Saturday, November 20, 2010

CHOCOLATEEE! x)

"CHOCOLATE!!!” Ang sarap nito, tama ba? Gustong gusto ito ng karamihan at hindi ko matatanggi na paboritong paborito ko ito.  Sino nga ba ang hindi makakaalam nito? Ang lasa at amoy nito ay “heaven” para sa ‘kin! Sobrang sarap talaga! Oh bakit nga ba?

Unang una sa lahat, gusto kong ipaalam sa inyo na ang chocolate ay hindi lang tamis ang binibigay sa atin. Siyempre! May sustansya rin tayong makukuha dito. Binibigyan tayo nito ng energy para makapag-isip ng maayos at kumilos ng mas mabilis at maliksi. Ikalawa, ang lasa nito ay sobrang sarap dahil sa tamis nitong taglay. Para bang mawawala ka na sa iyong sarili kapag kinain mo na ito. Nakaka-adik daw nga sabi ng iba. Kaya nga mapabata man o matanda ay sarap na sarap sa pagkain nito. Ito ay may ingredients na cocoa, asukal, preservatives at pwede ring may gatas. May  kulay white, brown at dark chocolate nito na pwedeng pagpilian depende sa flavor na gusto mo. May iba’t ibang shape din ito kaya mas lalo itong nakakaakit at mukhang malinamnam. Marami pang dahilan kaya ko ito paborito.  Konting babala lang sa pagkain nito. Ang sobrang pagkain nito ay nakakapagbigay ng cavities ha? Konting ingat lang po. Lahat ng sobra ay masama.

Ang chocolate ay pangmasa. Maaari itong makita kahit saan. May mahal at may affordable din naman.  ‘Wag natin abusuhin ang pagkain sa mga matatamis na pagkaing gaya nito. Masama po! Nakakasira rin po kasi ng ngipin ang sobrang tamis, hindi ba? Masarap ‘to. Try mo!

-Mary Shannielyn F. Prepotente ♥

21 comments:

  1. Tama! Nakakapagbigay nga ito ng energy. Pero wag lang sosobra kasi nakakasami rin. Nice! :>

    ReplyDelete
  2. Masarap ang chocolates at totoo din na masustansya ito para sa katawan, iyon nga lamang dapat nasa katamtaman lamang ang pag kain nito dahil lahat naman ng sobra ay nakakasama. Ang ibang chocolates ay mayroong anti-oxidants na nakakabuti sa ating katawan, nakakapagpabata sa atin at nagbibigay sa atin ng lakas. :)

    ReplyDelete
  3. Yuuuh! Pang-patanggal stress ko 'yan e!:-D

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. parehas tayo ng paborito! talaga naman kasing napaka sarap ng chocolate. Pero onti-onti lang dapat ang pagkain nito.:)

    ReplyDelete
  6. Naku chocolates pa pinag-usapan. Hindi pwede sa isang linggo hindi ako makatikim na mga chocolate flavored na pagkain!

    ReplyDelete
  7. wew! paborits q dn yan eh.. :) super sarap tlga at nakakadik.. kung gus2 mong tumaba. eat chocolates! :D chocolates ang kumukumpleto nga araw ko xD

    ReplyDelete
  8. Sinong tao ang hindi mahilig na kumain ng tsokolate? Ito ay isa sa mga pagkain na pampagana sa isang tao. Ngunit, hindi dapat sumobra ang pagkain nito dahil ito din ay makakasama sa kalusugan.

    Naisip ko biglang magtimpla ng napakasarap na Milo. :)

    ReplyDelete
  9. Masarap ang chocolate, pero nakakataba at nakakamigraine :P

    ReplyDelete
  10. srap shane!!! :D nkakatalino din ang chocol8! pero kelngng pgilan. syang ang diet at gym :)))) hahahaha!

    ReplyDelete
  11. Yey! Chocolates are so addictive.

    ReplyDelete
  12. tsokolate ba kamo? isa ito sa mga kinakalokohan ko. parang minsan hindi ko na iniisip ang cavities or what basta lang makaranas ng "heaven".
    hahaha!

    ReplyDelete
  13. Ang sarap naman nyan! :) Gsto ko tuloy kumain ng chocolate. :p

    ReplyDelete
  14. Grabe naman yung picture, nakapanglalaway. Nagugutom ako ng todo shane. O_O

    ReplyDelete
  15. CHOCOLATE!! masarap tlga to..!!!sweet:))

    ReplyDelete
  16. Napaka"Dakila", ng nakadiskubre sa tsokolate. Talagang napakasarap nito. :)

    ReplyDelete
  17. Kahit anong chocolate! Basta chocolate! At lasang chocolate! Amoy chocolate! Mamamatay na sa chocolate! MASARAP! Amen.

    ReplyDelete
  18. natawa nman ako dun sa "heaven" ;))) pero totoo nga, nkk.adik tlga ang tsokolate :)

    ReplyDelete
  19. Talaga nga namang paborito ng masa ang tsokolate. :)

    ReplyDelete
  20. wow ang sarap naman. tama ka, lahat ng sobra nakakasama, kaya hinay hinay lang sa chocolate para sexy pa din. hihi :)

    ReplyDelete
  21. chocolate is good lalo kapag dark chocolate..better to eat dark than the milk chocolate...lalo na ung sees dark chocolate...yummy....

    ReplyDelete