Sadyang malapit ang aking puso sa matatamis na pagkain. Kinalakihan ko na ang laruan at Barbie ngunit CHOCOLATE at CANDY parin ang sigaw ng aking damdamin. Kung babalikan ko man ang aking kabataan, hindi ako magsasawang balikan ang munting sayang nadarama ko sa tuwing ako’y mapag-iisa habang nilalasap ang paborito kong kendi.
Ang Airheads ay isang kendi na matamis at may pagkamaasim. Manipis ito ngunit natutunaw habang nginunguya. Habang ito’y natutunaw sa iyong dila ay kumakapit ang malinamnam nitong lasa. Sa tuwing kinakain ko ang isang balot ng Airheads, bumabalik ako sa aking pagkabata at para bang lumulutang ako sa munting tuwa dahil sa tamis at linamnam nito. Tila isang minatamis na bahagharing nahulog sa langit, hindi matatawaran ang aking pagkawili dito.
Hindi ito mahirap hanapin at kadalasa’y mabibili sa mga candy stand sa malls. Kung kaya ay pinapayuhan ko kayong tikman ito sa lalong madaling panahon kung ito ay hindi ninyo pa natitikman. Tandaan lamang na kontrolin ang sarili kung sakaling bigla kang mahilig sa kending ito sapagkat walang maidudulot na maganda sa iyong kalusugan ang labis na pagkain nito. Isaalang-alang ito bilang isang babala (consider yourself warned).
-Beah Legaspi
OHMYGOSH, AIRHEADS! SOBRANG SARAP NITO AS IN SOOOBRA. ♥ MAGALING MAGALING!
ReplyDeletemadam pahingi ako ng pera pambili nyan.:))
ReplyDeleteSumasangayon ako na wala itong madudulot na maganda sa kalusugan, subalit kung may disiplina ka kung kumain ng mga kendi ay pwede na din. Kailangan mo din ienjoy ang pagiging bata mo.
ReplyDeleteNang aking mabasa ito, ako ay nakaramdam ng pagkagutom. sana may airheads din ako ngayon. Sa kabilang banda, ako ay nasiyahan dahil naalala ko ang mga panahon kung saan masaya na akong makakain ng paborito kong minatamis na siyang pumapawi ng aking lungkot.Sa ngayon, isa ito sa mga bagay na siyang nakalimutan na ng karamihan na kahit ang maliit na bagay ay maaring makapag bigay ligaya -Caleb
ReplyDeleteWuh. Sobrang sarap niyan. :D
ReplyDeleteLahat ng flavor masarap, kaya mahirap piliin kung ano ang bibilhin. Hehe. Libre mo ko niyan madam!
Mahilig rin ako sa mga ganyang uri ng kendi :)
ReplyDeleteHindi nakakasawa dahil may halo ang lasa :D
airheads!malimit namin kinakain yan ng mga pinsan kong bata..hahahahhaha.. tama ka, sa tuwing kumakain ako nito ay para bang bumablik ako sa pagkabata.. ang saya! ang sarap! :))
ReplyDeleteUy Airheads! ang tagal tagal ko nang di nakakatikim niyan. Siguro mga grade 2 pa ko nun. Ang sarap sarap niyan supppperrrr!! :))
ReplyDeleteAirheads airheads airheads... Pinapaikot nitoang mundo ko. Matamis ngunit maasim! Kapag kumakain ako ng Airheads naaalala ko ang aking kabataan. What a wonderful way to blog such simple candy that would reminds one childhood. Cheers!
ReplyDeleteYUUUUM! Tulo laway, banggitin o basahin palang ang Airheads. Napakasarap talaga nito. Mapa anong edad, lahi at gender ka man, hahanap-hanap parin ang Airheads. Magdala ka naman niyan minsan, ikaw pa. Yaman yaman ni madam eh. hihi :)))
ReplyDeleteWow! Naaalala ko din ang childhood ko dito. Tagal na kong di nakakakain nito. :|
ReplyDeleteHindi pa ko nakakatikim nito pero wrapper pa
ReplyDeletelamang ay muka ng masarap :)
bagama't maasim, masarap naman at kayang tiisin. hindi rin naman lahat maasim ang lasa nito. depende lang sa flavor na makukuha mo :)) isa sa masasarap na matamis na pagkaing natikman ko :>
ReplyDeleteAirheads.. hindi ko pa ito nasubukan pero siguradong magugustuhan ito ng mga naghahanap ng candies.
ReplyDeleteMADAM, tunay na msarap yan. sana mbgyan mo kami niyan. :"> sarap. sarap
ReplyDeleteNaalala ko tuloy noong bata ako dito ko nauubos ung allowance ko. Sobrang nahilig din kasi ako dyan. Ang sarap asi eh.
ReplyDeleteNAPAKASARAP! Namimiss ko na ito. :)
ReplyDeleteWoooow! Fave ko 'yan dati. Super sarap. Haha. Tamaaaa. Matamis na may pagka-maasim. ;)
ReplyDeleteAng mga candies ay nakakapagbigay saya sa mga taong kumakain nito, katulad na lamang ng "Air Heads". :)
ReplyDeletewow! airheads!! :"> isa yan sa gustong gusto kong kendi nuong bata pa ako, sarap sarap :D
ReplyDeletenaalala ko tuloy, noong bata ako, hindi makakalampas ang isang araw na hindi ako kumakain ng green na Airheads.. sumasang-ayon ako sa'yo madam!!!
ReplyDelete