Monday, November 22, 2010

TAYO’Y MAG-INGAT PARA SA PAGKAING-DAGAT ♥

Isang araw, may isang buntis na babaeng nakadungaw sa bintana ng kanilang simpleng tirahan, nang bigla siyang magkaron ng kakaibang labis na pananabik na kumain ng hipon. Hipon ang kanyang pinaglilihian habang siya ay buntis sa kanyang panganay na anak na babae. Kaya naman, noong Marso 30, 1994, ay ipinanganak na si Caitlin Anais A. Capiz, na isang hugis… hipon.

Bata pa lamang ako ay sinasabi nila, na tuwing ako’y natutulog, para bang hugis hipon at sobrang nakakurba ang aking katawan. Mukha daw akong sanggol na nakatira pa sa sinapupunan ng kanyang ina. Simula noon, natuto akong kumain ng hipon. Ngunit hindi lamang hipon ang aking nais ipakilala sa inyo ng lubusan. Ngunit ito ay ang… SEAFOOD PESTO PASTA.

Ang madalas na nakikita sa pagkaing ito, bukod sa pasta, ay ang hipon at pusit. Ang pesto sauce ay karaniwang ginagawa mula sa dinurog na dahon ng balanoy (basil leaves), bawang, asin, keso, at olive oil. Ang pesto ay kakaiba mula sa karaniwang ginagawang sauce ng mga pasta gaya ng tomato, meat, o white sauce dahil oil-based ito at talaga namang malusog sa katawan.

Maraming pwedeng ihalo sa isang seafood pesto pasta, at hindi lamang ang hipon at pusit. Andiyan ang tuna, na talaga namang hindi ka bibiguin. Andiyan ang manok, kung ang seafood ay masama sa inyong katawan. Pwede nyo ring lagyan ito ng nogales (walnuts) bilang palamuti.

Gaya ng ating pambansang putahe, ang adobo, walang hanggan itong pwedeng paghalu-haluin ng kung anu-ano pang sangkap upang ito ay iyong ikasiya.

 ♥ Caitlin Anais A. Capiz
1T5

32 comments:

  1. WOW! tunay naman na masarap ang putahe na ito. isa din ito sa aking mga paboritong pagkain. :))

    ReplyDelete
  2. sossy! haha.tama! maraming pwedeng idagdag dito..gaya ng pagmamahal ni cito kay cae, padagdag ng padagdag ng padagdag :)

    ReplyDelete
  3. Hindi ako masyadong kumakain ng pagkaing galing dagat. Ngunit, ang pagkain na ito ay magugustuhan ng mga mahilig kumain nito. Panalo din ito sa dami ng kanyang benepisyong pangkalusugan.

    ReplyDelete
  4. hmm! msrap ang pasta! masusutansya din ang pesto para sa lahat. mainam din ito sa mga nagddiet :)

    ReplyDelete
  5. Napakasarap nga ng Pesto Pasta,Larawan palang katakam-takam na lalo na at maraming hipon na sahog :))

    ReplyDelete
  6. Wow, pasta! Kahit ano pang pasta yan, basta't gawa sa pasta, siguradong masarap na. Minsan nga'y dadayuhin ko ang ibang lugar, matikman lang ang pesto pasta na ito :'>

    ReplyDelete
  7. Weeehh.. Nagutom ako sa picture pa lng! :) Hindi pa ako nakakatikim ng ganyan pero dati ko pa pinipilit ang aking ina na magluto ng ganyan kasi masustansya talaga pero ewan ko ba kung bakit hindi matuloy. Sa momi mo na lang ako magpapaluto. hehe Joke!Patikim ha? :))

    ReplyDelete
  8. SEAFOOD?Panigurado masarap to! Nakaka enganyong kumain picture pa lang. Lalo na siguro pag na amoy at nalasahan ko na ito. Hipon pa lamang ay napakasarap na pano pa kung sasamahan pa ito ng iba't ibang klase ng seafoods?tunay ngang napakasarap nito at masustansya pa.:)

    ReplyDelete
  9. Sarap! Love na love ko ang kahit anong Pesto! <3

    ReplyDelete
  10. WINNER! Pesto ang pinaka asam asam kong pagkain sa panahon na malamig. ewan ko ba bat ganon. dagdagan mo pa ng hipon. hmm. malinamnam!

