Sunday, November 21, 2010

Amoy at Itsura pa lang, Busog ka na! :)




            
           Napakaraming klase ng pagkain na pwede nating pagpilian, ngunit kahit gaano pa man karami ang pagkain sa mundo ay mayroon ka pa ring masasabing pagkain na sadyang paborito mo. Maaaring ito ay matamis na pagkain o maalat, may kaniya- kaniya tayong panlasa pagdating sa pagkain. May mga tao namang mahilig sa maaanghang na putahe, kagaya ko. Ang paborito ko talgang ulam ay Caldereta, mapa- Calderetang Baboy o Calderetang Baka, basta Caldereta ay talagang kakainin ko, dahil sa manamis- namis na lasa nito na sinamahan pa ng anghang na talgang gustong- gusto ko. Kaya siguro ako nahilig sa mga maaanghang na pagkain ay dahil sa Caldereta. Ngunit, anu- ano nga ba ang mga sangkap ng isang masarp na Caldereta? Paano ba ito gawin?

            Naging paborito ko ang Caldereta dahil sa aking Ninang Thess, na talagang napakasarap magluto ng kahit anong klase ng pagkain, mas lalo na pagdating sa pagluluto ng Caldereta. Ayon sa aking nanay at Ninang Thess ang mga sangkap ng Caldereta ay ang mga sumusunod: bawang, sibuyas, siling pula, baboy o baka, patatas, pickles, tomato sauce, toyo, reno, keso, paminta, at suka. Ang mga dapat naming sundan para sa pagluluto ng masarap na Caldereta ay ang sumusunod: Hiwain ang baka o baboy na pang- Caldereta. Gisahin ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika, at lagyan ng paminta. Isunod ang baka, manok o baboy, pagkatapos palambutin ng baka, manok o baboy, ay ilagay ang gulay at siling pula, pagkatpos ay haluin, pagkatapos ay lagyan ng toyo na naaayon sa’ inyong panlasa. Matapos haluin ay ilagay na ang tomato sauce, reno, keso, at pickles, at muli itong haluin hanggang sa ito’y maluto. Timplahan ng konting anghang, maaari itong lagyan ng chili pepper o sariwang siling labuyo. Bago ito hanguin ay lagyan ito ng konting patak ng suka upang hindi kaagad mapanis ang inyong Caldereta. Maaari na itong ilagay sa isang malinis na lalagyan at ihanda sa’ inyong hapag kainan. Simple lang gumawa nito. Masarap na masustansya pa dahil sa mga sangkap nito, kagaya na lamang ng patatas na mataas sa “potassium content”, ang “bell peppers” naman ay mayaman sa “vitamins A at C, kaya naman talagang masustansya ang pagakain ng Caldereta.  

                         Ang Caldereta ay isa lamang sa mga pagkain na ating nakuha mula sa mga Kastila, na naging parte na ng mga handaan o okasyon sa Pilipinas. Masasabi ko na isa ito sa magagandang naiambag nga mga Kastila sa’ tin, ang kanilang mga pagkain. Matagal na putahe na ito ngunit ang lasa ay binabalik- balikan pa rin. Nakakagutom talaga kapag pagkain na ang pinag- uusapan. Ikaw anong paborito mong pagkain? 

                                                                              - Katlyne O. Bundal, 1T5.  

14 comments:

  1. ang masasabi ko la,ng ang sarap kumain!(haha XD) isa yan sa paborito kong pagkain! natitiis ko pa ang spiciness nyan! ^_^

    ReplyDelete
  2. sarap talaga ng caldereta lalo na kung maanghang! :)

    ReplyDelete
  3. Larawan pa lang,parang ginugutom na ako..paborito ko rin kasi ang Caldereta na luto ni mama :)))

    ReplyDelete
  4. "caldereta" food for the heart...tunay ngang napakasarap naman ng caldereta...:))

    ReplyDelete
  5. ahh!! caldereta! isa sa mga paborito ko. lalo kapag malapot ang sabaw. minsan may liverspread pa. TAGUMPAY kamo.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. wii. sarap naman. kakagutom. sabaw pa lang ulam na ^^

    ReplyDelete
  8. Caldereta, isa sa mga paborito kong pagkaing Pilipino. Isa sa mga masasarap na ihapunan. :D

    ReplyDelete
  9. Masarap nga talaga ang Caldereta. Mahilig din ako diyan kasi masarap siyang iulam. Sa totoo lang, kahit wala akong alam sa pagluluto at wala akong balak buksan ang recipe book, tila nabuksan ko ito ng di sinasadya nangg ako ay maengganyong basahin ang iyong gawa.

    ReplyDelete
  10. caldereta! ;)) sarap naman nito, kat :'>

    ReplyDelete
  11. Caldereta? Isa ito sa paborito kong pagkain sa bahay. Mahilig kasi kami ng aking kapatid dito kaya naman laging nagluluto ang aking mommy nito. Masarap ito kapag medyo maanghang.:)SARAP!

    ReplyDelete
  12. WOW CALDERETA. Ang sarap niya lalo na pag tamang tama ang timpla! :)

    ReplyDelete
  13. Nakakagutom tuloy. Hehe.

    ReplyDelete