Marami sa atin ang talaga namang mahilig sa pagluluto at sa pagkain ng iba’t ibang klase ng mga pagkain. Hindi rin tayo takot sumubok at tumikim ng iba’t ibang klase ng mga pagkaen tulad ng mga exotic foods gaya ng ballot, palaka, daga, ahas at iba pa. At sa tingin ko, mula sa dinami rami ng mga pagkaing ito ay mayroong isa o ilan ang pumukaw at nakakuha ng pansin sa ating mga panlasa at madalas na rin nating hinahanap hanap at gusting muling matikman. Sa madaling salita, ito ay naging atin nang paboritng pakaen.
Mula sa dami ng mga pagkain na akin nag natikman, masasabi ko na ang kare-kare ay ang aking naging paborito. Ang kare-kare ay isang putaheng Pilipino na kulay kahel. Ito ay karaniwang inihahain tuwing tanghalian na may kasamang bagoong alamang. Ang mga sangkap nito ay sitaw, petchay, talong, puso ng saging, atsuete, peanut butter at ang pangunahing sangkap na karne ng baka at oxtail. Ang mga hakbang sa pagluluto ng kare-kare ay una, kailangan munang pakuluan ang karne at oxtail ng ilang minuto upang ito’y lumambot at maluto. Itabi ang pinagkuluan nito pagkatapos. Ang susunod ay kailangang maggisa ng bawang at sibuyas at pag ayos na ay ilagay na ang pinakuluang karne at oxtail, maglagay din ng konting tubig na ginamit sa pagpapakulo ng karne upang maging mas malasa ito. Isama na rin ang peanut butter at atsuete, maglagay na rin ng iba pang mga pampalasa tulad ng asin kung kinakailangan at pakuluin ito ng mga 15 minuto. Pagkulo nito ay maaari nang ilagay ang mga gulay at muli itong pakuluin upang maluto ang mga gulay. Pagkatapos ay maaari na itong ihain sa mesa na may kasamang bagoong alamang at kanin.
Diba’t kaydali lang gumawa ng aking paboritonng pagkain? Kaya magluto na kayo at patikman nyo naman ako ng inyong niluto. Di lang ako mabubusog at magiging masaya, magiging malakas din ako dahil ang kare-kare ay isang putaheng napakasustansya at mayaman pa sa protina.
by: Precious Josephine L. Rigor
1T5
Kare-kare Saaaraaap!! Paborito ko din to'. Madalas ko itong i-request sa aking ina na lutuin sa bahay. Pano ba naman kasi lahat na andito. May gulay,laman ng baka o anu man at ang napakasarap nitong sarsa. May pagka mahirap man lutuin ay sulit naman dahil sa dalang sarap nito.:)
ReplyDeletePareho pa tayo seatmate. Haha. Eniways, magseatmate na nga tayo most of the times pareho pa posts natin. E kasi naman talaga, marasap ang kare kare. Lalo na pag sinaluhan pa to ng bagoog, SOLB na :)
ReplyDeleteBenta ng kare kare ahhh, masarap naman nga kasi ito, at ang lasa ay pinoy na pinoy na hinaluan pa ng malasang peanut butter (:
ReplyDeleteganda naman ng pagkakalarawan :) gisto ko din ang kare-kare :)
ReplyDeletemagaling. isang napakahusay na pagpili ng pagkaing Pilipino. tunay na isang masarap, malinamnam, at masustansiya ang kare-kare. maraming mga Pilipino, lalo na ang mga naninirahan sa Luzon, ang paborito ito. maliban sa katamtaman lamang ang pagka-matikuloso sa pagluto nito ay tunay na madali lamang sundan ang iba't ibang paraan ng pagluto nito.
ReplyDeletesa pagkakaroon naman ng alamang o kung ano pang mga pampalasa sa tabi ng plato ay lalong nagkakaroon ng disenyo at buhay gamit ang "contrast" sa kulay ng kahel na kulay ng sabaw ng kare-kare. binabati kita Bb. Precious.
para sa akin maganda ang paglalarawan mo sa iyong paboritong pagkain.
sarap nmn nito!nakakatakam! :))
ReplyDeleteang sarap naman !!
ReplyDeleteKare kare is the best!!:)
Kare-Kare.. ito para sa akin ay isa sa mga paborito kong pagkaing Pilipino, siguradong nakakatakam na kumain din nito lalo na kapag may kasamang bagoong..
ReplyDeleteMasarap talaga ang karekare. Dat'y hindi ako kumakain nito. pero nung isang beses na kumin kami sa isang restawran at natikman ko itong putahe ay talagang nagustuhan ko na :)
ReplyDelete