Sunday, November 28, 2010

O paksiw, ika'y nakaka-aliw!


Bata pa lamang ako ay paborito ko ng kainin ang paksiw lalo’t na pag luto ito ng aking Inay. Kahit anong uri ng paksiw, mapa isda man o karne tiyak gigisingin nito ang natutulog kong isip at siyempre ng kumakalam kong sikmura. Paksiw, kung tutuusin hindi ito espesyal sa karamihan ngunit para sa akin ito ang ulam na swak sa aking panlasa. Anu nga ba ang meron sa paksiw at ganito na lang ang pag pupuri ko dito?
Ang paksiw lang naman ang ulam na tipong niluluto pa lang nakatatakam na. Yung tipong niluluto pa lang ito nalalanghap na ng mga tao sa bahay ang kakaibang aroma kaya di ko maiwasang matakam sa siglang hatid nito sa aking sensory organs. Kapag ito’y nakahain na sa mesa diet ko’y nasisira bigla. Naalala ko dati nung nagkaroon ako ng problema. Ang dami ko ng kinausap at ginawa subalit hindi maalis sa aking isipan ang problemang bumabagabag sa akin. Napadaan ako sa karenderiya ng Tiyahin ng kaibigan ko. Dahil alam nila na paksiw ang paborito ko, inalok niya akong kumain. Para itong bato ni Darna na nag bibigay sakin ng kalakasan. Biglang gumaan ang aking pakiramdam at para bang wala akong hinaharap na problema. “Comfort food” ika nga.
       Sa katunayan, ang pagluluto ng putaheng paksiw ay madali lamang, konting lagay lang ng mga pampalasa, ayos na. Ngunit ang nais ko ay kung paano ako makakalikha ng isaw paksiw na kakaiba ang lasa. Yung tipong mapapakain ka ng todo kapag iyong natikman.
         Ah basta! Sobrang ganda talaga ng naidudulot sa akin ang pagkain ng Paksiw. Tila ba lahat ng problema ko nawawala. Pakiramdam ko’y gumagaan. May hatid ding sustansya at sapat na nutrisyon ang tyak mong makukuha sa pagkain ng Paksiw.
         Para sa akin, kung pagsasama-samahin man ang iba’t-ibang putahe, espesyal man o pangkaraniwan, natatangi man o hindi, Paksiw pa din ang syang higit na mangingibabaw.

-Diane Mae L. Jamero, 1t5

Saturday, November 27, 2010

"The Best Express Lane when it comes to Taste is the Bicol Express"

Lahat tayo’y may kanya kanyang paborito o gusto. Lalo na pagdating sa pagkain. Tulad nga ng sinasabi ng nakakarami, ang mga Pilipino’y mahilig kumain. Minsa’y depende ang ating gusto sa ating kinalakhan o sa mga taong ating nakakasalamuha.

Tulad ko. Ang aking ina ay isang Bicolana. Mahilig siya magluto ng mga putaheng may gata. Kung kaya’t bata pa lamang ako ay nahilig na ako sa mga pagkaing medyo maanghang at may gata. Isa sa mga paborito ko ay ang Bicol Express. Ito’y may halong baboy, sili, bagoong kung minsan, at siyempre, gata.Amoy pa lamang nito ay ulam na. Hindi ka man mahilig sa maanghang o may gata, siguradong magugustuhan mo ang kombinasyon kapag natikaman mo ang ulamna ito.


Naaalala ko pa nung ako’y bata pa lamang, nung una ay ayoko kumain ng Bicol express.
Sapagkat alam kong maanghang iyon. Ngunit isang beses, sa isang handaan, napilitan ako kumain nito. At yun nga, simula noo’y lagi ko na itong pinapaluto sa aking ina. At kapagka ako’y kakain sa labas, ito agad ang una kong hinahanap. Isang bagay na aking natutunan ay huwag matakot sumubok sa isang bagay. Malay naten, ito pala an gating hinahanap hanap. Tulad sa pagkain.

Ingredients:

  • 1/4 kilo pork, thinly sliced
  • 1 cup Baguio beans
  • 3 cups long chili or jalapeno peppers
  • 1 onion, minced
  • 1 head of garlic, minced
  • 1 cup coconut milk
  • 1 cup coconut cream
  • 2 tablespoons of cooking oil




  • Salt to taste

My Grilled Love


My Grilled Love

     Naranasan mo na ba ang pakainin ka ng isang putaheng ayaw mo, pero nung matikman mo ay parang ayaw mo na kumain ng iba pa? Malamang sa malamang ay hindi pa sa iba, ngunit alam niyo ba ako naranasan ko na ito? Ganyan ang nangyari sa aking mahal na Steak. 

