Wednesday, November 24, 2010

Hibla, Haba ng saya~~~~~~~~~




(Iniluto ni Sheila Mae Lao)  
Gaano man kahaba ang buhay ng isang tao meron itong wakas. Darating ang araw na matatapos lahat, at pagdating ng araw na yon magkakaroon ng bagong mundo at lahat tayo ay mabubuhay ulit. Naniniwala ako sa mga sinasabi ng ilang pilosopo na nabubuhay ulit ang isang tao sa katauhan ng iba pagkatapos ng 25,000 years, tinatawag itong "reincarnation". Ngunit di lahat naniniwala dito, tulad na lang ng mama ko. Kaya naman lagi niya kaming pinapakain ng pancit. May lahi kasi kaming Chinese kaya mahilig ang pamilya ko dun, ewan ko ba, pero parang ako lang ata ang may ayaw dito. Kaya naman kapag New Year na at pinapakian kami ng pancit para "humaba" daw ang buhay namin e humihiling na lamang ako sa nanay ko na sana SPAGHETTI na lang ang iluto niya, masarap naman yun at gusto rin naming lahat. Nahilig ako sa spaghetti simula nung......simula nang magkaisip ako. Masyado kasi siyang masarap, lalo na kapag sobrang dami ng cheese at sauce, kapag kinakain ko ito para akong lumulutang sa hangin gamit ang mahahabang hibla ng noodles na pinagtagpi-tagpi at ginawang magic carpet. Sa katunayan nga, kapag nalalaman na naming magluluto ng spaghetti ang mama ko ay tumutulong kami sa pagluluto para mapabilis at makakain na agad kami. Bawat mahahalagang okasyon ay di kumpleto kung walang spaghetti sa hapag kainan.

Lahat tayo gusto ang spaghetti, sino ba naman ang may ayaw nyan? Kaya naman nagbibigay pugay tayo sa taong nagdala nito sa europa na si Marco Polo. Matagal na tradisyon na sa Italyaang pagkain ng Pasta at isa na dun ang Spaghetti. Meron na rin nito sa China noong 13th century pa. At ayon sa Greek Methology, ang Greek God na si Vulcan ang nag-invent ng isang device na gumagawa ng mahahabang hibla ng dough. Hindi makukumpleto ang spaghetti kung walang tomato sauce, at ibat-ibang sangkap na lalo pang nagpapasarap dito. 

Simple lang naman ang paraan ng pagluluto ng spaghetti ng nanay kko. Una ay pakukuluan ang tubig at pagkatapos ay ilalagay ditto ang noodles upang lumambot ito, haban hinihintay ang noodles ay ilagay naman sa isang kawali ang tomato sauce kasama ng hotdog at giniling na karne. Hintayin itong maluto at kapag luto na lahat pwede nang ihain sa hapag, at di dapat malilimutan ang keso na lalo pang nagpapasarap dito.

Masarap kumain ng paborito nating pagkain, kaya naman pahalagahan natin ito at wag sayangin, tandaan na maraming bata ang nagugutom sa panahon na ito. Mahalaga ding magbigay sa kapwa nang malasahan nila ang sarap ng buhay sa pamamagitan ng paborito mong pagkain.

15 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. hope to taste this! looks yummy! haha. :)

    ReplyDelete
  3. tama! masarap talaga kainin ang ating paboritong pagkain.. lalo na ikaw, alam kong paborito mo ang lahat ng pagkain. :p

    ReplyDelete
  4. Ubod ng sarap ang spaghetti. Pareho tayo na mas gusto ang spaghetti kaysa sa pancit. Natuwa rin ako sa iyong mga huling salita. Masasabi ko na isa ka talagang tao na malapit sa pagkain.

    ReplyDelete
  5. Spaghetti na gawa mo.. masubukan nga.. alam ko masarap ang spaghetti, pero maganda kung ikaw mismo ang magluluto nito.. Two thumbs up sa iyo..

    ReplyDelete
  6. masarap ang spaghetti gaya nyan!

    ReplyDelete
  7. Ang sarap namn!!!
    The best tlga ang spagehtti!!YUMM

    ReplyDelete
  8. masarap nga naman talaga ang spagetti. kaya nga halos lahat ng Pinoy, ito ang nakahain kapag may birthday diba?

    ReplyDelete
  9. Tama ka, masarap nga talaga ang Spaghetti, lalo na kapag puno ito ng keso at sauce. Yun kasi ang pinakapaborito ko sa spaghetti eh. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa spaghetti. Kitang-kita naman iyon sa mga handaan. Di pwedeng walang kaarawan na walang Spaghetti. :))

    ReplyDelete
  10. sarap nman nian!!!!!! tlgang hindi nkakasawa ang spaghetti :)) mapahandaan man o hindi. sguradong pasok sa panlasa ng lahat :)

    ReplyDelete
  11. parang yung niluto lang natin ah..hmmm..napakasarap nga talaga nniyan..simula nung bata pa ako eh mahilig na ko jan..at hindi pa rin yun nagbabago kahit ilang taon na ang lumipas..

    ReplyDelete
  12. Spaghetti, memorable pala ito sa'yo Sheila. I also love spaghetti. Kahit ano naman yata na pagkain kakainin ko haha. I hope to taste your creation soon :)- Erwin Almazan 2

    ReplyDelete
  13. ..nice.. nag-iimprove ka na ha..
    ..patikim ako nyan ha..
    ..congratz Shao.. :)
    ..galingan mo pa :)

    ReplyDelete
  14. wow....ang sarap nmn nyan.....nka2gu2m ahhH.........nc nc

    ReplyDelete
  15. Good choice Sheila! Sure akong yummy spaghetti yan, ikaw gumawa eh! Patikimin mo kaming mga wawa's mo n'yan ha? Heheh, juk2x. Keep up ganda!

    ReplyDelete