Sa labing pitong taon kong pamumuhay dito sa mundong ito ay marami na akong natikman, naibigan at kinaayawan na mga pagkain. Inaamin ko na ako'y isang matakaw na nilalang, pero kahit ganun ay napakamapili ko pa rin sa mga pagkain. Marami na akong kinahiligan na mga pagkain, adobo, pansit, barbeque at marami pang iba. Dahil na rin sa kadalasan ko itong kinakain ay nagsawa na rin ako ng tuluyan. Sa ngayon sobrang kinahihiligan ko ang napakasarap na tsokolateng "KITKAT". Para sa kaalaman ninyong lahat mas madalas kong kainin itong tsokolateng ito kesa sa mga nakaraan kong kinagigiliwan na mga pagkain. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay hindi ko kinasasawaan itong pagkain na ito. SIguro dahil sadtang masarap at malinamnam ang lasa nito.
Ang tsokolateng"KITKAT" na ito ay gawa sa wafer na binalutan ng matamis at masarap na tsokolate. Ang "KITKAT" ay kadalasang nabibili sa mga sari-sari store. Mabibili rin ito sa iba't ibang mga supermarket at iba pang mga tindahan sa paligid. Ito ay mabibili sa napakamurang halaga kaya madali lang makabili nito. Sa halagang sampung piso sa makakabili ka na ng isang piraso nito. Isang pakete naman sa halagang animnapung piso. Ang simpleng pagkain na ito ay maaaring makapagbigay ng protina sa ating katawan. Maaari rin itong mapagkuhaan ng enerhiya dahil ang isang balot nito ay nakapagbibigay ng 107kcal. Masarap ito lalung-lalo na kapag malamig ito at kinuha galing sa ref. Sa tuwing bibili at kakain ako nito ay nababawasan ang pagod ko at mukha mang ewan pero kung minsan ay tunay na napapangiti ako kapag kumakain nito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kumakain ako nito. Sa ngayon marami nang nauusong pagkain gawa sa "KITKAT", meron na itong ice cream, tea, donuts keyk at marami pang iba. Lahat naman ay masarap at walang masyadong nagbago sa lasa nito.
Sa totoo lang hindi ako mahilig sa matatamis noon dahil may lahing diabetic ang pamilya ko. Pero dahil na nga sa sarap ng "KITKAT" ay naging mahilig na akong kumain ng mga tsokolate. Alam naman nating lahat na ang pagkaing ito ay nakakataba, at kung minsan ay nakakasira ng ngipin, pero wala akong pakielam dahil masaya naman ako sa ginagawa ko at sinisigurado ko naman na hindi sobra at abuso ang pagkain ko nito. PROMISE masarap, matamis at malinamnam ang pagkaing ito. Sinisigurado kong masisisyahan ay masasarapan din kayo katulad ko. Kaya ano pa ang wineweyt niyo diyan?.. Bumili na kayo ng kiti-kiti KITKAT sa malapit na tindahan. :)))
(((: Krishna Katrina Kabigting <3
Nep sa title ah. Kiti kiti kitkat. Haha. Nako, masarap to. Isa to sa pinakamasarap at paborito kong chokolate sa lahat ng chokolate :)) Masarap ang pagkakahalo ng chokolate at wafer sa isang maliit na bar :))
ReplyDeleteuuuurh alam mo bang sa deskripsyon ko ng Torta delos reyes na paborito ko ay mahahalintulad sa kitkat?haha.eeee have a break have a kitkat is a must!haha.
ReplyDeleteUyyy, paborito ko rin yang kitkat! Lalo na yung wafer na nasa loob, pinasarap pa lalo ng tsokolate na bumabalot dito (:
ReplyDeletewow sarap naman niyan hahaha :))
ReplyDeletepenge naman ako niyan :)))
mahilig din ako sa kitkat :) anti-depressant ko 'to ;)) pakiramdam ko bumabalik lahat sa normal kpg nakakain ako nito ;))
ReplyDeletePinakapaborito kong chocolate ay ang Kitkat, dahil bukod sa affordable, kakaiba ang lasa kaysa sa ibang chocolate. ♥
ReplyDeleteKitkat... tsokolate sa wafer.. Hindi lang masarap at murang dessert. Masarap din ito dalhin sa paglalakbay.. :D
ReplyDeleteKITKAT! FAVE KO TO! Lalo na yung sa may dairy queen alam mo yun? MAsarap! Sakto lang sa panlasa di gaanong matamis kayapwedeng kumain ng maramihan ng di mauumay!
ReplyDeletenakakatakam naman ito :) grabe. sa tingin palang pakiramdam ko ako'y natutunaw,kasing tamis ito ng aking buhay pag-ibig :)) I LOVE IT <3
ReplyDeleteGusto ko rin niyang tsokolateng iyan dahil mura at masarap.:)
ReplyDeletewitwew. KITKAT. :"> sibrang sarap niyan. lalo na pag bigay lang. :)))
ReplyDeleteMasrap talaga ang Kitkat at abot kaya pa! Kahit saan eh makakabili nito, sa mall, supermaket, ministop, 7eleven o sa mismong suking tindahan at iba pa. Kaya, "Have a break, have a Kitkat" :)
ReplyDeletehahahha! hindi ka na tlga ntigilan diyan sa kitakat ah :)) napakasarap nga niyan. at sigurado pa itong abot kaya ng bulsa :)
ReplyDeletekitkat!!!srap nyan..kahit anong chocolate gusto ko.:)))
ReplyDelete