Sunday, November 21, 2010

Sa Likod ng Bawat Kagat ~[isinulat ni kim constante]



Sa Likod ng Bawat Kagat
photo courtesy of mylasagnarecipe.com
"Ano ang paborito mong pagkain?" sabi ng aming guro sa Filipino. Simula nang tinanong ng aming propesor ang tanong na iyon isang linggo na ang nakaraan, tila hindi matigil ang aking isipan sa kakaisip kung ano nga ba. Adobo? Tinola? Sinigang? Kare-kare? Oo, gusto ko ang mga pagkain na iyon ngunit masasabi ko bang paborito ko ito? Kung sa wikang Ingles masasabi kong ang mga pagkain na iyon ay "given" na. Hindi mapagkaka-ilang Pilipino ako at mahilig ako kumain kaya naman "given" na gusto at paborito kong kainin ang mga pagkaing-Pinoy na iyon. Ngunit paano nga ba malalaman kung paborito mo ang pagkain? Sa dami ng mga pagkain na kinakain ng isang tao, paano nga ba malalaman kung ano ang pinaka namumukod tangi sa lahat? 


Napakadami ko nang natikman na pagkain: May mga talagang bongga at sosyalin, mayroon ding mga malalaki at punong-punong ng lasa, may mga ulam na may malasang sabaw kaya masarap ihalo sa kanin at pwede pang maka-ilang plato.  Ilang ulit akong nag-isip kung ano ang paborito kong pagkain. Hanggang humantong ako sa desisyon na "Lasagna" na lang. Ngunit bakit Lasagna pa ang napili ko? Isang pagkain na minsan kung ihanda ay maliit lang. Kung sa fast food chains kakainin, isang plato lang. Nagbibigay ng calcium, protein at malakas sa carbohydrates. Kung tutuusin, gawa lang ito sa keso, karne at tomato sauce. Hindi ba't nakakabitin diba? 

Naalala ko noong bata pa lamang ako, sa tuwing pumupunta kami sa kainan tulad ng Greenwich, parati kong hinihiling sa nanay ko na Lasagna ang bilhin para sakin. Ang laki ng tuwa ko tuwing binibilhan niya ako at sa sobrang sarap ng laman na nababalot sa keso ay kulang na kulang ang isang plato ng Lasagna sa akin. Ngunit pag gawang bahay na ang Lasagna, ibahin mo. Isang tradisyon sa aming pamilya tuwing pasko, ang pagluluto ng napakaraming plato ng Lasagna. Ang pinakamagandang parte doon ay tulong-tulong ang bawat miyembro ng pamilya sa pag gawa nito at ramdam mo ang pagtutulungan namin lalo pa't pasko. Ang pagluluto ng Lasagna ang pinakapaborito kong parte sa bawat Pasko na nag daan sa labing-pitong taon ng aking pamumuhay sa mundo. Niluluto palang ito ay maamoy mo na ang nakakasabik na bango nito. At pag patak ng alas-dose,  para kaming mga bata na nag-uunahan sa mesa para kumuha ng masarap at mainit na Lasagna. Dito ko naranasan ang eat-all-you-can na Lasagna. Yung tipong kakain ka ng kakain hanggang makuntento ka na.  Sa bawat kagat ay mararamdaman mo ang init nito na siyang nagbibigay saya sa lamig ng panahon tuwing Pasko. Makikita mo din ang layers nito na may palaman na keso, karne at tomato sauce na pag kinain mo ay magpapaalala sa iyo ng paghihirap ng gumawa at ang kagustuhan niyang maging perpekto ang pagpapalaman sa bawat layer nito.  At siyempre, ang kesong nakasabog sa pinaka ibabaw nito na siyang una mong nakikita sa Lasagna ay ang umaakit at nagbibigay ng impresyon na masarap ito. At sa tuwing nakakakain ako ng Lasagna, ang mga iyon ang naalala ko at parang ang pakiramdam ng saya ng Pasko ay nararamdaman ko muli. Kaya ngayong kahit nasa kolehiyo na ako, hindi parin mawawala sa akin ang pag kahilig ko sa Italyanong pagkain na ito.  At sa totoo lang, dahil ang Lasagna ay sumisimbolo ng aking kasiyahan, madalas akong kumakain nito kasabay ang mga taong espesyal at nag papasaya sa akin. 


