Monday, November 22, 2010

ANG SARAP KAYA, TRY MO?! :)

Ang bawat isa sa atin ay kakaiba. May sari-sarili tayong hilig at gusto. Kaya naman pati sa pagkain ay magkakaiba ang nais natin. Mayroong mas nagugustuhan ay ang mga maaanghang na putahe tulad ng mga Bikolano. Mayroon din namang mas nais ang mga pagkaing maaalat. Ngunit may iba naman na ang tipo ay yung mga kakaibang makakain o yung tinatawag na “Exotic”.

            Hindi rin naman ako iba. Mayroon din akong paboritong pagkain at masasabi kong isa akong taong mahilig sa matatamis. Hindi dahil sweet ako, pero dahil nasanay na ako mula pa noong ako’y bata pa. Kaya ngayon, nais kong ibahagi ang isa sa aking mga paboritong pagkain. Ito ay tinatawag na Sansrival Cake. Naging paborito ko ito dahil, tulad ng iba, ito ay masarap. Madali itong gawin kahit na hindi gumamit ng oven ay kaya mo ng magkaron ng sarili mong sansrival. Isa pa ito sa dahilan kung bakit ko nagustuhan ang pagkaing ito. Madali nang gawin, gawang pinoy pa!

No bake Sansrival cake

Mga kailangan

Graham crackers
½         tasang mantikilya
½         tasang margarine
1 ¼      tasa ng confectionary sugar
1 ¼      tasa ng vanilla extract
½         tasa ng durog na kasoy

Mga Gawain:

1.                  Paghaluin ang mantikilya at margarine sa isang malalim na lalagayanan. Idagdag ang confectionary sugar at vanilla extract. Paghaluin nang mabuti saka idagdag ang ¼ tasang kasoy. Ito na ang tinatawag na butter cream.
2.                  Maglapat ng plastic wrap sa paggagawan, mainam kung sa isang patag na lugar tulad ng mesa.
3.                  Lagyan ng butter cream, makapal dapat ito, ang gilid ng ginawang mga layer ng grahams. Matapos ay balutin ito sa Plastic wrap.
4.                  Ilagay ito sa Refrigerator sa loob ng 30 minuto. Saka baligtarin at pwede nang kainin!


Ngayon, maari mo ng ma-enjoy ang aking paboritong pagkain. Malay mo, magustuhan mo rin at iyo ring maging paborito. Ang sarap kaya, try mo!



- Claudine Anne Caganda

16 comments:

  1. Ang sarap naman. Sosyal ka talaga KYGND. Sansrival pa gusto :)) Sobrang sarap neto pramis. Worth it ang perang ipambibili :>

    ReplyDelete
  2. uuuuurhhh sans rival!
    isa pa to sa mga kinahihiligan ko >.<
    napaka sinful pero super sarap naman!

    ReplyDelete
  3. Gusto ko rin yang mga "exotic" na pagkain at mahilig rin ako sa matatamis, nakatikim na ako ng sansrival cake, ngunit siguro'y susubukan kong gumawa nito sa pasko (:

    ReplyDelete
  4. favorite namin ito ng bestfriend ko:))
    nakakatakam naman sobra habang minamasdan ko ang larawan:))
    nakakapanghikayat ito sa mga mambabasa..makakatulong ang sapat na impormasyon na iyong inilahad upang masubukan ko rin gumawa nito :D

    ReplyDelete
  5. Sobrang sarap niyan! Gumagawa ako neto, pero di ko talaga makuha yung lasang patok pero mapagbibigyan na din. :> Masarap na pang-dessert yan Hihi

    ReplyDelete
  6. Isa sa mga paborito kong panghimagas ang sansrival cake. Bagay ito na panghanda sa mga okasyon. Tulad ngayon nalalapit na ang Pasko. Mainam ito sa salo-salo. :))

    ReplyDelete
  7. Wow! Sansrival antagal ko nang di nakakatikim ng ganito! Ma-try nga lalo't alam ko na kung paano gumawa :)

    ReplyDelete
  8. SARAP! Maaari mo ba akong gawan nito? Hehe.

    ReplyDelete
  9. ansarap nman nito!gawan mo rin ako..
    :))))

    ReplyDelete
  10. Katakamtakam naman ang larawang iyong napili. Nakakagutom talaga. Larawan pa lamang, nanlalaway na ako. Ang sarap kasi ng sansrival eh, lalo na yung nasa may Red Ribbon. hehehehe... :))

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. sarapppp! Napakadaling gawin, salamat sayo Claudine ;) Ittry ko tlga toh, tpos ishi-share ko sayo,, Hmmm, punta k d2 bhay ahh,, pra mas better much msrap ung timpla..hihihi :">

    ReplyDelete
  13. Sansrival cake, isa sa mga masasarap na dessert. Bagay na bagay sa mga may kaarawan.

    Maganda rin na naipakita mo sa blog na ito kung paanong gumawa ng sarili mong cake. Two thumbs up para diyan.

    ReplyDelete
  14. Wow, napakasarap ng cake na yan! Sooobrang sarap ng buttery taste. ♥ AT buti na lang hindi Krabby Patty ang nilagay mo, kundi babatukan kita. Hahaha!

    ReplyDelete
  15. Napakasarap ng Sansrival. Isa yan sa mga paborito kong cake. :)

    ReplyDelete