Isang maliit na bolang kulay kahel, ang bolang nagbibigay sigla sa bawat Pilipino. Ang bolang ito ay isa sa mga tanyag na bola sa Pilipinas. Ang hindi nakakakilala nito ay hindi ko matatawag na Pilipino. Alam mo ba kung ano ang bolang ito?
Ang bolang kulay kahel ay tinatawag na kwek kwek o tokneneng. Hindi lang ito isang bolang tanyag ngunit ito rin ang matalik na kaibigan ng ating mga tiyan. Gawa ito sa napakasarap na itlog ng pugong pinakuluan. Ito ay binalutan isang malapot na bagay na gawa sa pinaghalong harina, baking soda, at tubig. Ito rin ay binudburan ng alat ng asin at anghang ng paminta. Nilagyan rin ito ng pagkaing pangkulay na kulay kahel upang magbigay ng atensyon sa mga nakakakita nito. Isipin mo, ika’y mapapadaan sa mga tindahan at makita ang kulay kahel na bola, mapapaisip kang, “Ano kaya ito?”, “Masarap ba ito?”, “Matikman nga.” Hindi lang ito nakakaagaw-atensyon ngunit magtataka ka kung bakit ganito ang kulay ng pakain, maeengganyo kang tikman kung masarap at malinamnam ba ito, at hahanga ka sa itsura nito. Pagnatikman mo ito, tila ba’y ikaw ay mapupunta sa isang paraisong puno ng mga ibon, mga halaman at bulaklak, preskong hangin at malinaw na ilog. Mas mainam na kainin ito ng dahan dahan upang maramdaman ang bawat ninamnam ng pagkain. At sa sobrang linamnam nito, ikaw ay mapapatulala at mapapasabing, "Napakasarap!"
Para sa akin, ito ang aking matalik na kaibigan lalo na tuwing ako’y malungkot. Pagsinimulan ko itong kaiinin, nakakalimutan ko na lahat ng aking problema. Ito rin ang kinakain naming magkakaibigan pagkatapos ng napakahabang pagaaral sa eskwelahan. Ang bolang ito ang kasama ko sa hirap o ginhawa, kalungkutan o kasiyahan, umalan man o umaraw. Kasama ko ang mahiwagang kwek kwek dahil saan man ako mapunta tiyak mayroong kwek kwek sa tabi ng kalsada maging sa mga pampublikong pamilihan.
Ang kwek kwek ay hindi lang isang simpleng pagkain ngunit ang kwek kwek din ang isa sa dahilan ng aking ikinabubuhay. Buhay ko? BUHAY KWEK KWEK!
-Riana Frazil de Guzman
Hindi ako gaanong kumakain ng kwek-kwek. Pero sigurado ito ay isa sa mga masasarap na putaheng Pilipino. :D
ReplyDeleteMasarap talaga ang kwek- kwek. Una ko itong nakita sa tapat ng eskwelahan ko dati, talagang mapapaisip ka kung masarap ba ito kapag nakita mo ito sa unang pagkakataon, at mapapabili ka ng wala sa oras. Ngunit, hindi naman ako nabigo sa pagtikim nito, dahil talagang masarap ang kwek- kwek. :)
ReplyDeletenakakaattract yung kulay nito para sakin kaya hindi nakakatakit kainin di gaya ng mejo tustadong fishballs na may itim itim pa haha.masarap to lalo na sa matamis na sauce :D
ReplyDeletewag lang sosobra at masyadong madalas kasi masama ito sa ating puso:D
hindi ako talaga pwede kumain ng street foods. . pero na-i-try ko na ito, at ito nga ay masarap talaga.. :)
ReplyDeleteWii. Kwek kwek. Isa sa pinakapaborito kong street food :) Masarap to lalo na pag isasawsaw mo sa matamis nitong sawsawan na ang kwek kwek lang ang meron :D
ReplyDeleteOH MY GOSH, streetfoods! ♥ Sobrang sarap ng kwek kwek lalo na ng dahil minamarka nito ang ating pagiging Pinoy. :) Sarrrrap!
ReplyDeletewee. sarap. kakaen ko lang nyan nung isang araw. hehe. nkakamiss din pla yan mga gnyang pagkaen. sarappp.
ReplyDeleteNoon ay hindi ako kumakan nito. Dahil sa marami akong nakikitang mahilig dito at maging ako ay naenganyo ng kulay kahel nitong balot kaya naman sinubukan kong tumikim nito. Unang tikim pa lang ay masasabi kong napaka sarap talaga nito.Kaya naman nahilig na ako sa pagkain nito.:)
ReplyDeletesarap nito, masustansya pa :))lagi kaming kumakain ng kwek-kwek sa school dati after classes ;)
ReplyDeletenakakainis ka riana! napakamalinamnam at katakam takam ang mga litrato sa isinulat mo. npakasarap nga nito.
ReplyDeleteMasarap talaga ang kwek kwek. Sana sinama mo rin yung sauce kasi bihira ang mga taong kumakain ng kwek kwek na walang sauce.
ReplyDelete