Hershey’s, Toblerone, Cadburry, Kitkat.Tuwing ako ay tatanungin kung ano ang gusto kong pagkain ang pinaka unang pagkain na naiisip ko ay tsokolate. Hindi na din siguro bago sa pandinig ang sagot na tsokolate dahil kung tatanungin ang karamihan, bata man o matanda ay ito ang paborito. Mula pagkabata ay parte na ng buhay ko ang pagkain ng tskolate. Noong bata ako kapag kami ay lumalabas palagi akong nag papabiling tskolate. Pag uwi ng ina ko sa kanyang trabaho ay palagi niya kaming inuuwian ng iba’t ibang klaseng tskolate. Taon-taon tuwing umuuwi ang ama ko galing ibang bansa ay nag uuwi ito ng napakaraming masasarap na tsokolate. Kapag may nag babalik bayan sa aming mga kamag anak ay palaging may kasamang tsokolateng kasama ang kanilang pasalubong kaya naman tuwang-tuwa kami kapag may uuwi dito sa pilipinas.
Kung iisipin napakaraming pagkain na gawa sa tsokolate. Mayroong keyk,biskwit,gatas,shake at kung ano-ano pa. Porket maraming mahilig kumain sa tsokolate ay kung ano-ano ang naiisipang gawin ng mga tao sa tsokolate. Napakadali lang din naman kasing gumawa nito. Kahit saan pamilihan ata ay nag bebenta ng mga gawa ng tsokolate na pwedeng maging pangunahing sagkap sa pag gawa nito. Pero para sa akin mas gusto ko pa rin ang “chocolate bars”. Ang mga tsokolate ay karaniwang gawa sa cacao,asukal at gatas. Sa mga pamilihan ay may mga local at imported na tsokolate tayong makikita. Ang mga local na kilala nating choc nut o di naman kaya hany na nabibili sa mga tindahan ng piso hanggang dalawang piso isa. Ang mga imported na kilalang tatak ng tsokolate na toblerone, hershey’s, M&M’s, Cadburry, Kitkat na bagama’t may pagka mahal ay napakasarap naman. Para sa akin at marahil para sa karamihan ay mas pipiliin ang mga imported na tsokolate hindi lamang sa dahil ito ay kilala sa buong mundo kundi dahil din sa masarap nitong lasa.
Maraming nagsasabi na ang pagkain ng tsokolate ay isang paraan para makalimot sa problema o pang patanggal ng pagod. Nakaka pag bigay daw ito ng energy sa mga tao. Ngunit ang sobrang pagkain nito ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit na diabetes. Meron kaming lahi ng diabetes. Kaya naman ay lagi kaming pinapaalalahanan ng aking ina na onti-onti lang ang pagkain ng tsokolate at kahit anong matatamis na pagkain. Kaya naman ako kahit laging hinahanap ng aking panlasa ang tsokolate ay pinipigil ko din ang aking sarili. Mahirap na kasing mag karoon ng diabetes at baka kahit kailan ay hindi na ako makatikim ng tsokolate. Mabuti na nga lang at may naiimbento na ngayon na mga less sugar at mga dark chocolates na sinasabing mas mabuting kainin ng mga mahihilig sa tsokolate. Mayroon na din mga tsokolate para sa mga may diabetes na maaari nilang kainin ng walang inaalala. Ang mga ito kasi ay mayroong kaunting asukal lamang at makakatulong maiwasan ang diabetes. Salamat sa mga taong nakaimbento nito at makakakain na ng walang sawa ang mga mahihilig sa tsokolate tulad ko!
Angelica Mae S. Santos
1T5
True! Masarap talaga 'to! Nakakawala ng stress kaya lang nakakataba at nakakadiabetes. :O
ReplyDeleteTsokolate, pwede itong kainin, pwede din itong inumin. Kahit ano pa mang paraan ng paggamit nito. Siguradong napakasarap ang tsokolate.
ReplyDeleteMagingat lang sa pagkain at siguraduhin hindi ka sosobra sa pagkain nito.
nako. tsokolate ang kahinaan ko.napakasarap kahit minsan masama pag sobra.
ReplyDeleteParang may bagong dating galing ibang bansa. Pero sa isang katulad ni Angel hindi kailangan ng bagong dating kc talagang bibilhin niya yan. :D
ReplyDeleteNakikileg ako sa tamis na chokolate mo!!!
comforting talaga chocolates kahit kelan :D
ReplyDeleteAko din pag may dadating na package from US chocolate kagad! :) comfort food! Favorite ko hersheys and kitkat!
ReplyDeletePaborito ko rin ang tsokolate!at isa pa napakaganda ng iyong paglalahad..
ReplyDelete:))
Tama! Di porkit masama, di mo na pwedeng kainin. Sandali lang naman ang buhay, bakit di mo pa enjoyin? Kain lang ng kain. Tama yan. Mahilig din kasi ako sa tsokolate kaya't umaagree ako ng todo sa iyo. :))
ReplyDeletenice! tama ka, paborito nga ito ng lahat:)) isa na ko sa mga mahilig sa chocolate..:)
ReplyDeletePareho tayooo!! Mahilig din ako sa chocolate, at may kontrol din ako sa pagkain nito. :))
ReplyDeleteKahit ano sigurong pagkain, basta gawa sa tsokolate, ay siguradong tatangkilikin ng mga tao. Napakasarap, nito at maganda rin itong pampatanggal ng "stress". :)
ReplyDeleteKahit anong chocolate! Basta chocolate! At lasang chocolate! Amoy chocolate! Mamamatay na sa chocolate! MASARAP! Amen.
ReplyDeleteHANG SARAP NOMOOON! Sino ba namang nilalabg sa earth ang ayaw ng chocolate? :))
ReplyDeletechocolates-> anti-depressant ;)) paborito ko din 'to :)))
ReplyDeleteYUMMY! the best talaga ang chocolates kahit anong klase pa ito, wala paring hihigit at tatalo :)) Nakakatulong pa ito tuwing ikay nahaharap sa problema at kalungkutan. Isa ito sa mga bestfriends ng isang babae :))
ReplyDeleteAng tsokolate ay tunay na kinagigiliwan ng nakakarami ngunit ang lahat ng sobra ay nakakasama.
ReplyDeleteWow! Chocolates din pala iyo, bhe! Hihi. Ang saraaaaap talaga ng chocolates! Super nakaka-addict. Paran ikaw, addict na ko sayo. :"> Hihi.
ReplyDeleteMasarap nga nmn ang tsokolate. Hindi nakakasawa kainin. :)
ReplyDeleteMasarap ang mga chocolate. Favorite ko yan. :)
ReplyDeletewhii, chocolates ang sarap.
ReplyDeleteang gusto kong dark chocolate ay yung Hershey's dark chocolate with almond. :)
napaka-totoo ng mga naka-saad sa blog mo. ;))
ReplyDeletefavorite ko din yan,lalo na ang mga chocolate na mayroong caramel :)
masarap talaga ang mga tsokolate..bakit ba purotsokolate ang inilalagay niyo dito?..nakakatakam talaga..makita ko plang ang larawan..busog na busog na ko..
ReplyDeletesrap nman nito!!!! sobra! lalo na sa tuwing may padala o mga balikbayan. ay hindi ko mapigilan ding kumain nito :)
ReplyDelete