Naranasan mo na bang kumain ng pagkaing sobra- sobra sa sarap? Na sa sobrang pagkasarap nito ay ayaw mo nang tumigil sa pagkain at kahit wala ng laman ang kaldero ay naghahanap ka pa rin? Hindi ka nag-iisa. Ako man ay naranasan na iyon. Maaaring isipin ng ibang tao na sobrang takaw at gahaman ko sa pagkain pero wala akong magawa dahil naghahanap pa rin ang aking bibig ng kanyang paboritong pagkain. “Masarap kumain”, tila iyan ang motto ng aking pamilya. Kahit saan kami mapadpad ay hindi mawawala ang aming pagkasabik sa iba’t ibang klase ng putahe. Lahat ay aming tinitikman at kapag iyon ay swak sa aming panlasa, tiyak na iyon ay aming babalik-balikan. Lahat ng tao ay may kanya- kanyang hilig sa iba’t ibang klase ng pagkain. Ang iba ay tila choosy o mapili pa pagdating dito ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit natin nagiging paborito ang isang pagkain? Ito nga ba ay dahil sa lasa, kulay, tekstura o sadyang ito ay dahil lamang sa nagluto nito kaya ito nagiging espesyal?
Sa aking sitwasyon, lahat ng nabanggit sa itaas ay maiaaplay sa kung paano ko nagiging paborito ang isang pagkain. Pero teka, ano nga ba ang aking paboritong pagkain? Ito lang naman ang pinakamasarap, pinakamasustansya at pinakaespesyal na luto ng aking ina, ang Sinigang :) Bata pa ako noong una ko itong matikman. Pagkatikim ko palang ay nanabik na ako kaagad sa sinigang na sabaw pa lang, ulam na! Syempre, ang mga bata ay mahilig kumain ng mga pagkaing may sabaw at talaga namang kapag iyon ang aming ulam ay nakakailang sandok ako ng kanin. Nakalakhan ko ang pagkain ng sinigang ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang magsawa sa masarap na pagkaing iyon. Ngayong ako ay dalaga na, talaga namang loyal ako at sinigang pa rin ang paborito kong pagkain at nakakailang ulam pa rin ako sa tuwing ito ang nakahain sa aming hapag-kainan. Paano ko ba naman ito hindi magugustuhan e, lahat na yata ng hinahanap sa isang pagkain ay nasa sinigang na ng aking ina! Una, ito ay masarap at talaga namang napaka asim dahil may sampalok na inilalagay dito. Pangalawa, ito ay masustansya dahil iba’t ibang gulay ang narito. Mayroong kangkong, gabi, okra, labanos, kamatis at iba pa. Pangatlo, ito ay pinaghirapan lutuin ng aking mahal na ina na gumigising ng maaga upang kami ay may makakain sa aming paggising. Talaga namang napakaespesyal nito dahil ito ay gawa ng aking ina. Marami na akong natikmang iba’t ibang luto ng sinigang ngunit walapa ring ng tatalo sa sinigang ng aking ina. Mapa sinigang na baboy, sinigang na bangus, sinigang na baka, sinigang na manok, sinigang na hipon at iba pa. Marahil ay doon nahuli ng aking ina ang puso ng aking ama :)
Lahat ng tao ay may iba’t ibang panlasa. Kung minsan ay masarap na para sa isa ngunit may kulang pa rin para sa isa. Ngayon ko lang napagisip- isip na, ano nga ba talaga ang dahilan at nagiging espesyal sa isang pagkain para sa akin? Nalaman ko na ang sagot ay dahil ito sa aking ina na matiyagang nagluluto ng aking paboritong putahe, ang sinigang na minsan ay kahit marami siyang gagawin sa buong araw ay maglalaan pa rin siya ng oras maluto lamang iyon. Hindi ba’t napakaswerte ko? May paborito na akong pagkaing nakakain ko kahit anong oras ko man gustuhin, mayroon pa akong isang matiyagang ina na mahal na mahal ako at gagawin lahat makuha ko lang ang aking gusto.
- Jean Marie V. Bituin
Iba't iba ang diwa ng bawat luto ng isang bansa, at ang Sinigang ay isa sa mga pagkaing nagpapakita ng tunay na diwa ng lutong Pilipino.
ReplyDeleteMasarap din sumubok ng iba't ibang uri ng Sinigang, bukod sa pangkaraniwang baboy at hipon.
Siguradong nakakatakam ang pagkain nito.
sinigang na hipon. hmm. masarap!
ReplyDeletekahit na mejo makalat..pero pag yan tlga ang ulam..parang nagiging gahaman tlga ako sa pagkain. pareha tayo jean!=)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakasarap ng sinigang!:)
ReplyDeleteSang ayon ako sa iyong mga sinabi. Lalong nagiging masarap ang putahe kapag ang nag luto ay ang ating mga mahal sa buhay. Ang pagka asim nito ang nag papasarap ng sobra sobra. Ang mas maasim na sinigang ang nagiging mas masarap para sa atin.
masarap ang sinigang lalo na pag ito ay mainit.
napansin ko rin na mahilig ang mga Pilipino sa mga putahe na kakaiba at may malakas na panglasa. Pare pareho tayo:)
Masarap talaga ang Sinigang. Masarap kumain, mas lalo na kung mahal mo sa buhay ang nagluto. :)
ReplyDeletemahilig din ako sa hipon ;)) pero hindi ko pa natikman 'to.. subukan ko 'to minsan :)
ReplyDeleteFAVORITE KO SINIGANG! :-) Kahit anu sahog basta yung sabaw maasim game akoo! :))
ReplyDeletehindi ako mahilig sahipon ngunit sabi ng marami ay masarap ito.
ReplyDeleteNapaka sarap talaga ng sinigang jean!
ReplyDeletenatandaan ko ang luto ni tita. nakakamiss ang ating stc days!-Marta acebo
Jean! eto na ang comment ko!hahaha ang masaabi ko lang... masarap ang sinigang!hahahaha! bye!-maine singson
ReplyDelete