Wednesday, November 24, 2010

Bicol Express: Tikman ang tunay na sarap!

Bawat isa ay may sari-sariling hilig na pagkain. Magkakaiba ang mga gusto natin depende na lamang sa kapaligiran at kulturang kinagisnan natin.



Gaya ko, hilig koang pagkaing Bicol Express. Ito ay ang espesyal na putahe na nagmula sa Bicol. Sinasabi na gawa ito ng isang babae na nagngangalang Cely Kalaw na nagmula sa Laguna. Nag mamay-ari siya ng isang restawrant sa Malate,Manila. Noong tatlong taong gulang pa lamang siya, nagpunta na ang kanyang pamilya sa Bicol. Nang siya'y lumaki na, nagbalik siya sa Maynila at ginawa niya ang putaheng ito. Pinangalan niya ang Bicol Express sa tren na bumibyahe mula sa istasyon ng Paco papuntang Bicol.



Ang Bicol Express ay gawa sa baboy, sili, gata, bagoong,sibuyas at bawang. Ito ay napakasarap kahit medyo maanghang. Bawat subo mo ay mapapabilis dahil sa mga sili na iyong nakakain. Batay sa mga mananaliksik, ito ang nutrisyon na iyong makukuha sa Bicol Express:
                                                
Calorie666.45
Protein24.75g
Fat59.90g
Water185.37g
Sodium1138.83mg
Cholesterol124.08mg
Carbohydrates6.26g
Fiber1.69g
Vitamin A863.12IU
Vitamin C64.85mg
Calcium54.68mg



Kaya ano pang hinihintay ninyo, tara na't kumain ng Bicol Express!




MINDANAO, RODERICK H.
1T5


13 comments:

  1. Litrato pa lang, nakakagutom na. Oh sadyang gutom lang talaga ako. :P Kumpleto ang sanaysay, kasama ang history pati kalusugang naidudulot. Two thumbs up. :bd :)

    ReplyDelete
  2. Tunay nga na masarap ang Bicol express. At kitang-kita nmn sa iyong post ang proweba na hindi lng ito masarap kundi masustanya rin! :)) At talagang kinewnto mo pa ang alamat ah. Haha :)

    ReplyDelete
  3. Nakakagutom, litrato pa lang. Magaling! =)

    ReplyDelete
  4. Masarap ang Bicol Express ngunit hindi ako masyadong mahilig sa maanghang na pagkain kaya't paminsan minsan lamang ako kumakain nito. :)

    ReplyDelete
  5. Bicol Express.. niluluto nga namin yan sa bahay. pero hindi ako masyadong kumakain ng mga maanghang na pagkain.

    ReplyDelete
  6. hindi ako kumakain niyan pero sa tingen ko sobrang sarap niyan :)))

    ReplyDelete
  7. Hindi ako masyadong mahilig dito. Minsan ko lang kasi na tikman ito. Pero kung titignan ko kumain ang iba nito ay alam ko na napakasarap nito.

    ReplyDelete
  8. Ang Bicol Express ay isang maanghang na putahi. Ngunit pag ito'y natikman ito'y siguradong masarap at masustansiya.

    ReplyDelete
  9. Di pa ako nakakatikim neto. Pero sa tingin ko naman at sabi rin ng iba, sobrang sarap daw. Mas masarap ito lalo na kung sa Bicol mismo ka kakain :P

    ReplyDelete
  10. Magaling! Parehas tayo! Mahilig akong kumain ng maaanghang!! :)) Bicol Express, natitikman ko lamang ito nung ako'y hayskul dahil madalas ito ang menu sa aming canteen! Masarap talaga ang Bicol Express! Gusto kong pumunta sa Bicol, kung saan maanghang talaga ang putahe na ito!

    ReplyDelete
  11. Kahit hindi ako ganun kahilig sa maaanghang na pagkain..sa tingin ko'y napakasarap ng bicol express na ito at deserving na tangkain kong tikman..

    ReplyDelete
  12. kahit minsan ay hindi pa ako nakatikim ng bicol express kasi hindi talaga ako mahlig sa mga maaanghang na pagkain :) pero dahil sa ganda ng pagkakalarawan, nais ko nang subukan ito :) larawan pa lang, mukhang masarap na :)

    ReplyDelete
  13. WEH Dek! HAHA! Sarap namaaaaaaaaaaaan! :)) Nakakapayat kasi pagpapawisan! Yey! XD

    ReplyDelete