Thursday, November 25, 2010

"A Chocolate doesn't make the world go round, but it certainly makes the trip worthwhile."

Ano nga ba ang MAS matamis, ang pag-ibig na nabuo sa dalawang taong tunay na nagmamahalan o ang tsokolateng naging daan upang mapasaya mo ang taong iyong minamahal?  


Karamihan sa atin ay mahilig kumain ng tsokolate-mapa-Milk Chocolate, White Chocolate, Dark Chocolate, atbp. Ngunit, hindi ba't masama ito sa ating kalusugan? Para sa akin, hindi ito masama basta't wag masyadong marami ang iyong kakainin dahil masama sa ating kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis at wag din naman kulang dahil sayang ang perang iyong ipinambili para sa tsokolateng iyon. 


Isa ako sa mga tao na sobrang lakas kumain ng tsokolate. Madalas akong bilhan ng aking ama ng mga paborito kong tsokolate-KitKat, Toblerone, Cadburry, M&M, Crunch, Ferro at Hershey's. Palagi akong mayroon stock ng mga tsokolate sa aking kabinet. Kaya kong mabuhay sa isang araw na tsokolate lamang ang aking kinakain basta't hindi ito Dark Chocolate at wala itong raisins. Kahit na araw-araw ako kumain ng tsokolate ay hindi pa din ako nagsasawa at nagkakasakit nang dahil sa sobrang pagkain ng tsokolate. Ngunit, may pinipili din naman akong tipo/klase ng tsokolateng nais kong kainin buwan-buwan. Sa ngayon, mag-ttalong buwan ko ng 'Flavor of the Month' ang tsokolateng Crunch. Kumakain pa din naman ako ng iba pang tsokolate ngunit, ito pa din ang aking hinahanp-hanap.


Bakit ko nga ba MAS nahiligan pa ang tsokolateng ito kaysa sa iba pang mas masasarap na tsokolate sa mundo? Ano nga ba ang istorya sa likod ng aking pagkahilig dito? Naalala ko pa noong Septyembre 27, 2010, Lunes, huling klase na namin sa araw na iyon ay bigla akong nag-crave sa tsokolateng Crunch. Hindi ko alam kung bakit pero biglaan nalamang iyon kahit na medyo busog pa ako sa aking kinain na merienda. Isinabi ko sa aking pinakamamahal, pinakamapagmahal, pinaka-loyal, pinakamasunurin at pinakamabait na kasintahang si Nicko na paki bilihan ako ng Crunch since ako ay nasa klase pa at siya'y kakatapos pa lamang ng klase. Agad siyang bumili ng tsokolateng ito at dinala sa aming gusali(building). Nagpaalam ako sa aming propesor kung maaari ba akong makalabas sandali at pinayagan naman niya ako. Pagkababa ko ay agad ko siyang pinuntahan sa tapat ng aming gusali at nang kanyang ibinigay ang supot na may lamang mga tsokolate ay inutusan niya pa ako na bilangan ko daw kung ilan ang bilang ng mga tsokolateng kanyang binili. Agad ko naman itong binilang at sa laking gulat ko ay labing-isa ang aking pagkakabilang. Mahalaga para sa amin ang numerong iyon kaya't ako naman ay na-tats (touched), kinilig ng kaonti at sobrang natuwa. Matapos noon ay nagtawanan kami. Makalipas ang ilang minuto ay sinabi ko sa kanya na paki hintay na niya ako since ilang minuto nalang naman at tapos na ang aking klase. Bigla naman siya sumagot at sinabing mayroon siyang praktis sa basketbol. Hindi nalamang ako umimik dulot ng aking pagkalungkot dahil gusto ko pa siya makasama. Nang kanyang napansin ito ay agad naman siyang bumawi at sabay sabi na hihintayin na daw niya ko matapos sa aking klase at magbibihis na lamang siya habang naghihintay sa akin. Ako'y sobrang natuwa sa magandang balitang iyon kaya't kami ay nag-dikit  na ng cheeks at umakyat na ako sa aking klase. Pagkadating ko ay agad kong ibinahagi ang mala-fairytale na istoryang iyon sa aking kaibigan at katabi na si Abigael Ferrer-o. Sa sobrang kasiyahan at katakawan niya ay kinain niya ang halos isang buong bar ng tsokolate. Natuwa naman ako sa kanya at sinabi ko na lamang na sa kaniya na 'yun basta't ibalik na lamang niya sa akin ang supot ng tsokolate. Matapos ang aming klase ay pinuntahan ko kaagad si Nicko sa baba. Kami ay nag-stay at nag-usap muna sa tapat ng field para hintayin ang akin sundo. Madalas din nangyayari na matagal dumadating ang aking sundo kaya naman madalas din kaming nag-aaksaya ng oras kasama ang isa't isa, wala kaming magawa kundi kumain, magtawanan at magkulitan na parang mga bata. Nang dumating ang aking sundo ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Ang huling mga salitang binitawan ko sa kanya ay mag-ingat siya sa kanyang pag-uwi at madaming salamat sa mga tsokolateng kanyang ibinigay. Sumagot naman siya na walang anuman iyon at gagawin at ibibgay naman daw niya ang lahat basta para sa akin. ( :"> Hihihi. )


Saan nga ba maaring mabili ang NestlĂ© Crunch na ito? Kahit saan kang pamilihan (Malls, Groceries, Sari-sari stores, etc.) pumunta ay maari kang makabili ng tsokolate. Kung ikaw ay gutom na at nais mong makakain ng Crunch ay maari kang pumunta sa pinakamalapit na grocery o mini-grocery(7-11, Mini Stop, etc) sa inyo. Ngunit, kung ikaw ay pupunta sa inyong pinakamalapit na tindahan ay wala kang mabibiling Crunch dahil ang presyo nito ay hindi kasing mura ng kendi at biscuit. 

