Tuesday, November 23, 2010

Pinoy Custard (:



Alam niyo ba na ang Leche Flan ay nagmula sa salitang espanyol- "leche" na ibig sabihin ay gatas, at "flan" na ibig sabihin ay matamis na panghimagas? Ito ay isang pagkaing matamis na Custard sa ingles, at ang custard, kapag tinagalog ay letseplan o mas sikat sa tawag na Leche Flan. Ito ay pagkaing Pinoy na madalas makikita sa hapag lalo na kapag may okasyon, gaya ng pasko, bagong taon at mga kaarawan.


Mahilig ako sa simple lang, gaya nito, madali pa gawin at hindi mahal ang mga sangkap na kelangan dito. Hilig ko ang pagkain ng mga matatamis dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam at sa sarap ay nasisiyahan ako. Hindi lang dahil sa sarap ng Leche Flan  ko ito nagustuhan, isa na rin dito ang mga pangyayaring naalala ko sa tuwing kumakain ako nito, lalo na yung mga panahong kasama ko ang aking pamilya habang kumakain. Sa sobrang dalas gumawa ng Leche Flan ng mama ko ay lahat kami sa pamilya namin ay marunong nang gumawa nito.


Maaari rin namang lagyan ng kahit ano ang ibabaw ng Leche Flan, depende sa nais mo, gaya ng prutas.
Maaari mo rin itong gawin na may iba't-ibang hugis. Ang alam ko lang, masarap ang leche flan kahit ano pa man ang twist nito.

                                                                                                         Eya, Jessica (:


20 comments:

  1. SARAAAAP! Isa sa mga pinakapaborito ko tong panghimagas. Mas lalo itong sasarap kung lulutuin sa tamang temperatura at mailalagay o maitatabi rin sa temperaturang ayon dito :) Hindi nakakasawa ang tamis kahit na sobra man o kulang dahil sa kakaiba nitong sauce :))))

    ReplyDelete
  2. ang sarap naman, larawan pa lang ;))ganda din ng pagkakalarawan :)

    ReplyDelete
  3. Talagang masarap na dessert ang Leche Flan, ito ang isa sa mga maipagmamalaking pagkain sa buong Pilipinas. Sinong Pinoy ang hindi mahilig na kumain nito?

    ReplyDelete
  4. haha, sarap nito, fav. ko to bata palang ako

    ReplyDelete
  5. isa samga paborito kong pagkain
    hindi nakakasawa ang kumain ng leche flan :)

    ReplyDelete
  6. Isa ito sa mga pinaka paborito kong pagkain..
    ang sarap sarap tlaga ng Leche flan :))

    ReplyDelete
  7. 20th century pa pala ito! edi pwede ring lagyan ng ice cream as toppings ito XD hahahaha!

    ReplyDelete
  8. Akala ko kung anong Pinoy Custard, leche flan lang pala. :"> SARAP! ♥

    ReplyDelete
  9. ANTSARAP ! PENGE NAMN NYAN ! natatakam ako.

    ReplyDelete
  10. Masarap talga to.Favorite dessert ko to eh.:)

    ReplyDelete
  11. Masarap talaga ang Leche Flan, isa ito sa mga paborito kong desserts. Hindi ito nawawala sa mga handaan o okasyon dito sa Pilipinas, talagang Pinoy na Pinoy ang dessert na ito. :)

    ReplyDelete
  12. yummy! share ka naman! :P

    ReplyDelete
  13. Lecheee Flaaaan!!! Isang napaka-sarap na panghimagas. At hindi ito nawawala sa kultura ng mga Pilipino! Masarap naman talaga ang Leche flan. Mas gusto ko ito kapag medyo mapait ang arnibal. Hahahaha!!

    ReplyDelete
  14. Masarap at manamis namis ang leche flan. Nakakatakam ang mga larawan. :)

    ReplyDelete
  15. wow .. mukhang masarap yan aa ..
    sino kaya maglu2to pra sakin nyan .. :D

    ReplyDelete
  16. masarap talaga ang leche flan.. madali rin itong gawin..

    ReplyDelete
  17. ang sarap naman niyan! isa rin yan sa mga pagkaing tlgang nagpapatakam sa akin. kung ako lang ay ilang ganyan siguro ang aking makakain sa isang araw :))

    ReplyDelete
  18. Ang sarap sarap naman nito Seatmate! Maraming ganito sa Pasko or New Year. Dala ka aa? Tas pahingi ako. Haha. Ganda ganda ng blog. Galiiiing mo. :) Goood job! :P

    ReplyDelete
  19. eya eya eya..masarap EYAn!
    napakatamis nEYAN!
    pinoy na pinoy at di EYAn nawawala sa fiestang pinoy.

    ReplyDelete
  20. peborit ko yan.... hahaha sarap2!!!
    :))lalo na ng kapatid kong si jeya...

    ReplyDelete