Ang adobong manok ay gawa sa mga kabuuang sangkap na: toyo, suka, bawang, paminta, dahon ng laurel, at syempre manok. Ito ay isa sa mga pinaka-kilala at paboritong pagkain ng mga Filipino. Sino nga ba naman ang hindi kakain ng adobo? Dahil sa masarap at kakaiba nitong lasa, madami talaga ang may paborito sa pagkain na ito. At isa na AKO doon!
Ang adobo ay madaming pang-kalusugang benepisyo galing sa iba’t iba nitong sangkap. Dahil suka ay isa sa mga pangunahing sangkap ng adobo, ito ay nakakatulong para mas madaling matunawan at hindi lang iyon, ang suka ay “anti-inflammatory” rin. Isa pang sahog na ginagamit sa adobo ay bawang, na nakakatulong pumigil sa blood clots. Maraming pakinabang sa mga binibigay na protina ng mga manok. Depende kung anu-ano ang mga sangkap sa iyong adobo, ay ang walang hanggang pang-kalusugang benepisyo.
Madaming klase ang adobo, mayroong masabaw, wala masyadong sabaw, may ibang mga putahe na dinagdag o medyo matamis. Ang aking paborito ay ang adobo na luto ng aking mommy. Ang adobo ng mommy ko ay medyo manamis-namis at madaming sabaw. Sinasabi nya sa akin na ito daw ay “Chinese style”. Hindi ko alam kung anong style nga ba ito, pero ang alam ko lang ito ay tunay na MASARAP!
--Marrick Magana--
Kakaiba talaga yang adobong paborito mo.. CHINESE STYLE! nakakatuwang ibang lahi naman ang nagaadopt ng filipino food >:D<
ReplyDeleteyuuuuuuuummmy!!
MALAPIT SA PUSO ko ang adobo dahil paborito ito ng mami ko kasabay ang pinakbet :D
super dali lang gawin pero super sarap at hindi basta basta nasisira di gaya ng ibang ulam.
Parang friendship natin na di basta basta nasisira :D
lav it!
Kadalasan kapag tinatanong ang mga "foreigners" kung ano ang paborito nilang pagkaing Pinoy, Adobo kaagad ang isinasagot nila, hindi ko naman sila masisisi, dahil talagang masarap ang kahit anong klaseng luto ng Adobo. :)
ReplyDeleteTamang napakasarap ng adobo at talaga namang lutong Pinoy. Isa rin ito sa paborito kong ulam. Syempre ang gusto ko ay ang luto rin ng aking ina. Iba talaga ang luto ng mga ina.
ReplyDeleteHindi ko tipo ang adobo pero napatakam ako dito. Wew :D Lutuan mo kami at ang mahal mo. :)
ReplyDeleteAdobo with a little twist of Chinese style. Kakaiba ang adobo na ito. Mahilig din ako kumain ng Adobo, pero nagkakaiba rin tayo ng style ng pagluto ng Adobo. Adobong Ibaan ang tawag, ibang klase din ito dahil ito ay minana sa panig ng aking ina. Wala pa ring tutulad sa luto ng iyong ina.
ReplyDeleteDati pag fieldtrip yan lagi ang baon ko kasi daw hindi madaling masira. hehe. Saraaaap!
ReplyDeleteAng saraaap. :) Hahahaha!
ReplyDeleteHuwaw! Adobo. Yum yum :> Walang ganyan sa states. Haha. Sa Pinas lang meron nyan. Isa sa mga putaheng hindi madaling pagsawaan kahit araw arawin pa :P
ReplyDeleteGusto ko ito. Lalo na yung mayroong saging o pinya. Iyun ang isa sa mga masarap na luto ng aking lola. :D
ReplyDeletepaborito ko din 'to! ;)) lalo na pag medyo matamis :P
ReplyDeleteNapakasarap nito. Isa sa mga laging hinahanap-hanap ng isang pinoy:)
ReplyDeleteaww. adobo. saraappp. nakakatakam naman yan. di ako mahilig sa matamis n adobo. pero ung malasa at maraming bawang. oo. :) masarap un.
ReplyDeletehindi ganap na Pilipino kung hindi mo natutunang mahalin ang adobo. favorite of all time to kung baga. magaling! hehe
ReplyDeletewow ang saraaaaap :) haha kakagutom xD nice pinoy na pinoy!
ReplyDeleteWOW. Specialty ito ng aking ama. :) Kamiss!
ReplyDeleteTunay ngang masarap ang Adobo :) Pinoy na pinoy ang lasa. Mahusay! :))
ReplyDeleteMasarap nga talaga ang adobo, ngunit ako ay nagtataka sa Chinese style nyong Adobo. Grabe, ngayon lang ako nakarinig noon ha. Sana matikman ko naman once iyon. Feeling ko dahil sa iyong isinulat, katakamtakam nga ang adobong iyan.
ReplyDelete