pag-aaralan ko lutuin ito nang para pag naging mag-asawa na tayo, ipagluluto kita, nang sa ganon eh mapawi ang pagod mo galing trabaho. HAHA :DDDD Sarap kase naman tlga ng tinolang manok lalo na pag mainit at bagong luto palang ito. Napasarap higupin at lamlamin ang sabaw nito, lalo na sa panahon ng tag lamig :)

    ReplyDelete
  21. Ang gutom na kapitan ay siguradong nabusosg dahil sa pagkaing Tinolang Manok.

    ReplyDelete