Sa lahat ng restawrant at “fast food chain” ay nakita at natikman ko na ang lahat ng luto nila ng “fried chicken”. Ang iba ay malutong ang balat, “juicy” ang laman at katakam-takam ang amoy. Ngunit iba pa rin ang sarap na naidudulot ng lutong bahay ng aking pinaka-mamahal na lola. Ang kanyang pritong manok.
Hindi ko alam kung paano ginagawang sobrang sarap ng aking lola ang kanyang pritong manok. Ang alam ko lang ay gumagamit siya ng breading na hindi ako pamilyar at itlog. Tapos ay hinihiwa niya ito upang ang mantika ay pumasok sa loob ng laman upang lalo itong maluto, di lang ang balat kundi pati na rin ang laman. Matapos ito malub-lob sa mantika ay makikita mo na ang mala-ginto nitong balat at maamoy mo na ang aromang makakapag-palaway sa gutom mong bibig.
Habang iniisip ko ang essay na ito ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Siguro ay dahil sa masusi kong pag-iisip ng essay tungkol sa malinamnam na pritong manok ni lola. Ito lang ang masasabi ko, wala nang tatalo sa lutong bahay ng aking lola.
Marx R. Tapalla
Isa rin sa mga paborito ko itong piniritong manok. Lalo na nung bata ako, kahit saang fast food chain ako dalhin ng nanay ko, palaging piniritong manok ang kanyang inoorder para sa akin :)
ReplyDeleteIsa ako sa milyon-milyong taong sumasamba sa mahikang taglay ng Fried Chicken. Pormal kong sinasang-ayunan ang lahat ng nakasulat sa sanaysay na ito. Bravo! thumbs up. Hands down.
ReplyDelete- Lyka D.
wow chicken.:)bat nga ba ang sarap sarap nito..juicylicious..crispylicious.haha..:)) kahit anong luto ng manok, di tlga ito nakakasawa:))
ReplyDeletePaborito ng kahit sinong bata ang pritong manok.Madalas ko iong irequest sa mama ko noon.at hanggang ngayon,sarap na sarap pa rin ako sa pagkain na ito :))
ReplyDeleteTotoo naman na mas masarap ang manok na lutong bahay kaysa sa manok ng mga fast food chains at kasi sa lutong bahay hindi lang nasa balat eung sarap kundi pati na rin sa laman. Hindi tulad sa mga fast food chains na malutong at masarap nga ang balat pero pagdating sa laman halos wala ng ma feel na lasa. I'm also "metikoloso" when it comes to fried chicken. That's why I know the difference between fried chicken's on fast food chains and friend chicken cooked at home :)
ReplyDeleteMasarap tlga ang FRied ChicKEN
ReplyDeletenAKAkagutom namn ito..:)
wow. sarap. fied chicken. mas masarap pag crispy. gutom n ko.
ReplyDeleteFried Chicken... sinong tao hindi mahilig sa fried chicken, gawang bahay man o gawang fastfood o restawran, nandyan pa rin ang sarap ng fried chicken. Masarap ang fried chicken kapag ito ay sinamahan mo ng gravy.. :D
ReplyDeleteAko din..feeling ko nalalasahan ko at naamoy yang chicken na yan..Nakakagutom ulit kahit na kakakain ko lang ng hapunan. Picture palang nakakatakam na. Saka iba pa rin talaga kapag mahalaga sa'yo yung nagluto. Doble ang sarap kesa sa mga binebenta sa fastfood chains na puno ng preservatives at betsin (uhh...pero kinakain ko pa rin..=)masarap eh,..
ReplyDeleteWala ngang tao ang hidi gusto ang fried chicken, siguro yung mga high blood lang. Karamihan mgalutong ina ang sisabi pero ikaw ay lutong lola, at nakakatuwa naman na malapit ka sa iyong lola.
ReplyDeletetotoong masarap ang friend chicken,at masasabi kong hindi ka dumaan sa pagkabata kung hindi mo naging paborito ang piniritong manok :) maganda ang iyong ideya :)
ReplyDeleteparang bumabalik ako sa pagkabata pag kumakain ako ng pritong manok :D
ReplyDeleteaminin na natin na nuong bata tayo kinahiligan natin ang manok lalo na ang balat nito pag pritong prito.