“ Chicken feet Dim Sum?” Parang kadiri pakinggan hindi ba? Ngunit ako’y na-inlove dito noong una ko itong natikman at hindi lamang iyan, na-love-at-first-sight pa! Haha. Maaaring ang iba sa inyo ay hindi ito alam kaya’t nais kong ipakilala ito sa inyo. Imagine, pati ba naman ang paa ng manok ay nagawa pang isang putahe! Nakakabilib!
Ang dim sum na ito ay matatagpuan sa mga Chinese restaurant. Ito ay medyo maanghang ngunit tamang tama lang ang lasa. Nadiskubre ko na meron din naman palang makukuhang laman sa paa ng manok. Oyster sauce, soy sauce, asukal, sake, paminta, bawang, sesame oil at black bean sauce ang ilan sa mga sangkap nito. Sigurado akong hindi lamang kayo masasarapan dito, mag-eenjoy pa kayo sa pagkain nito sapagkat sisipsipin ninyong mabuti ang mga buto hanggang sa ito’y masimot at nanamnamin n’yo ang lasa nito. Nam-nam! Oh diba, kumakain ka na nag-eenjoy ka pa! San ka pa? Katulad ko, alam kong hahanap-hanapin n’yo ang pagkaing ito. Alam kong kayang kaya ng budget n’yo ang ganitong kasarap na pagkain. Sabi nga nila, sa Chinise restaurant daw ang may mas murang pagkain kumpara sa iba.
Kapag kayo’y badtrip, nalulumbay o emo, kain na ng Chicken feet! Magandang comfort food! Ano pang iniintay n’yo, try na! Kakaiba, kamangha-mangha, kay sarap- sarap!
Ilang beses na akong naka tikim nito at masasabi kong masarap nga ito!Gustong gusto ko ang lutong chicken feet ng lola ko.:)
ReplyDeletetama ka mela.. nkakadiri nga cia. kht mnsn ay hnd pa ako nkakaen nyan. ngunit qng ikaw nman ang ksma ko cguro ay mssabayan n rn kta s pagkaen nyan :)
ReplyDeleteNapakaganda ng larawan,katakam-takam..pero katulad ni Lakrizza Mara Villanueva ay hindi pa rin ako nkakatikim ng ganyan,:))))
ReplyDeleteAng pagkain na ito ay ang isang patunay na ang mga Pilipino ay kumakain ng ano mang uri ng pagkain.
ReplyDeleteMukang kadiri pero masarap ang chicken feet. Actually, isa 'to sa mga peborit kong pagkain. HAHAHA:)) Kaya Mela, padalan mo kami ng chicken feet next sunday!:))
ReplyDeleteYung content ng ginawa mo ay talaga namang katakamtakam. Ginugutom ako. Masarap nga yan! hehehe... Di ko siya paboritong pagkain pero, dahil sa ginawa mo, parang nais ko na siya kainin :)
ReplyDeleteKamangha-mangha nga! At mukha pa itong masarap! Masubukan nga (:
ReplyDeletewala sa ichura nasasabi ang lasa :D
ReplyDeletekatulad nina alda at villanueva di pa dn ako nakakatikm nyan:))ibang luto ng chicken feet ang natikman ko:) at masarap nmn ito, kya sure na magugustuhan ko rin ang dim sum n ito:)
ReplyDeleteOh chiken feet! :)) Sarap. Pinatikim mo na sa 'min 'to di ba? :"> Lahat talaga ng part ng manok nakakain. Yum!
ReplyDeleteanu bang masasabi ko? ngayon ko lang narinig ang kanyang ang putahe at napaka speechless ko. mag dala ka nga minsan para matikman ang sarap nian. =)
ReplyDeleteMasarap nga ang chicken feet! I can still remember the first time I ate this sa isang chinese resto. Nung una parang ayoko siya i-try. Pero ang sarap pala. Influence ng chinese people sa atin yung mga ganyang food na naging part na sa atin :D Nice!
ReplyDeleteNakatikim na ako ng "Chicken Feet", pero Adobo Style ito. Pero sigurado ako na masarap ang "Chicken Feet Dim Sum", sana in the near future ay makatikim ako nyan. :)
ReplyDeletekatamkam-takam naman yang picture mo. pero sana nga lang hindi yan pula. kc alam mo naman. ayaw ko ng pula. pero magaling ang pagkakagawa mo ng blog mo! nagutom akong sandali. parang gusto ko tuloy malunod sa chicken feet na hindi pula. :> meron ba?
ReplyDeletehindi pa ko nakakatikim ng chicken feet..
ReplyDeleteayaw ko i-try dahil iniisip ko kadiri ito. pero sa pag kaka-larawan mo nito, mukang masarap ito, kaya i-ttry ko na ito, in the near future. :">
Larawan pa lang, ulam na :)) Hindi pa ako nakakatikim nyan pero mukhang masarap naman siya sa paningin :>
ReplyDeleteNaiinis akong kainin ang chicken feet o kahit ano mang mabutong pagkain ngunit sa pagkakadescribe mo, parang natakam tuloy ako. :))))
ReplyDeletehindi pa ako nakatikim nito pero dahil sa sinulat mo, gusto ko syang subukan ;)))
ReplyDeleteNapakasarap nito! Pangako!! Salamat kay Mela Balag, at natikman ko ito. :))
ReplyDelete.nice CARMELA!.totoo nga ung pag natikman mo hahanap hanapin!:)).sarap!haha...madame pa d nakakatikim oh pero dahil sayo titikman nila!:)kung anong sarap tignan sa picture ganun dn sa personal msarap tlga PROMISE!.haha
ReplyDeletewow! Chicken feet! nung una akala ko nakakadire siya pero nung ipatikim sakin, napakasarap pa! Akala ko nga nung una eh kakainin lahat yun kaya nabilaukan ako dahil di ko alam na mayy buto pala. HAHA!
ReplyDeletemasarap daw yan kahit ndi ko pa natitikman. :))
ReplyDeletenatakot kse ako. ehhe. pero masarap daw. :0
Mukha nga syang nakakadiri pero masrap daw talaga. totoo talaga ang kasabihang "you cant judge a book by its cover" :) Nais ko rin tikman yan isang araw! :D
ReplyDelete