     Noong bata pa ako, sa edad na 5 ay natikman ko na ang steak ng tito ko. Hindi ko pa nun alam ang halaga ng isang steak. Basta kain lang ng kain. Noon ko rin natikman ang una kong sparkling champagne. Swak na swak ang dalawa! Kasabay pa nito ang kernel corn na side dish, at may crunchy garlic. Nasanay na ako simula nun na kada espesyal na okasyon ay kakain kami ng steak. Nang magtagal ay nalaman ko ang halaga ng isang steak sa isang restaurant. Aba'y laking gulat ko ng malaman kong umaabot sa Php 500 pataas ang isang steak. Pero ganun pa man, ay paminsan minsan, lumalabas pa din kami para makakain ng steak. Haha. The best sa lahat ang timpla ng aking tito. Simpleng toyo, kalamansi, 7-up (oo eto nga yung softdrink), asin, paminta at betsin. Kahit sa simpleng porkchop ay pwedeng pwede ito! Pero siyempre mas masarap pa din kung sa steak iyon. :p 

     At yan nga ang aking paboritong pagkain, ang inihaw na steak. :) Kayo ba? Ano ang inyong paboritong pagkain? Panigurado ay masarap din iyan! :)

maitim na tsokolate :)



Hindi lahat ng dark ay emo, masama, malungkot at nakakatakot. Mayroon ding dark na masarap at mabuti sa ating kalusugan. Ito ay ang dark chocolate.

Ang dark chocolate ay hindi gusto ng maraming tao dahil sa kakaibang lasa nito. Ito, kumpara sa milk at white chocolate na manamisnamis, ay may mapait ngunit matamis na lasa. Ang di ninyo alam, maraming benepisyo ang naibibigay ng bittersweet chocolate na ito.
Una, ito ay nakakapagpababa ng blood pressure.  Ikalawa, ayon sa mga pananaliksik, ito ay mayroong mas mababang kolesterol sa ating katawan kumpara sa milk at white chocolate. Ikatlo, ito ay may natural na serotonin na nakakapagpa gaan n gating pakiramdam kapag tayo ay malungkot. At ika-apat, ito ay mayroong anti-oxidants na nakakatulong sa pagbagal ng pagtanda.  
Sa kabuoan, hindi lamang masarap ang dark chocolate kundi, mabuti pa sa ating kalusugan.


  -DJA patubo :)))









Friday, November 26, 2010

Without ice cream, there would be darkness and chaos. :)


Kilala ang Pilipinas bilang isang lugar na pinagmumulan nang mga masasarap na pagkain sa buong mundo. Sa bawat rehiyon, may isang kinatawang pagkain na magrerepresenta sa lugar pati na rin sa ugaling meron ang mga nakatira dito. Katulad na lamang sa Bicol kung saan kilalang kilala ang maanghang na pagkain tulad nang Bicol Express. Ang nasabing Bicol Express daw ang nagrerepresenta kung gaano kaanghang ito ay ganun din katapang ang mga Bicolaños. Gayun din sa Pampanga kung saan nagmula at mabili sa panlasa ang Sisig. Sabi nang ibang bansa, ang Pilipinas daw ay kilala sa mga pagkaing matatamis at masasarap tulad nang Halo-Halo na sikat na sikat tuwing tag-araw at ang Balot na sinasabing pag hindi ka daw kumakain nito ay di ka Pilipino. Kaya naman nang nagkaroon kami ng takdang aralin o pagsusulit sa kurso kong Filipino ay naguluhan ako sa kadahilanang ako ay isang matakaw na tao kaya halos lahat ng pagkain ay kinakain ko. Kaya naman ang napili ko na lang ay iyong pagkain na lagi akong napapasaya at kailangan ko para masabi na ang buhay ay maganda.

Maituturing nga na ako’y isang Pilipino sapagkat mahilig ako sa matatamis na pagkain. Mapa-anong uri man ng matamis na pagkain; candy, lollipop, chocolates at syempre ang pinakapaborito ko sa lahat nang matatamis na pagkaing nalikha, ang ice cream. Ang pinakapaborito kong gawin ay tumambay sa Ministop España, magmukmok doon habang nilalasap ang matamis na dulot ng tig-kinse pesos na sorbetes. O di kaya naman sa Mcdo na maari kang mamili sa pagitan ng sampumpiso o kinse pesos na ice cream. Parehong masarap. Nagtatalo lamang sa apang may hawak sa ice cream dahil kung sa Ministop ay isang kulay krema na matamis at malutong ang ginagamit nila. Di tulad nang sa Mcdo na kulay kahel at malambot ang matitikman kapag dito ka kumain. Kung di ka naman makapili, maari ding pumasok sa loob ng UST dahil ito mismo ay may sariling ice cream na pinagbibili na maaari mong ipalagay sa baso o kaya naman sa tinapay na magsisilbing merienda na rin. ”Viva Santo Tomas” ang pangalan ng di-tulak na karitela na ito na may iba’t ibang flavor na mapapagpilian nang sinuman. Matatagpuan mo ito sa tapat ng Engineering Building sa España, sa Quadricentennial Park sa Dapitan at sa Plaza Mayor sa tapat ng Main Building.
 
