Tuesday, November 23, 2010

Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya


Marahil ang pinaka-sikat na ulam ng mga Filipino na kilala kailanman ay ang Adobo. Ang Adobo ay isang timpla ng karne na linuto sa toyo at suka. Ito ay higit na kilala sa pangunahing sangkap na baboy. Sa paglipas ng taon, ang mga tao ay patuloy sa pag-eeksperimento ng iba't ibang uri ng karne at gulay na pangunahing sangkap sa paggawa ng Adobo. Lumitaw ang mga Adobong Manok, Adobong Kangkong, Adobong Kabute, Adobong Kuneho at Adobong Sitaw. Ito pa ay lalong naging kakaiba dahil na rin sa Adobong Palaka at Adobong Sawa. Sa katunayan, may iba't-ibang uri ng Adobo. Kahit na ang lamang-loob ng baboy at manok ay maaaring gamitin para dito.

Ang Adobong Atay at Balunbalunan ay isa sa nakakagulat na paboritong adobo ng karamihan. Ang malambot at pinong pagkakahiwa ng atay ng manok ay unti-unting matitikman sa karne na malalasahan ang asim at alat at iba pang pampalasang timpla. Ang balunbalunan naman ay kaiba sa malambot na atay ngunit kapag ito'y naluto maaaaring magbigay ng kiliti sa iyong panlasa. Ang pagkain sa adobong atay at balunbalunan ay isang kakaibang putahe. Kahit na ang pagtingin dito ay maaaring makaramdam ng pandidiri ngunit ang sustansyang naidudulot nito sa kalusugan ay hindi mapapantayan. Ang  Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya ng aking Ina ang masasabi kong pinakamahusay na natikman ko kailanman.

Ang Adobo ay isang bagay na bawat Pilipino sa hapag-kainan ay laging mayroon. Ito ay maaaring handa sa mga espesyal na okasyon o kalamitang ulam sa araw-araw. Ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag ang Adobo bilang "Pagkain ng Kaginhawaan".


- Bernadeth C. Bertulfo

24 comments:

  1. Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok? Hindi ko pa ito nasusubukan. Pero mahilig ako sa atay kaya naman siguro ay magugustuhan ko ito. Isang bagong putahe para sa akin at dahil sa iyong artikel ay naengganyo akong subukan ito. Mukhang masarap ito!:)

    ReplyDelete
  2. Hindi ko pa nasusubukang kumain ng Adobo na gamit ng atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya. Ngunit dahil mahilig ako sa manok, siguro naman magugustuhan ko ang balunbalunan lalo na may kasamang pinya ang lutuing ito.

    ReplyDelete
  3. Hindi ako kumakain ng atay.. ngunit kumakain naman ako ng pinya kahit saan man ito lutuin. Luto ka! Tikman natin :)

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Ngayon ko lamang nalaman ang putaheng ito. Kumakain ako ng adobo ngunit kung mayroong atay ay hindi.

    ReplyDelete
  6. Isa rin sa mga paborito ko ang Adobo, pero hindi ang adobong atay. Sakatunayan nga ay sayo ko nga lng nalaman na may ibat-ibang klase pala ng adobo. Salamat sa blog post mo, at nadagdagan ang aking kaalaman :) Kaso nga lng hindi ako kumakain ng atay. Hindi kase naging kasanayan sa relihiyon namin ang kumain ng atay ngunit hindi naman kame pinagbabawalan :)

    ReplyDelete
  7. hmm..adobong may atay at balunbalunan..bago yan ah
    Talagang masarap ang adobo at kumakain rin ako ng atay pero balunbalunan ay hindi pa :P

    ReplyDelete
  8. Sa totoo lang, pinaka ayaw ko sa lahat ang adobo ngunit ng makita ko ngayon, parang gusto kon itong matikman :)

    ReplyDelete
  9. isa ito sa mga niluluto ng aking ina bukod sa adobong manok. Ang kakaiba lang ng blog mo sa luto ng nanay ko ay, wala itong pinya. :D irerekomenda ko ito sa kanya na lagyan ng pinya sa susunod na magluto ulit siya ng ganyang potahe. Salamat sa blog mo. ^^

    ReplyDelete
  10. isa sa mga paborito ko tong adobo lalo na pag balunbalunan. ngunit hindi pa ako nakakatikim ng adobo na may pinya. Gusto ko subukan,mukhang masarap kapag merong pinya. :)

    ReplyDelete
  11. It looks delicious! Hahahaha! Never ako kumain ng atay at 'balunbalunan' pero para sayo, kakain ako basta pag-luto mo ko! Hahahahaha. -Ellah

    ReplyDelete
  12. HUUUWWAAAWW! Paborito ko rin ang atay balunbalunan. Pero mas paborito ko ang atay. Hindi pa ako nakakatikim ng gantong putahe pero alam kong masarap dahil kumpleto rekados na. May atay na, may pinya pa :P

    ReplyDelete
  13. kumakain ako ng atay at adobo, pero ngayon ko lang nalaman na may Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya. Nakakagulat pero siguro naman ay masustansya at masarap ito.

    ReplyDelete
  14. Ang sarap naman nung balunbalunan. :)) Mmm. :) Hindi ako mahilig sa atay, pero mukhang masarap yung adobo. haha.

    ReplyDelete
  15. Kumakain ako ng adobo pero hindi ng isang 'to. Hehe. Di ko pa natatry. Di kasi ako kumakain ng balunbalunan at mga putahe na pininyahan. Pero mukha namang masarap eh. Matikman minsan :)

    ReplyDelete
  16. Kumakain ako ng adobo pero ng atay at balunbalunan hindi. :( bawal kasi sakin pero isa sa hilig kong ulam ang adobo talaga! :))

    ReplyDelete
  17. Pwede din pala ang atay sa adobo :D Pati yung may pinya. :D

    ReplyDelete
  18. tunay ngang napakasarap ng adobo.. at kilala ito saan mang bansa kng saan may Pilipino..

    ReplyDelete
  19. Seryoso may ganito? Kaaliw naman. HAHA. Medyo, di gaano kagandahan ang tawag sa putahe, pero sana masarap! HAHAHA

    ReplyDelete
  20. HAHAHAHA =))) Exotic food mahilig ka talaga sa mga ganito. No wonder pati ipis pwede sayo. Haha. Good job Ineng! Ang galing!

    ReplyDelete
  21. wow!!!! napakasarap nga nito! isa ito sa aking paborito. gustong gusto ko rin ang balunbalunan.. bagama't hindi ako sanay na nilalagyan ng pinya ang adobo ngunit ngayon ay mas naengganyo ako dito :)

    ReplyDelete
  22. mahilig ako sa adobo. mahilig rin ako sa manok. mahilig rin ako sa pinya. pero hindi ako kumakain ng atay at balunbalunan ngunit maaari ko rin itong tikman dahil na-ingganyo ako sa pagkakalarawan ni badeth.. :)))

    ReplyDelete
  23. Oo masarap nga ang adobo hindi nga ito nakakasawa kainin dahil sa malinamnam nitong lasa. Halos lahat ng na sabi sa artikulo ay natikman ko na dahil sa tatay at lola ko na mahilig magluto ngunit hindi ko gugustuhing kainin ang sawa at kuneho siguro ang palaka maari pa dahil masarap daw ito at parang manok lang.

    ReplyDelete
  24. Nakukuha rin pala nito ang iyong kiliti? :) Masarap talaga ang adobo lalo na pag tulad mo ang kasama kong kakain nito :) Mahusay! :) -Geliq :)

    ReplyDelete