Saturday, November 20, 2010

Laso ng Buhay, Lasa ng Tagumpay

Isinulat ni Kimberly Suzanne M. Tecson

         
          Ang salitang “Cordon Bleu” ay nagmula sa wikang Pranses na ang ibig sabihin ay “blue ribbon” o “asul na laso”. Ang asul na laso ay ang kumakatawan sa tagumpay ng mga babae sa pagluluto. Ito ang aking mga nalaman sa aking paghahanap ng “recipe” ng Cordon Bleu. Ito ang palagi kong pinapaluto sa aking ina tuwing tatanungin niya ako kung anu gusto kong ulam. Ako’y talagang nasarapan dito noong unang niluto ni mama. Simula noon ay madalas ko na itong hinahanap-hanap.

          Simple lamang ihanda at iluto ang Cordon Bleu. Ang mga pangunahing sangkap nito ay chicken breast, keso, ham at harina. Minsan ay sinasamahan din ng bread crumbs. Ang pagluluto nito ay simple lang. Pagpapatungin mo ang chicken breast, keso at ham. Syempre, kung mataba o malaki ang dibdib ng manok ay hihiwain muna. Pagkatapos ay irorolyo mo ito at upang sumara ay pwede kang gumamit ng toothpick. Pagbubudbod ng bread crumbs sa nirolyong chicken breast ang huling proseso. Pagkatapos ay iluluto na hanggang magkulay kayumanggi ito. Mas masarap ang Cordon Bleu kung iyo itong sasamahan ng sauce. Ang nutrisyon na makukuha sa bawat piraso ng Cordon Bleu ay marami, katulad ng protina, kaltsyum, bitamina A at C, iron, thiamin at marami pang iba.

        Ang Cordon Bleu ay madaling iluto, masarap at higgit sa lahat ay masustansya kaya naman ito ang aking paboritong ulam. Sa aking pag-aaral ay marami pa akong natuklasan tungkol sa paborito kong ulam. Hindi siguro sapat ang mga salitang ito para malaman ng lahat kung gaano ito kasarap para sa akin. Nagdudulot ito ng kaligayahan kapag ako’y malungkot at napaparami ako ng kain kapag ito ang ulam. Kanya-kanya tayo ng panlasa ngunit alam ko na walang tao ang hindi nasasarapan sa Cordon Bleu, mayroon lamang mas nasasarapan dito katulad ko. 

17 comments:

  1. Kung mayroong "Love at first sight" tiyak kong may "Love at first taste" rin. Normal nga naman sa atin na hanap-hanapin ang pagkaing gawa ng sarili nating mga ina, walang duda na walang makakapantay rito. Marahil kaya ka nakakaramdam ng kaligayan kapag ito'y iyong natitikman ay dahil ang iyong ina na nagluto ng pagkaing ito ay masaya rin.
    Ang putahing iyong kinahihiligan ay nagmula pa sa mga banyaga ngunit maraming Pilipinong kagaya mo ang nahuhumaling dito. Ang mga Pilipino kasi, lahat ng bago sinusubukan. Pero may mas malalim pang dahilan, ang putahing iyong napili ay tunay nga namang masarap. Tunog banyaga man pero huling-huli nito ang panlasa ng maraming Pilipino.

    ReplyDelete
  2. Wala pa ring tutulad sa lutong bahay. At ang Chicken Cordon Bleu ay puno ng iba't ibang lasa. Ang tamis ng ham, keso at ng mismong manok ay hindi matutularan.

    Hindi rin maiiwasan na bilang Pilipino na sumubok ng pagkain na mula sa ibang bansa, dahil kultura na ng Pilipino na kumain ng ano mang uri ng pagkain.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Sa totoo lang ay isa rin ang cordon bleu sa mga paborito kong pagkain. Kaya hindi na ko nagtataka na makakilala ko ng ilan pang mga taong mahilig rin dito dahil talaga namang napakasarap.

    Bukod pa riyan, sa pagkakasulat mo tungkol dito, sigurado akong maeengganyo ang mga babasa nito na tikman din and cordon bleu..

    ReplyDelete
  5. wala akong masabi. masarap talga ang cordon blue.
    lalo na kapag balot ito sa malapot at masarap na sauce. diyos ko. haha

    ReplyDelete
  6. cheese tartar the best for cordon bleu!haha.yuuuuuuuuuuummmy!

    ReplyDelete
  7. ang sarap ng cordon bleu....:)
    lagi din natin yang inoorder::)

    ReplyDelete
  8. ang sarap niyan oh! matry nga magluto niyan, ganun lang pala kasimple, agree ako kay amethy, lagyan ng napakaraming cheese tartar :))

    ReplyDelete
  9. Napakasarap ng Cordon Bleu. Umaapaw ito sa lasa, dahil sa iba't ibang sangkap nito. :)

    ReplyDelete
  10. ang sarap nga nito..lalo na pag marming cheese!!:)))

    ReplyDelete
  11. masarap nga talaga ito..
    madaming may paborito.. :">

    ReplyDelete
  12. sobrang srap nito!!!! khit kme dito s bhay ay gumagawa rin ng gnyn :) khit wla ng kanin ay pwede itong papakin.. haha!

    ReplyDelete
  13. Sa larawan pa lamang ay ginugutom na ako..Napakasarp lalo na at maraming keso. :))

    ReplyDelete
  14. kahit siguro araw araw ito kainin ko hindi ako magsasawa :)) nakakapanghikayat ang larawan pati na ang pagsasabi ng detalye tungkol dito..^-^

    ReplyDelete
  15. Sobrang sarap naman niyan. Masarap yan sa Nitz. Minsan yan orderin mo. :) Ang galing naman nang blog, nakakatakam tuloy. :D
    - Abby

    ReplyDelete