Ito nga talaga ang nagpapagaan sa aking loob sa tuwing may problema o may mga bagay na bumabagabag sa akin. Tila ang ice cream na ito ang nagsasabi sa aking okay lang at magiging maayos din ang lahat. Ang masarap na lasa nito ang nagbabalik sa aking ngiti at sigla pagkatapos nang isang nakakapagod na araw. Kapag naman ako ay depress, tanging ito lang ang kakainin ko magdamag. Ang resulta? Ubo o di kaya naman tonsilitis. Pero okay lang naman kasi maaari mong magamot ang ubo o tonsilitis at ilang araw ang makalipas ay wala na ito pero ang saya na naidudulot nang pagkaing ito ay walang katumbas at mahirap makuha.


Ngunit ang lahat ng bagay ay magiging makabuluhan kapag ikaw ay may kadamay sa pagtawa, pagluha at maging sa pagkain ng ice cream. Kaya naman kung ako sainyo, ayain ninyo ang inyong mga kaibigan o kaya naman ang isang taong napakahalaga sainyo sa isang ice cream shop sa mga oras na kayo’y may pinagdadaanan at panigurado bago pa man maubos ang apa ng ice cream na ito ay mapapawi na kaagad ang lungkot. Ang ice cream na ito ang nagpapaalala sa ating lahat na ang buhay ay kasing tamis at kasing kulay nang ice cream. Ang kelangan mo lang gawin ay ienjoy ito para sumaya.




Abigael B. Ferrer

Thursday, November 25, 2010

Piniritong manok o “fried chicken”


Sa lahat ng restawrant at “fast food chain” ay nakita at natikman ko na ang lahat ng luto nila ng “fried chicken”. Ang iba ay malutong ang balat,  “juicy” ang laman at katakam-takam ang amoy. Ngunit iba pa rin ang sarap na naidudulot ng lutong bahay ng aking pinaka-mamahal na lola. Ang kanyang pritong manok.

Hindi ko alam kung paano ginagawang sobrang sarap ng aking lola ang kanyang pritong manok. Ang alam ko lang ay gumagamit siya ng breading na hindi ako pamilyar at itlog. Tapos ay hinihiwa niya ito upang ang mantika ay pumasok sa loob ng laman upang lalo itong maluto, di lang ang balat kundi pati na rin ang laman. Matapos ito malub-lob sa mantika ay makikita mo na ang mala-ginto nitong balat at maamoy mo na ang aromang makakapag-palaway sa gutom mong bibig.

Habang iniisip ko ang essay na ito ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Siguro ay dahil sa masusi kong pag-iisip ng essay tungkol sa  malinamnam na pritong manok ni lola. Ito lang ang masasabi ko, wala nang tatalo sa lutong bahay ng aking lola. 

Marx R. Tapalla

"Kare - Kare", you can't resist it


"Kare - Kare", you can't resist it ;)



Paboritong pagkain? Eto ba ung tipo ng pagkain na pag nakikita o naaamoy mo pa lang ay napapa-“wow” ka na? ung mae-engganyo ka nang kumain? Na swak na swak sa iyong panlasa kahiy hindi ito gusto ng iba? Oo! Tama! Para sa akin, yoon ang mga bagay na unang sumasagi sa aking isipan pag naririnig ko ang mga salitang iyon, at ang unang pagkain na aking naiisip ay ang pinaka-mamahal kong “Kare-Kare".


Nang ako ay nanaliksik ng konti tungkol sa kare-kare, aking natuklasan na ito pala ay nagmula sa isang probinsya sa ating bansa, at ito ay ang Pampanga. Ito ay isa sa mga tinatawag na “comfort food” nating mga Pilipino, hindi rin ito nawawala sa mga piyesta sa iba’t ibang lugar.

Ang kare-kare ang pagkain kung saan pinagsama-sama ang ilan sa pangunahing mga sakngkap sa mga pagkain ng Pinoy, tulad ng talong, sitaw, puso ng saging, petchay, astuete at ang nagpapakulay at nagbibigay ng matinding amoy na naghahatak sa atin para kumain, ang mga ito ay nangangahulugan din na ang putaheng ito ay hindi lang puro sarap ang hatid, kundi sustansya rin.
Hindi pa yan kumpleto, andyan pa ang malaman na sangkap na maaaring mong ihalo, mamili ka lamang, puwedeng seafoods o karne ng baboy o di kaya naman ay karne ng baka. Ngunit, subalit, datapwat, hinding hindi makukumpleto ang kare – kare kung wala itong kasamang bagoong alamang, hindi man natin magustuhan ang amoy nito, pero aminin natin na ito ay ang nagpapalasa at lalong  nagpapasarap sa ating kare- kare.


Ang putaheng ito ay maaari nating matikman mula sa mga simpleng karinderya hanggang sa mga bigating restawran, ngunit para sa akin, ang sarap at linamnam nito ay matatagpuan sa sariling tahanan, kung san ang paborito nating tao ang magluluto, si inay, si lola o si ate, maaari din ang ating mahal na kasam-bahay, dahil masramdam din natin ang pagmamahal na idinagdag sa mga sakngkap nito at kuhang kuha nila ang timpla na swak na swak sa ating panlasa.

