Saturday, November 20, 2010

“Pamanang Resipe” --Ronileen Rae T. Bauto


“Pamanang Resipe”

Tayong mga Pilipino ay napaka-hilig kumain, sa katunayan kapag may handaan maging ito man ay piyesta, Pasko, anibersayo o ano pa man, napakaraming pagkain ang nakahanda para sa buong pamilya, mga kaibigan at mga bisita.  Madalas, ipinagmamalaki ng mga Ina ng tahanan ang kanilang iniluto marahil dugo’t pawis ang kanilang puhunan maparasap lamang ang handa. Mayroon nga tayong kasabihan sa Ingles na “The best to a man’s heart is  through his stomach” Adobo, Sinigang, Kare-Kare at Bagoong, Inihaw na Pusit, Liempo, Lechong Manok at iba pa … hindi ba’t nakakaigayang kumain. Bilang Pilipino nasa lahi natin ang maya’t mayang paglagay ng pagkain sa ating plato at masiglang kumain kasama ng ating kapamilya o mga kaibigan.

Simula’t sapul ang paborito kong ulam ay “Spicy Caldereta”. Mas maanghang mas gusto at minamahal ko ito, bawat nguya ng kanin na lumulutang sa maanghang na sarsa at ang malambot na karne, ito ay aking nilalasap. Madalas noong ako’y bata madalas akong hainan ng aking Ina o ng aking Lola – dahil sila ay may parehas na resipe na kuhang-kuha nila ang lasang aking hinahanap-hanap. Ngayon, namana ng aking Ate ang husay sa pagluluto at kuhang-kuha niya ang lasang hinahanp ko sa pagluto ng nito. Ganon pa man minsan ko na lamang ito matikman. Dahil ang aking Ina at Lola ay nasa ibang bansa at ang aking Ate naman ay parating abala. Napanood mo na ba ang Ratatouille? Na sa pagtikim ni Ego sa inihain ni “Little Chef” o ang dagang chef ay bumabalik ang kanyang alaala ng pagkabata. Para akong si Ego na sa tuwing hahainan ako ng aking Ate ay bumabalik sa aking isipan ang mga panahong nagluluto ang aking Ina o ang aking Lola ng Spicy Caldereta na madalas kong abangan sa kusina pa lang. ako Kung susuriin man, ang Spicy Caldereta resipe ng aking Lola ay napasa-pasa na at naging FAMILY RECIPE na pwedeng-pwedeng ipagmalaki. Ang pagkaing ito ay hindi ko maipagpapalit sa iba pang luto ng Caldereta ang sariling resipe ng aking pamilya ay naging “Comfort Food” ko na, na sa tuwing ako’y nalulungkot o nangungulila sa aking Ina at Lola at saktong nagluto ang aking Ate ako ay nagagalak na rin kahit papano.

Napakasarap kumain lalo na kung kasama natin an gating mga mahal sa buhay. Naging tradisyon na rin sa atin ang kumain kaya’t wala nang diet-diet pa!! Sa maanghang na ikot na buhay lagi nating tandaan na nandiyan an gating mga mahal sa buhay upang maging solusyon sa ating problema. Kahit ano pa mang ulam o pagkain ang nais natin tayo parin ay nananatiling mga Pilipino na may sariling kultura upang ipamahagi at ipakita sa buong mundo! Lalo na’t ang paborito nating putahe ay may “sentimental value” sa atin, ang sarap ipagmalaki nito! Maging pagkain sa pinakamahal na restawran o sa pinakamurang tusuk-tusok sa kanto, masarap talagang kumain!

--RONILEEN RAE T. BAUTO
            

21 comments:

  1. so true! We Filipinos are rich when it comes to food and culture! PROUD TO BE PINOY!! :D

    ReplyDelete
  2. Talaga namang mgaling magluto si te niks, mama red at mommy! sana nandito na lang sila sa pilipinas para lutuan ka at ako din! magaling ang pagkakasulat parang nung nasa HS lang tayo! active na active ka parin sa pagsusulat. naramdam ko talaga ang damdamin sa pagsusulat mo

