Kilala ang ating bansa sa karunungan sa pagluluto at maging ang ating mga pagkain. Ngunit sa iba’t ibang lugar sa bansa ay may kanya kanyang paraan din kung paano ito lutuin o kung ano ang itsura ng pagkain. Halimbawa nito ay ang Goto. Kapag sinabing Goto sa Maynila at sa iba pang lugar ang alam nila ay ang lugaw o arroz caldo. Samantala ang Goto Batangas ay higit na kakaiba rito.
Ang pinakapagkakaiba ng Goto Batangas sa iba ay wala itong halong kanin. Para lamang itong nilaga o mas maihahalintulad ito sa Soup no. 5. Ang sahog ng Goto Batangas ay mga laman at lamang loob ng baka. Maaari kang pumili ng gusto mong sahog para rito. Isa sa pinakakilalang Gotohan ay ang “Gotohan sa Barangay” na matatagpuan sa Lipa, Batangas. Laging maraming tao ang gotohan na ito. Maging ang mga turista ay dinadayo pa ito.
Naaalala ko pa ang unang beses kong makita ang ganitong klase ng goto. Nagtaka ako kung bakit tinatanong pa ng waitress kung “with rice po?” dahil ang alam ko naman na goto ay ang tinatawag rin na lugaw. Sinabi ko na lang “Opo, with rice.”. Nang dumating ito nagdalawang isip pa akong kainin ang Gotong iyon. Para lamang itong sabaw na may sahog na laman at lamang loob ng baka. Sa unang tingin ay nakakadiri ito dahil sa sebo ng baka. Nang matikman ko ay nagustuhan ko naman ito at paminsan minsan ay bumabalik na kami sa kainang iyon.
Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng masasarap na pagkain. Sa iba’t ibang lugar sa bansa ay may ibang paraan ng pagluto na nagreresulta ng kaibahan sa lasa at itsura. Sumubok tayo ng mga bagong bagay at maging adventurous sa sariling atin.
Jeruinne A. Ludovico
Jeruinne A. Ludovico
mukha ngana kakaiba ang goto ng batangas akala ko nga pagtingin ko sa picture ng blog mo eh nilagang baka yan :D madami talaga tayong mga pagkaing pinoy na kakaiba. tulad nung sinabi mo na nadidiri ka kainin dahil sa sebo pero nung natikman mo na ay masarap. kaya nga dinadayo ito ng mga turista :)patunay lamang iyon na tayo ay magaling pumukaw ng panlasa kahit na sa mga turista :) galing jap! :) good job! sana matikman ko din ito pagdaan namin sa batangas :)
ReplyDeleteTotoong masarap nga ito. Masustansya pa! Kadalasan itong binibigay sa may sakit dahil ito ay nakakapagpaginhawa ng kanilang pakiramdam. :)
ReplyDeleteyeah..masarap talaga ang goto dito sa batangas.. lalo na sa Gotohan sa Barangay..lagi kami doon nakain..gustong gusto namin doon kumain tuwi-tuwina..napakasarap talaga ng goto dito sa batangas..nice work.. :D
ReplyDeleteA popular adage goes, "Diversity is the spice of life."
ReplyDeleteA simple home cooked meal may be common to you but imagine a person who is totally alien to that dish... it may either be appealing or disgusting for him but just the same, it allowed him a peak into your culture... your preferences, your practices and the way you live. Filipinos are known to be a diverse and hardy people. They make do with what they have and with a pinch of creativity and a dash of adventure, they can almost certainly come up with something unique. Pick up any Philippine cook book and you will most definitely see numerous variations on one dish. Take the humble (and popular!) adobo, for instance... that alone can take you to new gastronomic heights!
I agree with your opinion on being adventurous with food. Food teaches a lot about its people and hence, widens our scope and understanding about others and their culture. And, needless to say, you'll be in for a very satisfying (or not so satisfying) experience in the process. but what's important in the end is that we learned something new that we can apply in our own lives and/or share it others. This way, we would have contributed to a more well rounded community resulting in a better life... now who wants some Batangas goto?!
Napaka-unique naman ng goto sainyo! Talagang kakaiba! At mukhang masarap! Ang sarap kumain ng pagkain na hindi mo pa natiktikman or na-eexperience! Job well done! Itaas ang bandila ng sariling atin!
ReplyDeleteBilang kapwang-dugong Batangueno, tiyak na hindi nating mapigilang lamlamin ang sarap ng Goto Batangas.
ReplyDeleteBukod sa kapeng barako na sumikat sa lalawigan, naniniwala ako na ito din ay pwedeng maipagmalaki sa buong mundo.
tama.. msrap nga ang goto. kahit sino ay siguradong magugustuhan ang lasa nito :)
ReplyDeletemsarap tlga ang goto..:)
ReplyDeletehmm...matry nga ang goto Batangas
Grabe! Nais kong matikman iyan. Ngayon ko lang yan nakita. Feeling ko, masarap nga siya. Bago lang sa akin ang goto na walang kanin. O_O
ReplyDeleteyeah tama! actually pumupunta ako sa restaurant na yun, often, and how i love there GOTO, main reason GOTO BATANGAS eh!
ReplyDeletewhen we batanguenos eat this we also patronize our own province :)
it may have sebo or whatever that gives you rheumatism or whatever it may be, but you shouldn't miss this one food adventure of your life!
cause if you do..
aw you missed the half part of being an adventuruos food eater, haha :)
and this is how we express our emotions as batanguenos...
"KAY INAM NAMAN NARE DI BA GA?!"
goodluck on this, it's nice :)
..KAHANGA-HANGA ang artikulong ito sapagkat ipinakikita ang NAPAKASARAP na GOTONG BATANGAS. Malamang ay hindi pangkaraniwan sa mga hindi tubong Batangas ang ganitong uri ng pagkain subalit kapag ito'y natikman.....tiyak na hahanap-hanapin.
ReplyDelete..PROUD BATANGUENO....sir jb
yes namn BATANGAS!hehehehhe.. try ko plang kumain nyan..mukhang masarap :))
ReplyDeleteAng sarap nito oh, lalo na kapag malamig panahon. YUMMY. HAHA
ReplyDeletePunong- puno ng lasa ang Goto, kaya naman napakasarap nito. :)
ReplyDeleteBagay na bagay sa panahon ngayon, maulan. Pampainit ng sikmura :>
ReplyDeleteMasarap nga iyan :) Nakatikim ako, hindi nga lang galing sa batangas.
ReplyDeleteHay nako Kayganda! Sa Batangas nga lang yan eh! :))
ReplyDeleteMuka naman xang masarap, para nga lang xang nilagang baka ;))
ReplyDeleteGotoooo! Masarap sa malamig na panahon habang may kayakap na minamahal sa buhay. LOL. :)) Natatakam akoo. ♥
ReplyDeletemukhang kakaiba. :)pero gusto ko matikman. :) mahilig p nman ako sa GOTO. :> witwew.
ReplyDeleteoo nga sarap nga nyan!
ReplyDeletelibre mo ko nxt tym...hahahah
masarap na, masustansya pa :))
ReplyDeleteHnd ko pa natitikman yan sa totoo lang. pero sa pagkakakwnto mo mukang masarap at masustansya base sa mga larawan na naka paskil. =)
ReplyDelete