            Isang araw, matuto rin akong magluto niyan, upang maibahagi ko rin sa ibang tao ang sarap ng kare-kare na may halong debosyon at pagmamahal. <3



- Precious Mai Matienzo, 1T5

Gutom na ako. Kaen tayo!

Marami sa atin ang talaga namang mahilig sa pagluluto at sa pagkain ng iba’t ibang klase ng mga pagkain. Hindi rin tayo takot sumubok at tumikim ng iba’t ibang klase ng mga pagkaen tulad ng mga exotic foods gaya ng ballot, palaka, daga, ahas at iba pa. At sa tingin ko, mula sa dinami rami ng mga pagkaing ito ay mayroong isa o ilan ang pumukaw at nakakuha ng pansin sa ating mga panlasa at madalas na rin nating hinahanap hanap at gusting muling matikman. Sa madaling salita, ito ay naging atin nang paboritng pakaen.  


Mula sa dami ng mga pagkain na akin nag natikman, masasabi ko na ang kare-kare ay ang aking naging paborito. Ang kare-kare ay isang putaheng Pilipino na kulay kahel.  Ito ay karaniwang inihahain tuwing tanghalian na may kasamang bagoong alamang. Ang mga sangkap nito ay sitaw, petchay, talong, puso ng saging, atsuete, peanut butter at ang pangunahing sangkap na karne ng baka at oxtail. Ang mga hakbang sa pagluluto ng kare-kare ay una, kailangan munang pakuluan ang karne at oxtail ng ilang minuto upang ito’y lumambot at maluto. Itabi ang pinagkuluan nito pagkatapos. Ang susunod ay kailangang maggisa ng bawang at sibuyas at pag ayos na ay ilagay na ang pinakuluang karne at oxtail, maglagay din ng konting tubig na ginamit sa pagpapakulo ng karne upang maging mas malasa ito. Isama na rin ang peanut butter at atsuete, maglagay na rin ng iba pang mga pampalasa tulad ng asin kung kinakailangan at pakuluin ito ng mga 15 minuto.  Pagkulo nito ay maaari nang ilagay ang mga gulay at muli itong pakuluin upang maluto ang mga gulay. Pagkatapos ay maaari na itong ihain sa mesa na may kasamang bagoong alamang at kanin.
Diba’t kaydali lang gumawa ng aking paboritonng pagkain? Kaya magluto na kayo at patikman nyo naman ako ng inyong niluto. Di lang ako mabubusog at magiging masaya, magiging malakas din ako dahil ang kare-kare ay isang putaheng napakasustansya at mayaman pa sa protina. 



by: Precious Josephine L. Rigor
1T5

"A Chocolate doesn't make the world go round, but it certainly makes the trip worthwhile."

Ano nga ba ang MAS matamis, ang pag-ibig na nabuo sa dalawang taong tunay na nagmamahalan o ang tsokolateng naging daan upang mapasaya mo ang taong iyong minamahal?  


Karamihan sa atin ay mahilig kumain ng tsokolate-mapa-Milk Chocolate, White Chocolate, Dark Chocolate, atbp. Ngunit, hindi ba't masama ito sa ating kalusugan? Para sa akin, hindi ito masama basta't wag masyadong marami ang iyong kakainin dahil masama sa ating kalusugan ang sobrang pagkain ng matatamis at wag din naman kulang dahil sayang ang perang iyong ipinambili para sa tsokolateng iyon. 


Isa ako sa mga tao na sobrang lakas kumain ng tsokolate. Madalas akong bilhan ng aking ama ng mga paborito kong tsokolate-KitKat, Toblerone, Cadburry, M&M, Crunch, Ferro at Hershey's. Palagi akong mayroon stock ng mga tsokolate sa aking kabinet. Kaya kong mabuhay sa isang araw na tsokolate lamang ang aking kinakain basta't hindi ito Dark Chocolate at wala itong raisins. Kahit na araw-araw ako kumain ng tsokolate ay hindi pa din ako nagsasawa at nagkakasakit nang dahil sa sobrang pagkain ng tsokolate. Ngunit, may pinipili din naman akong tipo/klase ng tsokolateng nais kong kainin buwan-buwan. Sa ngayon, mag-ttalong buwan ko ng 'Flavor of the Month' ang tsokolateng Crunch. Kumakain pa din naman ako ng iba pang tsokolate ngunit, ito pa din ang aking hinahanp-hanap.