25 comments:

  1. Ang habaaaaaaa! :o Pero ang ganda ng istorya at napakatouching. As in soooobra! ♥ Ang sarap ng Crunch! :">

    ReplyDelete
  2. "A Chocolate doesn't make the world go round, but it certainly makes the trip worthwhile."

    Titulo pa lang ay siguradong masarap na. Ang tsokolate ay tunay na masarap lalo na't kung ito'y may kasamang nakaraan..

    ReplyDelete
  3. Ang habaa ah :) Tunay na walang tao sa mundo ang makakahindi sa mga chokolate lalo na ang CRUNCH. Isa ito sa mga paborito kong pinapapak kapag ako'y masaya o namromroblema >;)

    ReplyDelete
  4. Napakasarap ng Cruch. Tamang tama lamang ang lasa nito. Hindi gaano katamis ngunit sobrang sarap. :)

    ReplyDelete
  5. Sarap naman!! Matamis ngunit hindi gaano. Tamang timpla at sarap ang binibigay ng crunch! Lalo na kung ang minamahal mo ang nagbigay. Extra-special itong maituturing!
    Gandang paghayag ng storyaaaa sa likod ng Crunch! Yieee! :"> Good job! :) <3

    ReplyDelete
  6. tsokolate! napakasarap niyan at mura pa!

    ReplyDelete
  7. pareho tayo ellah na may flavor of the month kung minsan :D
    nakakainspire yung relevance ng crunch sa buhay pag ibig mo :D buti di ka tumataba kahit napakahilig mo sa chocolates :D

    ReplyDelete
  8. Parehas tayo ng paborito! Napakasarap at tamis naman talaga ng chocolate. Ang sobrang pagkain nito ay makakasama sa atin kaya naman dapat ay controlin natin ang pagkain natin nito. Napaka SWEET naman ng istorya mo:))

    ReplyDelete
  9. Wow, ang daming mong kwento kapag may kasama kang tsokolate. Sinong taong hindi mahilig sa tsokolate? Maliban lang dun sa mga may problema kapag kumain nito. At ang Crunch ay isa sa mga paborito kong brand ng tsokolate.

    Naisip ko tuloy bumili ng Crunch.. :D

    ReplyDelete
  10. chocolates, tunay na katakam takam..konti nga lang ang kainin mo na ganito..siguradong hyper ka na agad. bawing bawi na ang pagod at stress.=)

    ReplyDelete
  11. Ang sweet nmaan ng storya ng iyong paboritong chocolate. :) Hay ang sarap naman kumain ng chocolate kung gnyan. :"> Hihi! Gsto ko tuloy ng Crunch! :P

    ReplyDelete
  12. Ay, naalala ko to. :)) Sayang nga lang hindi ko natikman, SPECIAL pa naman. Haha. Ang sweet at nakakatouch ang iyong blog :)

    ReplyDelete
  13. hahaha... pareho pala tayong ayaw sa dark chocolate at chocolate na may reisin. sa bahay din namin marami rin akong stocks ng chocolate. :)) sarap niya lalo na kapag wala kang magawa tapos gusto mo lang kumain...

    hahaha... grabe din yung love story nyo ha. talagang may paghuhugutan ang iyong sanaysay XD

    ReplyDelete
  14. Okay to, masarap na kayang kaya pa ng bulsa. =)

    ReplyDelete
  15. ang sweet naman nito :)) sarap niyan sobra.. khit ako'y hindi maiiwasan na mapatikim kapag nakita na ang CRUNCH. haha!

    ReplyDelete
  16. Alam ko yan ella :) :"> soooo sweet! Ganda nakakatouch! Saraap nyan gusto ko din . penge! hehe. Sino kaya magbibigay sakin ng crunch? hmm...

    ReplyDelete
  17. Ang sarap tlga ng chocolates..
    ska ang sweeeeet mu Ella :))))

    ReplyDelete
  18. crunch :"> :bd napaka-sarap, sweet.
    kasing sweet ng blog mo, grabe! :">

    ReplyDelete
  19. Ang sweet, gaya ni Ellah na sobrang matamiiis! :>
    Sadya nga naman nakakainlab ang chocolate lalo na kung nanggaling pa ito sa taong iyong minamahal! Galing ellah. Thumbs up! :">

    ReplyDelete
  20. basta chocolate masrap! :))) sweet dn, katulad ng story nyo...:) nice!

    ReplyDelete
  21. gusto ko din ng chocolates :))...ang sweet naman nito..:))
    you=sweetness!!!!

    ReplyDelete
  22. ang habaaaa!! HAHA pero aww, ang sweet pa din BUTI KA PA. Ahem ahem. HAHA. Favorite ko din yung crunch. di siya nakakasawa. :)

    ReplyDelete
  23. SARRRRRRRRAAAAAAAAAAAAPPPP! x) Favorite ko din 'to! Ang sweet mo parang yung chocolate. HAHAHA! :">

    ReplyDelete
  24. Pinaka masarap na chocolate na natikman ko!
    Nice blog, Ella :))

    ReplyDelete
  25. Special mention pa me. :"""> Hahaha Epal mo! Ang sarap sarap talaga ng Crunch kaya favorite natin to Sis Star e. Hihi. Lalo na kung may effort kaya balikan na. :">

    ReplyDelete