    ReplyDelete
  11. Nice Cae! Bravo. Hehe. SARAAPPP!

    ReplyDelete
  12. Ganda ng blog. May story. :') Nakakakileg. Hahaha! Parehas tayo love ang Hipon, mahalin din nten sila. Hihi SAP!

    ReplyDelete
  13. Mahilig rin ako sa mga pastang gaya nyan, lalo pa nung nagluto ng ganyang pasta ang aking ate (:
    Malasa ito.

    ReplyDelete
  14. Grabbeee, nakakatakam tulooooy. Minsanan lang ako kumain ng seafood pero pag pasta game na game ako!

    ReplyDelete
  15. Nakakagutom nmn! :)
    Masarap tlga ang seafood especially sa pasta..

    ReplyDelete
  16. Isa sa aking paborito. PASTA! Nakakagutom naman Capiz. :D

    ReplyDelete
  17. Sarap, Sarap! :> Isa rin yan sa mga pagkaing hilig ko, ang seafood pasta. Ang sarap kase ng Seafoods na inihalo pa sa isa pang masarap na putahe o pagkain, ang pasta. At tadan, nabuo ang seafood pasta na soooobrang sarap! :D

    ReplyDelete
  18. Napakasarap ng seafood pesto. Maraming sustanya ang makukuha mula rito. :)

    ReplyDelete
  19. binigyan mo ako ng idea sa dinner namen mamaya...

    ReplyDelete
  20. Binabasa ko pa lang bigla akong nagutom, picture pa lang katakam-takam na! Isa sa mga paborito ko ang seafood pasta. Yummy!

    ReplyDelete
  21. Wow ang sarap basahin, kumpleto ang timpla ng kwento at resipi. Favorite ni Maxi yan.

    ReplyDelete
  22. Ang mga pagkaing-dagat ay tunay na masarap at masustansiya. Ngunit ang lahat ng sobra ay nakakasama.

    ReplyDelete
  23. Wow-Sabaw! Ang sarap! Di ako maka-kurap, kasi ako'y naglalasap! Sana'y iyong naririnig ang aking pag-Clap! :D Ang saraaaaap naman niyan, Laura. "Isang araw, may isang buntis na babaeng nakadungaw sa bintana ng kanilang simpleng tirahan, nang bigla siyang magkaron ng kakaibang labis na pananabik na kumain ng hipon. Hipon ang kanyang pinaglilihian habang siya ay buntis sa kanyang panganay na anak na babae. Kaya naman, noong Marso 30, 1994, ay ipinanganak na si Caitlin Anais A. Capiz, na isang hugis… hipon." Hipon ka ba? Maganda katawan, pangit mukha? Hindi naman, 'dba? :"> Ang ganda ng katawan at mukha mo! Kumain ka nalamang ng damo! Para hindi ka magmukhang gamo-gamo! =))

    ReplyDelete
  24. ate cae, ipagluto mo naman ako ng ganyan pag pumunta ka dito sa bahay. :) dati kasi nasusunog mo pa ung butter. hehe! :) i love you! mwah!

    ReplyDelete
  25. Hanep. Title pa lang nakakatawag pansin na. Good job. Ang sarap nitong pasta :)

    ReplyDelete
  26. Mukang masarap nga. Gusto ko din itry! Sa iyong mga sinabi ay nabighani ako kumain ng Pasta. Mahusay! ♥

    - RODE

    ReplyDelete
  27. angsarap!!! nakakagutom ang bawat salita.. :)) hurray seafood pesto pasta!!

    ReplyDelete