Maliit at simple lang ang Lasagna ngunit dito ay natuto akong makuntento kahit gusto ko pa. Sino mag-aakala na sa isang simpleng pagkain ay may ibig sabihin pala ang bawat parte nito at ang bawat parte ay may kakaibang pakiramdam na naipadadama sa kumakain?  Pagkatapos ng napakaraming pag-iisip, napag alaman ko na hindi lamang puro sarap ang batayan ng paborito mong pagkain. Siyempre pati rin ang mga pangyayari o espesyal na bagay sa likod ng bawat kagat. Marahil bilang isang Pilipino, nasa ating kultura ang kumain ng kumain. Pero ating tandaan na ang Pilipino ay hindi lamang kilala sa pagkain kung di pati sa pagpapahalaga ng mga simpleng bagay at pagiging mapagmahal din.

---Alexcess Kim Cachola Constante, 1T5--

23 comments:

  1. Siguradong nakakatakam ang Lasagna. Sa iba't-ibang lasa dala ng bawat sangkap nito, sigurado hindi mabibitin ang mga kumakain nito. Maganda rin makita na may mga benepisyong pangkalusgan ito.

    Two thumbs up para sa Lasagna! Nakakatakam kasi. :D

    ReplyDelete
  2. pheew. :) napakasarap nyan. :D walang tatalo sa lasagna lalo na sa Greenwich. :)) kaya 2 thumbs up din ako. :D

    ReplyDelete
  3. Edi eto na ang masarap! :D Lalo na pag kasama ang pamilya sa pagkain. Walang humpay na kaligayahan. At shempre ang mahal sa buhay. EHEMMMM. :D

    ReplyDelete
  4. wow!sister napakahusay ng blog mo't napaka makahulugan :)natatawa ako sa una mong talata dahil ako rin, nung tinanong ni sir yon minu minuto ko iniisip kng anong favorite food ko :)) GUSTO KO TULOY NG LASAGNA! -koko :)

    ReplyDelete
  5. matagal gawin, mabilis ubusin. oha!ryme!haha.masarap talaga lasagna!!! spinach lasagna sa sbarro at lasagna sa goldilocks ang pinaka patok na lasagna sakin :D

    I remember Kathleen Vasquez everytime marrick will order lasagna in Goldilocks :(
    (pinaglalaruan kasi nya yung pandesal na kasama sa lasagna.haha)

    ReplyDelete
  6. masarap talaga ang lasagna! Lagi ko din yang inoorder sa greenwich.:))

    ReplyDelete
  7. walang kapantay ang sarap ng lasagna....talagang matatakam ka....
    :)

    ReplyDelete
  8. napakasarap tlga ng lasagna :) isa rin yan sa aking paborito :)

    ReplyDelete
  9. ahahahha kulit ng history behind lasagna. :D sarap din nyan hahaha mwaaa. :D

    ReplyDelete
  10. wow!lasagna,ang sarap nmn..
    itsura pa lng mapapakain ka na..haha

    ReplyDelete
  11. Grabe Kym! Nalunod ako sa information. Nice work! Ang sarap nito. :">

    ReplyDelete
  12. masarap ang lasagna lalo na pag kasama kitang kumakain nito. :D

    ReplyDelete
  13. Nakakagutom ang larawan pero nakakabusog ng utak ang lahat ng impormasyong isinaad mo :))

    ReplyDelete
  14. ugh. like they said. nakakagutom nga. haha. nice! XD

    ReplyDelete
  15. Nice blog about Lasagna! :> Lahat naman siguro gusto niyan! :D

    ReplyDelete
  16. Gustung gusto ko rin ang lasagna. Kakaiba ang sarap nito lalo na siguro kung gawang bahay at kakainin mo ito sa pasko. Ang swerte mo kasi naranasan mo kumain ng eat all you can na lasagna. Minsan dalan mo naman kami.

    ReplyDelete
  17. Mahilig ako sa mga "Pasta Dishes", kahit hindi ako pwede sa ma- kesong pagkain. Isa ito sa Italian dishes na gusto ko. :)

    ReplyDelete
  18. alam mo namang favorite ko din ito eh.. hehe! sa greenwich! ang LAKI.. :))

    ReplyDelete
  19. paborito ko din 'to.. lalo na ung sa greenwich ;))

    ReplyDelete
  20. Hangsarap naman. Sana magluto tayo neto sa HRM :) Isa rin to sa peyborits ko :>

    ReplyDelete
  21. Paborito ko to! Kesa pa sa spaghetti at mga carbonara. :) Mas lasado kase yung lasagna e. para sakin :)

    ReplyDelete
  22. Napaka-detalyado ng iyong gawa :)) Tunay ngang malinamnam ang Lasagna :D

    ReplyDelete
  23. Wow, lasagna! Litrato pa lang, sadyang nakakatakam na. ♥

    ReplyDelete