Bakit ko nga ba MAS nahiligan pa ang tsokolateng ito kaysa sa iba pang mas masasarap na tsokolate sa mundo? Ano nga ba ang istorya sa likod ng aking pagkahilig dito? Naalala ko pa noong Septyembre 27, 2010, Lunes, huling klase na namin sa araw na iyon ay bigla akong nag-crave sa tsokolateng Crunch. Hindi ko alam kung bakit pero biglaan nalamang iyon kahit na medyo busog pa ako sa aking kinain na merienda. Isinabi ko sa aking pinakamamahal, pinakamapagmahal, pinaka-loyal, pinakamasunurin at pinakamabait na kasintahang si Nicko na paki bilihan ako ng Crunch since ako ay nasa klase pa at siya'y kakatapos pa lamang ng klase. Agad siyang bumili ng tsokolateng ito at dinala sa aming gusali(building). Nagpaalam ako sa aming propesor kung maaari ba akong makalabas sandali at pinayagan naman niya ako. Pagkababa ko ay agad ko siyang pinuntahan sa tapat ng aming gusali at nang kanyang ibinigay ang supot na may lamang mga tsokolate ay inutusan niya pa ako na bilangan ko daw kung ilan ang bilang ng mga tsokolateng kanyang binili. Agad ko naman itong binilang at sa laking gulat ko ay labing-isa ang aking pagkakabilang. Mahalaga para sa amin ang numerong iyon kaya't ako naman ay na-tats (touched), kinilig ng kaonti at sobrang natuwa. Matapos noon ay nagtawanan kami. Makalipas ang ilang minuto ay sinabi ko sa kanya na paki hintay na niya ako since ilang minuto nalang naman at tapos na ang aking klase. Bigla naman siya sumagot at sinabing mayroon siyang praktis sa basketbol. Hindi nalamang ako umimik dulot ng aking pagkalungkot dahil gusto ko pa siya makasama. Nang kanyang napansin ito ay agad naman siyang bumawi at sabay sabi na hihintayin na daw niya ko matapos sa aking klase at magbibihis na lamang siya habang naghihintay sa akin. Ako'y sobrang natuwa sa magandang balitang iyon kaya't kami ay nag-dikit  na ng cheeks at umakyat na ako sa aking klase. Pagkadating ko ay agad kong ibinahagi ang mala-fairytale na istoryang iyon sa aking kaibigan at katabi na si Abigael Ferrer-o. Sa sobrang kasiyahan at katakawan niya ay kinain niya ang halos isang buong bar ng tsokolate. Natuwa naman ako sa kanya at sinabi ko na lamang na sa kaniya na 'yun basta't ibalik na lamang niya sa akin ang supot ng tsokolate. Matapos ang aming klase ay pinuntahan ko kaagad si Nicko sa baba. Kami ay nag-stay at nag-usap muna sa tapat ng field para hintayin ang akin sundo. Madalas din nangyayari na matagal dumadating ang aking sundo kaya naman madalas din kaming nag-aaksaya ng oras kasama ang isa't isa, wala kaming magawa kundi kumain, magtawanan at magkulitan na parang mga bata. Nang dumating ang aking sundo ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Ang huling mga salitang binitawan ko sa kanya ay mag-ingat siya sa kanyang pag-uwi at madaming salamat sa mga tsokolateng kanyang ibinigay. Sumagot naman siya na walang anuman iyon at gagawin at ibibgay naman daw niya ang lahat basta para sa akin. ( :"> Hihihi. )


Saan nga ba maaring mabili ang Nestlé Crunch na ito? Kahit saan kang pamilihan (Malls, Groceries, Sari-sari stores, etc.) pumunta ay maari kang makabili ng tsokolate. Kung ikaw ay gutom na at nais mong makakain ng Crunch ay maari kang pumunta sa pinakamalapit na grocery o mini-grocery(7-11, Mini Stop, etc) sa inyo. Ngunit, kung ikaw ay pupunta sa inyong pinakamalapit na tindahan ay wala kang mabibiling Crunch dahil ang presyo nito ay hindi kasing mura ng kendi at biscuit. 

Ang Chicken Sopas ni Nanay

                   Ang Chicken Sopas ni Nanay 
           (Marie Isabel B. Linatoc)

Bata man o matanda ay paniguradog may paboritong putahe, mga putahen  na nagpapasaya at nagpapangiti tuwing ito ay natitikman o kinakain. Ako man ay mayroong ding paboritong putahe na nakakapagpangiti sa akin, iyon ay ang “Chicken Sopas” na niluluto ng aking ina.

Ang aking ina ay magaling magluto at bilang isang sakitin na tao ay madalas niya akong pinagluluto ng aking paboritong “Chicken Sopas”. Ang  Chicken Sopas ay isang kakaibang putahe dahil imbis na tubig ay chicken broth ang ginagamit upang ito ay mas maging malasa. Ito ay nilalagyan ng gatas upang mas maging creamy at iba’t ibang gulay bilang malalasang sahog. Ang Chicken Sopas ay maari pang lagyan ng iba’t ibang sahog bukod sa chicken, katulad na lamang ng hotdog o luncheon meat na paniguradong papatok sa inyong mga panlasa. Ang noodles na karaniwang ginagamit sa Chicken Sopas ay ang macaroni noodles, maari din gumamit ng iba’t ibang klase ng noodles dahil hindi naman sensitibo ang lasa ng Chicken Sopas at kayang tumugma sa iba’t ibang klase ng noodles. Masustansya ang Chicken Sopas at may sakit man o wala ay maaring kumain nito. Mainit man o malamig ang panahon ay paniguradong masasarapan ka sa Chicken Sopas dahil bawat subo ay paniguradong tatangkiliin mo ang lasa.

