Tuesday, November 23, 2010

OH SO MINTY. :>


Kung mayroong maaring maikumpira sa dami ng tao sa ating planeta , iyon ay ang dami ng pagkaing matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sadya naming matatakam ang sino man kapag may pagkaing nakahain sa kanilang harapan.
 
Sabi nga nila kung hindi man lahat ay karamihan sa atin ay may “sweet tooth”. Kaya naman ang isa sa pinaka paborito kong pagkain ay ang tsokolate. Hindi ba’t hitsura  at amoy pa lang ay maglalaway ka na? Maraming iba’t ibang klase at hugis ng tsokolate. Mayroong pahaba, pabilog, pa triangle at mayroon ding milk chocolate, white chocolate, with nuts, with a hint of orange at marami pang iba. Ngunit ang paborito ko sa lahat ay yung dark mint chocolate. Maraming hindi maipaliwanag na kadahahilanan kung bakit tsokolate ang paborito kong pagkain. Mga rasong tulad ng nagdadala ito ng tuwa o saya kapag nalalasahan ko ito. Naghahalo ang tamis, pait, dulas ng natutunaw na tsokolate ang hint ng mint at marami pang iba sa tuwing kinakain ko ito. Ito’y kung minsay’y nakaka adik na. Kapag naumpisahan mo nang kumagat ay magtutuloy tuloy na ito hanggang maubos mo itong lahat. Base sa research, sabi nila ang tsokolate ay isang aphrodisiac” at nakakpag bigay ng “feeling of being in love.”

Ilan lamang iyan sa mga napaka raming rason kung bakit sadya namang katakam takam ang mga tsokalate. Kaya’t halina’t kagat na!


                                                        -carms ngo

12 comments:

  1. Masarap titigan yung cupcake kaya't naglalaway na ako picture pa lang. Gusto ko rin matikman yung Kitkat. :">

    ReplyDelete
  2. Minsan na akong nakatikim ng ganitong klaseng chocolate. Hindi ko nga lang matandaan kung anong tatak nun.Masasabi ko na talagang masarap ang ganitong tsokolate. Hindi lang puro tamis ang iyong malalasahan.

    ReplyDelete
  3. Mint kasama ng tsokolate, masubukan nga..

    Kakaiba din ang tsokolateng ito.

    ReplyDelete
  4. May kitkat pa lang mint flavor? Picture pa lang ng mga pagkain may mint, masarap na. Pano pa kaya pag tinikman na yan :>

    ReplyDelete
  5. pagkatapos kong mabasa ang iyong blog,masasabi ko na gusto mo iparating saamin na ang mga mintflavored chocolates ay isang kakaibang flavor=] and your saying that its a good thing:D
    and that flavor can do something in your life...i like it very much!
    mmmm.....kakatakam

    ReplyDelete
  6. mahilig ka tlga sa mints ;)) naalala ko nung 1st sem,lagi kang may dala na mentos :))) gusto ko din ang mga mint chocolates!! :)

    ReplyDelete
  7. nice :) masarap nga ang minty chocolates :D nakakatakam ang iyong artikel :D

    ReplyDelete
  8. cge kakagat na ako. mukang napakasarap nga niyang minty chocolates. :))

    ReplyDelete
  9. Sangayon ako saiyo na sadyang napakasarap ng minty chocolates. Marahil hindi lang ito bastang tsokolate na kadalasan nating natitikman, kase ito ay may halong lamig na para pang nakakapangfresh. Masarap at nakakatakam! :)

    ReplyDelete
  10. masarap talaga ang mint chocolates dahil hindi nakakaumay.. :))

    ReplyDelete
  11. wow sarap..tsokolate rin ang paborito ko tulad mo heheh :)))

    ReplyDelete
  12. Tamang chocolate. Ang sarap! Favorite ko din yan eh. Nakakabata ang chocolate you know? :P

    ReplyDelete