    ReplyDelete
  3. Paborito ko din ang caldereta ni te niks! at ung Tinomese... Masarap kumain kaya nga lumolobo tayo eh pero we really love eating that's why. But then I wanted to congratulate you for a job well said blog! Tulad ni Ego sa Ratatouille ay story mo! hahaha! :P

    ReplyDelete
  4. CALDERETA! masarap tlaga to lalo na kung ang nanay ntin ang nagluto dahil may kasamang pagmamahal! at kahit anong pagakain pa yan, masarap pag kasamang kumain ang pamilya't kaibigan:)

    ReplyDelete
  5. Napakatamis naman ng pagkakahayag mo ng iyong maanghang na paboritong pagkain. Ako'y pinagpapawisan sa iyo. Nawa'y matikman mong muli't-muli ang pagkain ito. Paminsan magdala ka ng nabibiyayaan din kami. :)

    Bawat subo'y mas malinamnam kung nakikita ang pamilyang kasabay sa hapag-kainan! :))

    ReplyDelete
  6. Wala pa ring tututlad sa pagkaing minana sa maraming henerasyon. Talagang hindi makakalimutan ang isang pagkaing niluluto para sa buong pamilya.

    Talagang masarap ito ihain sa hapagkainan kasama ang pamilya.

    ReplyDelete
  7. Tama! Napakahilig talagang kumain ng mga Pilipino. Parte na ito sa ating Kultura. Maging ang paraan ng pagluto sa iba't ibang lugar sa bansa na namana pa sa mga ninuno. Hahaha! Nice :D:D

    ReplyDelete
  8. Caldereta is a palatable dish that would serve to tickl your taste buds! I love it too! :) And nothing beats it than sharing it with family and friends all together. Now that's how WE Fiipinos do it! :)

    ReplyDelete
  9. Bakit ba lahat nalang ng nakapost dito ay masasarap na pagkain?..Hindi ko tuloy maiwasang magutom. Tama ka nga. Napakasarap ng caldereta lalo na kung ito ay iniluto ng iyong mahal sa buhay tulad ng iyong nanay.

    ReplyDelete
  10. sa totoo lang isa itong bagong pagkain para sa akin. alam kong may caldereta pero hindi ko alam na may spicy version pala iyon. marami akong natutunan dito. seryoso. =) haha

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Caldereta rin ang paborito kong pagkain. Talagang iba ang pakiramdam kapag alam mong mahal mo sa buhay ang nagluto ng paborito mong pagkain o ang resipe ay galing sa mga mahal mo sa buhay, talagang nakakapagdulot ito ng kasiyahan. :)

    ReplyDelete
  13. Nays, kaldereta :) Hindi ko alam kung nakatikim na ako nito o hindi. Basta ang alam ko, masarap siya. Sa picture pa lang, busog ka na :))

    ReplyDelete
  14. gusto ko din ang caldereta at masarap itong kainin lalo na pag kasabay mo yong ang iyong pamilya :))

    ReplyDelete
  15. WOW NAMAN.Patikim naman, magluto ka naman niyan :) Mukang napakasarap ah! :)

    ReplyDelete
  16. Malinamnam lalo pa't spicy, di nakakasawa kaagad (:

    ReplyDelete
  17. Tama! Hindi na uso ang diet-diet ngayon, lalo na kung paboritong pagkain mo ang nkalatag sa iyong harapan at kasama mo pa ang mga mahal mo sa buhay. The best! :) Masarap talaga ang mga spicy foods. Para sakin mas nakakaengganyo sila kainin at mas may dating. Dapat matuto ka rin magluto niyan para maipatikim mo naman sa amin ang Bauto specialty :)

    ReplyDelete
  18. Masarap ito lalo na kapag maanghang. Malasa ang caldereta kaya't gusto ko ang pagkaing ito. :)

    ReplyDelete
  19. paborito ko ang putaheng ito! maganda ito ipakainsa may sakit gaya ni madam bea! >:))

    ReplyDelete
  20. Wow naman, AA! Caldereta! :) Ang sarap nyan. Kaya lang ma-anghang. Haha. Pero masarap talaga. Kasing sarap mo! :D

    ReplyDelete
  21. Caldera! Larawan pa lang ay kay sarap na tulad ng may gawa. Mas masarap kumain nyan kapag kasama mo si AA. :))

    ReplyDelete