    Ang Chicken Sopas ay isang simpleng putahe kung saan makakapag-tugma ka ng mga sangkap na ayon sa iyong panlasa. Bata man o matanda, may sakit man o wala ay masasarapan sa bawat subo ng mainit na Chicken Sopas.

Wednesday, November 24, 2010

Hibla, Haba ng saya~~~~~~~~~




(Iniluto ni Sheila Mae Lao)  
Gaano man kahaba ang buhay ng isang tao meron itong wakas. Darating ang araw na matatapos lahat, at pagdating ng araw na yon magkakaroon ng bagong mundo at lahat tayo ay mabubuhay ulit. Naniniwala ako sa mga sinasabi ng ilang pilosopo na nabubuhay ulit ang isang tao sa katauhan ng iba pagkatapos ng 25,000 years, tinatawag itong "reincarnation". Ngunit di lahat naniniwala dito, tulad na lang ng mama ko. Kaya naman lagi niya kaming pinapakain ng pancit. May lahi kasi kaming Chinese kaya mahilig ang pamilya ko dun, ewan ko ba, pero parang ako lang ata ang may ayaw dito. Kaya naman kapag New Year na at pinapakian kami ng pancit para "humaba" daw ang buhay namin e humihiling na lamang ako sa nanay ko na sana SPAGHETTI na lang ang iluto niya, masarap naman yun at gusto rin naming lahat. Nahilig ako sa spaghetti simula nung......simula nang magkaisip ako. Masyado kasi siyang masarap, lalo na kapag sobrang dami ng cheese at sauce, kapag kinakain ko ito para akong lumulutang sa hangin gamit ang mahahabang hibla ng noodles na pinagtagpi-tagpi at ginawang magic carpet. Sa katunayan nga, kapag nalalaman na naming magluluto ng spaghetti ang mama ko ay tumutulong kami sa pagluluto para mapabilis at makakain na agad kami. Bawat mahahalagang okasyon ay di kumpleto kung walang spaghetti sa hapag kainan.

Lahat tayo gusto ang spaghetti, sino ba naman ang may ayaw nyan? Kaya naman nagbibigay pugay tayo sa taong nagdala nito sa europa na si Marco Polo. Matagal na tradisyon na sa Italyaang pagkain ng Pasta at isa na dun ang Spaghetti. Meron na rin nito sa China noong 13th century pa. At ayon sa Greek Methology, ang Greek God na si Vulcan ang nag-invent ng isang device na gumagawa ng mahahabang hibla ng dough. Hindi makukumpleto ang spaghetti kung walang tomato sauce, at ibat-ibang sangkap na lalo pang nagpapasarap dito. 

Simple lang naman ang paraan ng pagluluto ng spaghetti ng nanay kko. Una ay pakukuluan ang tubig at pagkatapos ay ilalagay ditto ang noodles upang lumambot ito, haban hinihintay ang noodles ay ilagay naman sa isang kawali ang tomato sauce kasama ng hotdog at giniling na karne. Hintayin itong maluto at kapag luto na lahat pwede nang ihain sa hapag, at di dapat malilimutan ang keso na lalo pang nagpapasarap dito.

Masarap kumain ng paborito nating pagkain, kaya naman pahalagahan natin ito at wag sayangin, tandaan na maraming bata ang nagugutom sa panahon na ito. Mahalaga ding magbigay sa kapwa nang malasahan nila ang sarap ng buhay sa pamamagitan ng paborito mong pagkain.

Walang kasawaan, walang kalimutan, walang iwanan







  Kaya't ano pang hinihintay mo? Subok at tikman na! Nang maramdaman at malasahan ang tinatagong sarap ng maning ito. Malay mo masarapan ka at maging paborito mo rin ito gaya ko. 

Guiliana Ean H. Echon
1T5
 

Skittle-licious skittles! : ]


