ni: Pricilla Mae E. Cruz ng 1T5
Kare-kare, Paksiw, Salmon, Tuna, Alimango, Tskolate, Cake, Ice Cream at Soup, ilan sa aking listahan ng paboritong pagkain. Ngunit, ang pinaka natatangi ay ang Noodles! Sa dinami-rami ng pagakain sa mundo, bakit ito pa ang natipuhan ko? Simple lang: nakatikim ka na ba ng mura at maging mahal na pagkain? At marahil lahat ng tao, mayaman man o mahirap ay tiyak na natikman na ito! Tara at kilalanin natin ito:
Instant, Ramen, Pancit, Poh, Soup o Fried, maging ang Pasta, ilan lang ito sa uri ng Noodles. Ano ba ang Noodles? Ito ay tipo ng pagkain na manipis at pahabang hugis na gawa sa dough at pinakukulaan sa tubig upang ito'y maluto. Maari rin itong prituhin depende sa panlasa ng isang tao. Ito'y mahaba o maikli, diretso o kulot, maninipis o makapal, may sabaw o wala. Kahit saan ka man naroon, may alam ka man sa pagluluto o wala, maari kang makagawa ng Noodles. Sa pag-eeksperimento, kahit anong sangkap na ang ihalo mo na ayon sa iyo, tiyak na makakagawa ka nito. O kung ika'y nangungulang sa oras, sa Instant Noodles naman, mainit na tubig lang, p'wedeng p'wede ka nang mabusog. Korean style, Japanese Ramen, Poh, Spaghetti, Pancit Bihon at Cup Noodles: Maging ang Noodles ay mahahanap sa buong mundo, kumabaga isa itong International Food na iyong magugustuhan!
Hindi lang yan, mayroon rin itong sustansyang taglay at kung ikaw naman ay nag-da-diet tumpak ang noodles sa iyo na may halong Spices. Dahil ang spices, ayon sa mga eksperto ay nakakapagpabilis ng metabolism ng tao. NOODLES: Patok sa kung sino man, Madaling gawin, Abot kaya pa!
NOODLE ALL THE WAY NA!
image source:
- delish.com
sarap naman niyan! kaya mo ako lagi nahahawa sa pag punta sa may carpark e. :))
ReplyDeleteMahilig din ako sa Noodles. Lalo na yung Pancit malabon. :)))) NAPAKASARAP! Hindi ko inakala na mahilig ka sa noodles. :)
ReplyDeleteMasarap nga ang noodles at maari pang ibagay sa kung anong panlasa ng isang tao..
ReplyDelete:)
Tama ka jan! halos lahat ng tao ay kumakain ng noodles. Mura na, masarap pa! :) Imperial Kitchen yato! haha joke!
ReplyDeleteWoo, NUDOLS! Halos lahat na ata ng lutong noodles, kinakain ko. Haha. Hindi kasi siya nakakasawang kainin. Lalo na pag niluluto sa pansit na may malalapot nsa sauce at ubod ng sarap. Nakoo :))
ReplyDeleteNoodles, hmm.. marami siyang uri at paraan kung paanong lutuin. Masasabi ko lang na ito ang nagsasama sa buong mundo. Magkaiba man ang paraan ng bawat bansa sa paggawa nito, ngunit nagsasama ang lahat sa diwa at sarap ng noodles.
ReplyDeleteSinong taong hindi mahilig sa noodles? Siguradong pampagana sa buong araw.
ganda nman ng pagkakalarawan :)) sarap talaga ng noodles ;))
ReplyDeletemasarap nga ang noodles isa din ito sa lagi kong kinakain. ang ganda ng pag kaka-describe mo. :))
ReplyDeletenapakasarap naman ng iyong napiling pagkain :)) tlgang pinagisipan ng mabuti.. biro lamang :) pero the best pa rin sa lahat ang pancit canton. haha!
ReplyDeletenoodles! msarap lalo na pag may anghang:))
ReplyDeleteHONGKONG STYLE NOODLES naaalala ko dito! Hahaha. Napakaversatile ng iyong paboritong pagkain dahil sobrang dami ang magagawa mo na dito. ♥ :bd
ReplyDeleteAgree! Ang noodles kahit kelan kahit anong mood pwedeng pwede dahil ang daming lasa o lutong pwedeng pagpilian!
ReplyDeleteWEH! Noodles. :P HAHA! Dahil sa'yo kumakain na ko madalas ng noodles. :)) Imperial. XD Sarap. :">
ReplyDelete