 May mga pagkain na sadyang nakaka-kuha ng ating mga makukulit na panlsa. Matamis, maasim, nais natin ang mapaglarong lasa ng bawat natitikman nating pagkain.
ken_ashford.typepad.com
Isa sa mga naka-pukaw sa aking malikot na panlasa ay ang maliliit ngunit malinamnam na Skittles. Ang Skittles ay isang brand ng candy mula sa Estados Unidos. Ito ay isang brand ng “ fruit-flavoured sweets”  na  ang panlabas ay pinatigas na sugar shells na may tatak ng ‘S’ sa bawat maliliit nitong butil. Ang loob naman ay sugar at Hydronated vegetable oil na sinasamahan ng iba pang panlasa na kadalasan ay mga ibat-ibang uri ng prutas. May anim na klase ang Skittles batay sa grupo ng lasa ng mga piraso;  Crazy Core, Fizzl'd Fruits, Original, Sour , Tropical, at Wild Berry.  Sa bawat maliit na butil ay malalsahan ang manamis-namis at maasim na lasa ng mga prutas at asukal.
Sa bawat pagkain ko ng Skittles ay talaga namang sumasaya ang aking damdamin. Ang mga naglal-larong lasa sa aking dila at labi ay nagbibigay ng sigla sa aking katawan at kalooban. Bawat piraso ay iyong nanamnamin at magigising ang kulit ng iyong panlasa. Ito ang aking pampasaya sa tuwing ako ay malungkot, kasama ko sa aking tabi sa tuwing ako ay naga-aral para sa mga pagsusulit , at pampalibang kapag ako ay nagi-isa. Ang kanilang makukulay na anyo ay nakapupukaw ng mga mata at imahinasyon. Ang mga pinaghalo-halo nilang anyo ay parang bahag-hari sa tingkad.
Ako ay maaring matawag na isang “sweet-tooth” dahil sa hilig ko sa pagkain ng mga    matatmis. Ngunit Skittles lamang ang kayang sumabay sa mga labi at dila kong makulit. 
               
                                                                 by: Fatima Bianca M. Acuña


Airheads ♥



Sadyang malapit ang aking puso sa matatamis na pagkain. Kinalakihan ko na ang laruan at Barbie ngunit CHOCOLATE at CANDY parin ang sigaw ng aking damdamin. Kung babalikan ko man ang aking kabataan, hindi ako magsasawang balikan ang munting sayang nadarama ko sa tuwing ako’y mapag-iisa habang nilalasap ang paborito kong kendi.

Ang Airheads ay isang kendi na matamis at may pagkamaasim. Manipis ito ngunit natutunaw habang nginunguya. Habang ito’y natutunaw sa iyong dila ay kumakapit ang malinamnam nitong lasa. Sa tuwing kinakain ko ang isang balot ng Airheads, bumabalik ako sa aking pagkabata at para bang lumulutang ako sa munting tuwa dahil sa tamis at linamnam nito. Tila isang minatamis na bahagharing nahulog sa langit, hindi matatawaran ang aking pagkawili dito.

Hindi ito mahirap hanapin at kadalasa’y mabibili sa mga candy stand sa malls. Kung kaya ay pinapayuhan ko kayong tikman ito sa lalong madaling panahon kung ito ay hindi ninyo pa natitikman. Tandaan lamang na kontrolin ang sarili kung sakaling bigla kang mahilig sa kending ito sapagkat walang maidudulot na maganda sa iyong kalusugan ang labis na pagkain nito. Isaalang-alang ito bilang isang babala (consider yourself warned).


-Beah Legaspi

Bicol Express: Tikman ang tunay na sarap!

Bawat isa ay may sari-sariling hilig na pagkain. Magkakaiba ang mga gusto natin depende na lamang sa kapaligiran at kulturang kinagisnan natin.



Gaya ko, hilig koang pagkaing Bicol Express. Ito ay ang espesyal na putahe na nagmula sa Bicol. Sinasabi na gawa ito ng isang babae na nagngangalang Cely Kalaw na nagmula sa Laguna. Nag mamay-ari siya ng isang restawrant sa Malate,Manila. Noong tatlong taong gulang pa lamang siya, nagpunta na ang kanyang pamilya sa Bicol. Nang siya'y lumaki na, nagbalik siya sa Maynila at ginawa niya ang putaheng ito. Pinangalan niya ang Bicol Express sa tren na bumibyahe mula sa istasyon ng Paco papuntang Bicol.



Ang Bicol Express ay gawa sa baboy, sili, gata, bagoong,sibuyas at bawang. Ito ay napakasarap kahit medyo maanghang. Bawat subo mo ay mapapabilis dahil sa mga sili na iyong nakakain. Batay sa mga mananaliksik, ito ang nutrisyon na iyong makukuha sa Bicol Express:
                                                
Calorie666.45
Protein24.75g
Fat59.90g
Water185.37g
Sodium1138.83mg
Cholesterol124.08mg
Carbohydrates6.26g
Fiber1.69g
Vitamin A863.12IU
Vitamin C64.85mg
Calcium54.68mg



Kaya ano pang hinihintay ninyo, tara na't kumain ng Bicol Express!




MINDANAO, RODERICK H.
1T5


Tuesday, November 23, 2010

Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya


Marahil ang pinaka-sikat na ulam ng mga Filipino na kilala kailanman ay ang Adobo. Ang Adobo ay isang timpla ng karne na linuto sa toyo at suka. Ito ay higit na kilala sa pangunahing sangkap na baboy. Sa paglipas ng taon, ang mga tao ay patuloy sa pag-eeksperimento ng iba't ibang uri ng karne at gulay na pangunahing sangkap sa paggawa ng Adobo. Lumitaw ang mga Adobong Manok, Adobong Kangkong, Adobong Kabute, Adobong Kuneho at Adobong Sitaw. Ito pa ay lalong naging kakaiba dahil na rin sa Adobong Palaka at Adobong Sawa. Sa katunayan, may iba't-ibang uri ng Adobo. Kahit na ang lamang-loob ng baboy at manok ay maaaring gamitin para dito.

Ang Adobong Atay at Balunbalunan ay isa sa nakakagulat na paboritong adobo ng karamihan. Ang malambot at pinong pagkakahiwa ng atay ng manok ay unti-unting matitikman sa karne na malalasahan ang asim at alat at iba pang pampalasang timpla. Ang balunbalunan naman ay kaiba sa malambot na atay ngunit kapag ito'y naluto maaaaring magbigay ng kiliti sa iyong panlasa. Ang pagkain sa adobong atay at balunbalunan ay isang kakaibang putahe. Kahit na ang pagtingin dito ay maaaring makaramdam ng pandidiri ngunit ang sustansyang naidudulot nito sa kalusugan ay hindi mapapantayan. Ang  Adobong Atay at Balunbalunan ng Manok sa Pinya ng aking Ina ang masasabi kong pinakamahusay na natikman ko kailanman.

Ang Adobo ay isang bagay na bawat Pilipino sa hapag-kainan ay laging mayroon. Ito ay maaaring handa sa mga espesyal na okasyon o kalamitang ulam sa araw-araw. Ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag ang Adobo bilang "Pagkain ng Kaginhawaan".


- Bernadeth C. Bertulfo

Sorbetes, Sorbetes!!





Marahil ay araw araw na natin itong nakikita sa mga lansangan o di kayay sa mga eskwelahan. Pagkatunog pa lamang ng ng bell nito ay naghihikayat na ito sa mga taong nasa paligid na bumili. Masisilayan rin ang maamong mukha ni Manong na nagsasabing "Sorbetes, Sorbetes!". Bata pa lamang ako ay nahiligan ko na ang kumain ng sorbetes. Talaga namang napakasarap at malinamnam ang sorbetes.



Ano nga ba  ang sorbetes? Sabi nga ng iba, ito raw ay ang "Pinoy version" ng ice cream. Maraming mga flavor ang sorbetes na pwedeng pagpilian. Ilan sa mga  sikat na flavors ay ang cheese, chocolate, strawberry at mango. Saan ba madalas makikita ang mga nagtitinda ng sorebetes? Makikita ito kahit saang parte ng bansa. Pangkaraniwan itong nakikita sa mga tabi ng lansangan o di kayay sa tapat ng eskwelahan. Ang presyo ng sobertes ay pumapatak sa limang piso hanggang bente. Kaya naman ay sulit na sulit ito sa mga kababayan natin. Isa sa mga nutritional factors nito ay gatas kung saan nagpapatubay ito ng buto at syempre ang asukal kung saan ito ay nakakapagbigay lakas sa katawan.Kung mayroon itong naidudulot nga maganda sa katawan ay mayroon rin itong masamang naiidudulot. Sobra sobrang pagkain ng sorbetes ay pwedeng humantong sa pagkakaroon ng sakit. 


Hindi hadlang sa marami sa atin ang pagkain ng sorbetes mapabata o mapatanda, may ngipin man o wala. Parte na ng buhay natin ang pagkain ng sorbetes. Talagang maipagmamalaki ng mga Pilipino ang sorbetes sa buong mundo. Kaya naman pagkatapos mo itong basahin ay huwag ng magdalawang isip na kumain ng sorbetes at tiyak na babalikbalikan mo ito.



                                           ........END..........
                                           Hazel Sta. Maria
                                                   1T5

Pinoy Custard (:



Alam niyo ba na ang Leche Flan ay nagmula sa salitang espanyol- "leche" na ibig sabihin ay gatas, at "flan" na ibig sabihin ay matamis na panghimagas? Ito ay isang pagkaing matamis na Custard sa ingles, at ang custard, kapag tinagalog ay letseplan o mas sikat sa tawag na Leche Flan. Ito ay pagkaing Pinoy na madalas makikita sa hapag lalo na kapag may okasyon, gaya ng pasko, bagong taon at mga kaarawan.


Mahilig ako sa simple lang, gaya nito, madali pa gawin at hindi mahal ang mga sangkap na kelangan dito. Hilig ko ang pagkain ng mga matatamis dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam at sa sarap ay nasisiyahan ako. Hindi lang dahil sa sarap ng Leche Flan  ko ito nagustuhan, isa na rin dito ang mga pangyayaring naalala ko sa tuwing kumakain ako nito, lalo na yung mga panahong kasama ko ang aking pamilya habang kumakain. Sa sobrang dalas gumawa ng Leche Flan ng mama ko ay lahat kami sa pamilya namin ay marunong nang gumawa nito.


Maaari rin namang lagyan ng kahit ano ang ibabaw ng Leche Flan, depende sa nais mo, gaya ng prutas.
Maaari mo rin itong gawin na may iba't-ibang hugis. Ang alam ko lang, masarap ang leche flan kahit ano pa man ang twist nito.

                                                                                                         Eya, Jessica (: